BBR Twenty One

59 5 1
                                    

Pagkatapos naming magyakapan, nilingon namin ang dalawa.


"She has a perfect body right?" gusto ko kurutin ang tagiliran ni Mitchie, hindi naman kasi kailangang itanong pa.


"Yeah! You're right" nakangiting sagot ni Gabriel. Tinignan ko naman si Edward na walang karea-reaksyon ang mukha. Hindi ba n'ya nagustuhan ang outfit ko ngayon?


"Nah! Mas bagay sayo ang shirt and pants" tumango-tango na lamang ako.


"Edward, hindi ka talaga marunong tumingin ng maganda" bulyaw ni Mitchie at humarap sa akin "Don't mind him okay?" ngumiti ako kahit na nadismaya ako sa sagot ni Edward. Kahit na mag-ayos ako, hindi n'ya pa rin mapapansin.


Sa tuwing may madadaanan kami o makakasalubong na lalaki, tumitingin sila sa baba o sabihin na nating sa legs ko. Manyak!


Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami sa Mall na 'yon. Hindi kasi ako sanay na may titingin sa'kin.


Tinignan ko ang wrist watch ko. It's already lunch time kaya pala matirik ang araw. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkagutom.


"Hope in" dahil siguro sa sobrang pag-iisip kaya hindi ko namalayang nasa harap na pala namin ang sasakyan ni Edward.


"Huh? Ah... Magcocomute na lang ako pauwi"


"No! May pupuntahan pa tayo" sabi ni Mitchie habang pinapagpag ang bakante sa tabi n'ya, magrereklamo pa sana ako nang itulak ako ni Gabriel papasok ng sasakyan, hindi naman yung tulak talaga.


"Where?" clueless kong tanong. Imbes na sagutin ako nito, nagsalpak lang ito ng headset sa tenga at pumikit na animo'y matutulog. Bastos na bata amp!


Napabuntong-hininga na lamang ako habang inaalala kung saan kami pupunta. Hindi kasi ako sinagot ng babaitang 'to. Hindi na rin ako nagtanong sa dalawa na nasa unahan, baka kasi wala rin akong mapala sa sagot nila. Tumingin na lamang ako sa labas habang nakasandal ang ulo ko sa bintana.


Hindi ko alam kung ilang oras ang naging byahe namin basta ang alam ko lang ay nakatulog ako kanina at wala na akong kasama sa loob ng sasakyan kaya napagpasyahan kong lumabas para hanapin sila.


Tumingin ako sa paligid, ang nakikita ko lamang ay mga puno. Wala man lang kabahay bahay pero maganda naman ang tanawin. Ang problema ay saan ko sila hihigilapin?


Bumalik na lamang ako sa loob ng sasakyan at naghanap ng pwedeng makain. Napasandal na lamang ako sa upuan at pumikit dahil wala akong makitang pagkain. Bakit kasi nila ako iniwan eh!


Maya maya may naramdaman akong parang may humahaplos sa aking pisngi kaya napadilat agad ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyon.


"Edward" nakatitig lamang ito sa akin "What are you doing at saka nasa'n si Mitchie at Gabriel?" tumingin ako sa labas, nagbabakasakaling nando'n ang dalawa pero wala.


"Don't find them" tumingin ako rito ng nagtatanong "May pinuntahan sila"


"But-" inilagay nito ang kanyang pointing finger sa labi ko na nagsasabi na manahimik ako.


"No buts okay? Com'on!" inilahad nito ang kanyang kamay para alalayan akong makababa.


Naglakad kami sa mga puno habang hawak n'ya pa rin ang kamay ko. Maya maya pa ay tumigil kami sa tapat ng isang mataas na puno.


"Bakit tayo tumigil?" nakita ko itong nakatingala kaya sinundan ko ang tinitignan n'ya "Don't tell me aakyatin natin 'yan?" kinakabahan kong tanong.


"Yeah! Huwag ka lang titingin sa baba habang umaakyat okay? Go on" pumikit ako ng mariin bago nagsimulang umakyat. Sa gawang kahoy na hagdan lamang ako tumitingin. Baka kasi pag tumingin ako sa baba, manlambot ang tuhod ko.


Tagaktak ang pawis ko nang makaakyat na 'ko ng tree house. Tinignan ko ang loob nito, ibang-iba 'tong tree house na 'to, pwede kang manirahan dito kung sakaling wala kang matirhan.


Nakakuha ng atensyon ko ang isang table at two chairs na may two plates of food, wine and candles. Tamang-tama lang para sa couple kaya lang hindi kami couple.


"May occasion ba?" lumapit ito sa'kin at hinawakan ang aking dalawang kamay.


"Porket may ganyan, kailangan may occasion? Hindi ba pwedeng maglalunch lang tayo?" gusto ko sanang itanong kung bakit ang romantic pero 'wag na lang baka masira ko pa yung moment naming dalawa kaya tumango na lamang ako.


Inusog nito ang upuan at sinenyasan ako na maupo. Ngumiti ako na naiilang, hindi ako sanay na ganito s'ya kagentleman.


Nagsimula na kaming kumain. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo sa lunch ang mahal mo. Lalo na't kayong dalawa lang ang magkasama.


"Pasensya ka na kung 'yan lang ang nailuto ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mong kainin"


"It's okay, marami na nga 'to eh" halos hindi ko na nga maubos ang nilagay n'ya sa plato ko pero pipilitin kong ubusin. Sayang naman kung hindi at saka nag-effort s'ya para lang dito.


Nang maramdaman ko ang awkward sa pagitan naming dalawa, tinanong ko ito.


"P-pwede magtanong?"


"You're already asking" napahiya ako do'n ah! Nilunok ko muna ang pagkain na nginunguya ko bago nagsalita.


"B-bakit dito pa tayo naglunch, pwede naman sa ibang lugar" tumingin ito sa'kin na parang hindi n'ya nagustuhan ang tanong ko kaya binaba ko ang tingin sa pagkain.


"You don't like here, are you?"


"No!" agad akong umiling "sa totoo nga mas gusto ko pa nga dito na tayong dalawa lang" halos pabulong na ang pagbigkas ko sa bandang huli. Siguro naman hindi n'ya narinig pero hindi nakaligtas sa mata ko ang lihim nitong pagngiti.


"Good to know then"


"So, bakit nga?" muli kong tanong. Nacucurious lang ako.


"Let's just say, gusto ko tayong dalawa lang ang maglalunch" so, pareho kami ng gusto? I bit my lower lip to hide my kiligness.


Tinapos ko na lang ang pag-kain ko, parang umurong yung dila ko. Speechless!


Matapos naming kumain, nagprisinta ako na tutulungan ko s'yang magligpit ng pinagkainan namin pero sabi n'ya kaya n'ya naman daw. Sumilip muna ako sa bintana habang hinihintay s'yang matapos sa pagliligpit.


Hindi ko naiwasang mapa 'wow' sa ganda ng view. Hindi naman puro puno ang makikita mo, may makikita ka ring mga building kaya lang malayo. Siguro mas gaganda pa ang view sa gabi. Naexcite tuloy akong tignan ang view sa gabi.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now