BBR Four

130 11 10
                                    

"You w-what are you doing here?" tanong ko rito pero imbes na sagutin ako, nilagpasan nya lamang ako at nilapitan ang step-sister ko na magaling talagang umarte na kulang na lang ay bigyan ng gantimpala- Best in Actress.


"What happened?" kita ko sa mga mata nito ang pag-alala.


"Tinulak nya ako" tinuro pa 'ko, parang bata.


"Hindi ko magagawa 'yon, best in actress ka lang talaga"


"I'm not. Tinulak mo 'ko kasi gusto mo syang agawin sakin" turo nito kay Edward na katabi nya. Oo, si Edward ang tinutukoy ko na sumampal sakin kanina lang. Pero hindi ko alam na magkakilala sila at agawin? May relasyon silang dalawa?


"Your bluffing!"


"Enough!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Edward. Binuhat nya si Ashley na pasimpleng nag-smirk sakin.


Padabog akong umakyat sa kwarto. Kainis! Nakampihan pa ang mali. Pero magkakilala sila, paano?


Lumipas ang ilang oras nang maisipan kong bumaba para kumain, nalipasan na 'ko ng gutom dahil sa nangyari kanina lang. Siguro naman nakaalis na yon.


Pagbaba ko wala na ang mga ito sa sala. Buti naman nakaalis na ang mga ito pero pagpunta ko ng kitchen nandon sila. Nagbebake si Ashley, kailan pa sya natutong magbake. Habang ang kasama nya ay nakaupo lang na pinagmamasdan ang ginagawa ni Ashley.


Aalis na sana ako dahil ayokong makaistorbo sa kanilang dalawa nang tawagin ako nitong step-sister ko.


"Ella! Come here. Tikman mo tong binake ko"


"Hindi na"


"I know na hindi ka pa kumakain so sabayan mo na kami" magpoprotesta pa sana ako ng magsalita 'tong nakaupo.


"Join us" sabi nito na hindi tumitingin sakin. Sabi nya eh kaya wala na 'kong nagawa kundi ang sumunod.


Naupo ako sa tapat ng inuupuan nya.


"Done!" inihain nya ang ginawa nyang pancake na strawberry flavor. Same favorite namin ni Edward. "Sana magustuhan nyo" kumuha kami ng tig-isa at kinain. Nang manguya ko na bigla akong naubo.


"Here" inabot sakin ni Ashley ang tinimpla nyang juice na nasa baso na agad ko namang ininom.


"Are you ok?" tanong nito nang makarecover ako na animoy nag-aalala sakin pero palabas lang ito.


"Yup, I'm ok na" tumango lang sya nang balingan ko tong kaharap ko, parang gusto kong matawa na ewan dahil sa itsura nitong hindi maipinta.


"Babe are you ok?" tanong ni Ashley na nakatayo rito sa tabi ko.


"I'm ok" tumango-tango pa ito na parang kinukumbinsi si Ashley.


"Eh bakit ganyan ang itsura mo parang.." nang hawakan ni Edward ang kamay ni Ashley agad akong nag-iwas ng tingin. Itinuon ko na lamang sa pancake na hindi malaman kung anong lasa kaya ako napaubo kanina lang.


"I'm ok hmm"


"Ella para sayo masarap ba?" iiling na sana ako nang unahan ako nitong katabi nyang magsalita.


"You don't believe me, are you?"


"Hindi naman sa ganon. My point is baka.."


"Enough ok, tama lang naman ang lasa ee" pagtapos ko sa conversation nila. Maliit na bagay, pinalalaki pa.


Tumayo na 'ko at bumalik sa kwarto ko. Sana hindi na lang ako bumaba para hindi ko makita ang pagiging sweet nya sa iba. Para hindi ko makita na iba ang nagbebake para sa kanya. Ang katanungan na nasa isip ko ay hindi pa nasasagot so sa susunod ko na lang aalamin.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now