Chapter 4.

18K 451 11
                                    

Date Published: April 26, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 4.

CHARLOTTE'S POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto at may isang hindi kilalang lalaki na naka-upo sa tabi ng kama.

Tatayo na sana ako nang bigla niya kong pinigilan. May sinusulat din siya sa notebook na hawak niya at hinawakan ang noo ko.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya. "Ayos lang, medyo sumasakit lang 'yung katawan ko." Sagot ko.

"Anong nangyari sa noo mo? Bakit may sugat ka?" Tanong niya pa. "Hinampas ako ni mommy sa pader." Sagot ko.

"'Yung mga sugat mo sa katawan?" Tanong niya pa. "Pinagsisipa ako ni daddy." Sagot ko. "May naalala ka ba?" Tanong niya sa'kin.

Nagtaka ako sa tinanong niya. Paano niya nalaman na may amnesia ako? Hindi naman siya mukhang doktor.

"Paano mo nalaman na wala akong maalala?" Tanong ko sa kaniya. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si CD.

Pumasok siya sa loob at lumapit sa'kin. "Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya. "Paano ako napunta dito?" Tanong ko.

"Pumunta ako sa bahay niyo. Nakita kitang walang malay sa isang madilim na kwarto kaya tinakas kita." Sagot niya.

"Anong kailangan mo at pumunta ka? Ayaw mo namang sabihin sa'kin sa lahat diba? So, bakit?" Tanong ko. Napabuntong hininga siya.

"Kaya nga ako pumunta para sabihin na sa'yo lahat." Sabi niya. Tinignan niya 'yung lalaki at umalis na siya mula sa kwarto.

Umupo ako sa kama at umupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama. "Three years ago, na-aksidente ka." Tumango ako.

"Kasama mo si mommy ng mga oras na 'yun." Kumunot ang noo ko. "Mommy? Mommy mo or mommy ko?" Tanong ko.

"Mommy natin. Magkapatid tayo Char." Napahawak ako sa noo ko nang bigla akong nakaramdam ng sakit.

~~~~

"Mommy! Mababangga po tayo!" Sigaw ko nang nakita kong mababangga kami sa isang malaking truck.

Nakita kong tinanggal ni mommy ang seat belt niya at humarang sa harap ko. Napapikit ako ng mata and everything went black.

~~~~

Napatingin ako kay CD at nakita kong nag-aalala siya. Hinawakan niya ko sa buhok ko at hinimas 'yun.

"Ito ang dahilan kung bakit ayokong sabihin sa'yo eh. Sumasakit ang ulo mo sa tuwing nakakaalala ka." Reklamo niya.

"Tinanggal ni mommy 'yung seat belt niya para protektahan ako." Sabi ko. Naramdaman kong may tumulo mula sa mga mata ko.

Pinunasan ni CD 'yon at ngumiti ng malungkot. "Lil sis, hindi mo kasalanan. Walang sumisisi sa'yo kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo." Napayuko ako.

"Pero bakit hindi ka nagpakilala? Bakit hindi niyo ko hinanap?" Tanong ko. "Hinanap ka namin pero..."

"Naitago ka na nila mula sa'min. Naitago ka na ng mga kalaban ni daddy mula sa'min." Sagot niya.

"Ang dahilan naman kung bakit hindi ako nagpakilala sa'yo ay alam kong hindi maniniwala sa'kin 'pag sinabi ko sa'yo ang totoo. Mas lalo na't kinilala mo na sila bilang magulang mo." Dugtong niya.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now