Chapter 38.

6.4K 136 0
                                    

Date Published: May 11, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 38.

THIRD PERSON'S POV

~ THURSDAY, 10 PM ~

Nandito si Albert sa loob ng kwarto niya at nainom ng wine habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Charlene.

"Code C.L.E. Code Charlene. Buhay ka?" Bulong niya sa sarili niya.

Kinuha niya ang cellphone niya at hinanap ang number ni Charlene sa contacts at binaba na niya ulit 'to. Tumayo siya mula sa upuan at kinuha ang susi ng kotse.

"Cial, may pupuntahan lang ako." Paalam ni Albert at umalis na siya. Naiwan si Cial sa kinatatayuan niya at napa-iling na lang.

~ COVERED SQUARE GARDEN ~

Nandito si Albert sa isang hardin kung saan sinagot siya ni Charlene nang niligawan niya ito. Naglakad-lakad lang siya habang natingin sa paligid.

Pinagmamay-ari ito ng mga Ashworth at walang tao ngayon dito kundi siya lang. Sa bawat tingin niya sa paligid ay naalala niya ang lahat nang kasama niya pa si Charlene.

"Kahit kailan, hindi ko inisip na palitan ka." Nakangiting saad niya sa sarili niya. Bumunot siya ng isang pulang tulip at tumalikod na.

Pagkatalikod niya ay napahinto siya nang may nakita siyang isang pamilyar na babae na naglalakad palapit sa kaniya at nakangiti ito.

Nakasuot ito ng isang kulay puting damit, tube ito at hindi pantay-pantay ang haba ng palda nito. May puting clip siyang suot sa kanang bahagi ng buhok nito. Nakasuot din ito ng isang puting heels.

Hanggang ngayon, hindi pa rin kumukupas ang ganda niya. Komento niya sa isip niya.

"Anong ginagawa ng isang Alcaide dito? Gabi na ah. Wala ka bang mga anak para bantayan?" Tanong nito kay Albert.

"Ikaw? Anong ginagawa mo? Wala ka bang asawa at mga anak? Hindi ka umuwi ng tatlong taon sa bahay, Alish." Sagot naman ni Albert.

Nginisian lang siya ni Charlene at mas lumapit ito sa kaniya. Hinawakan niya si Albert sa pisnge at hinalikan ang labi nito.

"Charlotte told me that hindi ka maka-move on sa'kin. Hindi ako informed na baliw na baliw ka pala sa'kin, Alcaide." Sabi niya pa.

"Kasi pagkaka-alala ko ay hindi gawain ng mga Alcaide na mabaliw sa iisang babae." Dugtong niya pa.

"Binago mo ko, Charlene. You did something to me kaya naging ganito ako pagdating sa'yo." Mariing sambit ni Albert.

"I can explain - let me explain kung bakit ngayon lang ako nagpakita." Sabi ni Charlene at hinawakan niya sa kamay si Albert.

"You're going to pay for what you've done to me, Alish. Always remember that." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Charlene.

Hinila niya si Albert papasok sa isang kwarto para makapag-usap ng pribado at maayos.

CHARLOTTE'S POV

~ NEXT DAY, FRIDAY, 8 AM ~

Nagising ako nang naramdaman kong hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa ang sakit nito at parang nanghi-hina.

"Can't move, my dear Olivia?" Tumango ako sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Good morning, boss." Bati ko sa kaniya. Paos din ako ngayon. Naubos ata boses ko kagabi sa kakasigaw at kaka-ungol.

"My dear Olivia, can't move and can't speak right now. That's the price for enjoying what we did and being too horny last night." Komento niya.

"Kailangan kong pumasok para sa clearance." Sabi ko pero hindi talaga ako makakilos ng maayos.

"Cial, messsaged me a while ago. Siya na daw ang bahala sa clearance mo." Tumango na lang ako at pumikit ulit.

"Take a rest, my dear Olivia. You need more of that." Hinalikan niya ulit ako sa noo ko at tumayo na siya.

"I'm going to prepare breakfast for you. Wait for me, okay?" Nag okay-sign ako sa kaniya at naglakad na siya palabas mula sa kwarto.

CD'S POV

Inaayos ko 'yong buhok ko habang nakatingin sa salamin at kinuha ko na ang dalawang folder na nasa study table ko.

Kinuha ko na rin 'yong bag ko at naglakad na palabas mula sa kwarto. Tumingin ako sa paligid at nagtaka dahil bago ako matulog kagabi ay maayos pa ang sala pero ngayon ay hindi na.

"Sir. Cial, nakahanda na po ang sasakyan." Saad ni manong Derby sa'kin. Tinuro ko sa kaniya ang buong sala at umiling siya.

"Narinig ko pong may pumasok kagabi pero no'ng lalabas na sana ako mula sa kwarto ko ay agad akong pinigilan ni master Albert." Kumunot ang noo ko.

"Lasing ba si daddy? Hindi naman nauwi ng lasing 'yon ah." Naglakad ako papunta sa pintuan ng kwarto niya.

Binuksan ko 'yong pintuan at may nakita akong hindi ko inaasahan. May katabing babae si daddy at parehas silang nakahubad. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil sa nakatalikod ito mula sa'kin.

Nakayakap si daddy sa babae mula sa likod at tinitigan ko lang sila. Akala ko ba hindi siya magha-hanap ng ibang babae dahil mahal niya pa rin si mommy?

Lumapit sa pwesto ko si manong Derby at napahawak sa bandang puso niya. Sana hindi siya atakihin sa puso ngayon.

"Naku po, sir. Cial. 'Wag ka pong tumingin dahil bata ka pa." Dahil sa nagsalita siya ay nagising silang dalawa.

Hindi ko pa nakita ang mukha ng babae dahil sa tinakpan ni manong Derby ang mga mata ko dahil bata pa daw ako.

"What the?! Anong ginagawa niyong dalawa dito?!" Rinig kong sigaw ni daddy.

"Magulo po 'yong sala at ayos lang po talaga kung ikaw 'yong nag-aayos at nagli-linis pero hindi eh. Nakakapagod pong maglinis at mag-ayos ah." Sagot ko.

"Saka daddy, sana gumamit ka ng condom para hindi ka makabuntis. Ayokong magkaroon ng kapatid mula sa ibang babae." At naglakad na ko paalis.

Hindi ko na tinignan ang mukha ng babae dahil sa hindi na ako interesadong makita ang mukha niya.

THIRD PERSON'S POV

Pagkaalis nila Cial at manong Derby ay nagkatinginan sila Albert at Charlene sa isa't isa.

"Galit na galit si Cial sa'yo. Anong ginawa mo?" Tanong ni Charlene kay Albert.

"Wala akong ginagawa do'n." Napabuntong hininga siya. "Baka ayaw niyang mag-asawa ulit ako dahil ikaw pa rin ang gusto niya bilang nanay, Charlene." Paliwanag niya.

"Asawa mo pa rin naman ako so, walang problema. Bawi na lang ako sa mga anak natin." Sagot ni Charlene at hinalikan niya ulit sa labi si Albert.

"Hindi naman kita pinalitan dahil ikaw pa rin ang gusto ko." Hinalikan niya si Charlene sa leeg.

"And speaking of bawi. Pauwiin mo si Craide at ayaw umuwi dito. Naiinis na ko sa batang 'yon. Laging nalayo." Komento pa ni Albert.

"Nako, 'yung batang 'yon. Ano ba ang nangyari do'n?" Tanong naman ni Charlene dahil pati siya ay hindi niya ma-locate si Craide.

"Tara na. Kain na tayo. Maglu-luto ako." Nakangiting saad ni Charlene at tumayo na siya mula sa kama.

•••• END OF CHAPTER 38. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now