Chapter 32.

7.7K 160 4
                                    

Date Published: May 9, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 32.

THIRD PERSON'S POV

From: +6350685724086

Nasabi ko na po kay daddy 'yong pinapasabi niyo. Sabi niya po ay ikaw pa rin po ang mahal niya at wala nang iba pa.

Napaluha si Charlene nang nabasa niya ang message ng anak niyang si Charlotte. Napahawak siya sa bandang puso niya at napasandal sa upuan.

"Buti naman at ako pa rin, Albert." Sabi niya sa sarili niya pinunasan ang mga luha niya.

"Konting tiis na lang at magkakasama na ulit tayong dalawa at ang mga anak natin." Sabi niya pa at napahawak sa isang flash drive.

Pinindot niya ang isang communication device at may pumasok na isang babae sa loob ng kwarto niya.

"Mi'lady, may ipapa-utos po ba kayo?" Tanong nito kay Charlene. Inabot ni Charlene ang hawak niyang flash drive at kinuha naman ito ng babae.

"Kahit na anong mangyari, kailangang makuha 'yan ni Charlotte. Siya lang ang pwedeng makakuha niyan at wala na'ng iba." Utos niya at tumango ang babae.

"Masusunod po, mi'lady." Sagot ng babae at naglakad na siya palabas mula sa kwarto niya.

Tinignan ni Charlene ang laptop niya at nandoon pa rin ang mga files na nandoon sa flash drive.

Kailangang maging handa sa mga traydor. Seryosong saad niya at tinext niya na lang si Charlotte.

CHARLOTTE'S POV

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ko sa loob ng kwarto ko at kinuha ang phone ko. Nakita kong may message at tinignan ko 'yon.

From: Mommy

Anak, pwede ka ba bukas ng mga 2 pm? Punta ka sa bahay pagkatapos ng klase mo.

Kinuha ko 'yung notebook ko na punong-puno ng mga schedule at tinignan ko kung may gagawin ako bukas.

To: Mommy

Opo. Pwede po. Sige po. Punta ako diyan bukas.

Pagkasagot ko no'n ay nagchat naman si Aize sa'kin. Tinignan ko 'yung chat niya at napahawak ako sa noo ko.

Aize
Are you available tomorrow at 7 pm?

Charlotte
Yep. Bakit po?

Aize
Let's have dinner tomorrow. I miss you. I didn't see you today.

Charlotte
Sige. Dinner tayo po bukas.

Aize
How's your day, my dear Olivia? Are you okay? I heard from Cial that you had a headache a while ago.

Charlotte
Opo. Nakita ko kasi 'yong number ni lala tapos ayon, naalala ko 'yung tungkol sa kaniya saka kay tito Winston.

Aize
I see. I wish you're okay, my dear Olivia. Did you already eat?

Charlotte
Opo. Ikaw? Kumain ka na? Nakapagpahinga ka na ba? Nagta-trabaho ka pa rin ba?

Aize
Yeah. I already ate. I am resting right now while chatting with you. I already finished all of my works.

Charlotte
Boss, tulog na ako. Goodnight. Maaga pa ko bukas eh. I love you.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now