BBR Forty Four

48 1 0
                                    

Magdidilim na nang matapos kong imodel ang mga swimsuit, pero wala pa rin si Lance. Inis na kinuha ko ang phone sa pouche. Hinanap ko agad ang number niya at dinial.


Nang hindi ko siya makontak ay pabalibag na hinagis ko ang phone sa kama. Nagugutom na ako. Paano ako kakain nito kung wala pa siya. Baka magtampo 'yon, pag nauna ako.


Mabilis kong binuksan ang pinto nang may kumakatok. Nadismaya ako nang hindi si Lance 'yon kundi si Nicole.


"What?" Walang ganang tanong ko. Naramdaman niya siguro na wala ako sa mood kaya hindi na siya nagtanong kung bakit.


"Sasabay po ba kayo sa 'min kumain?"


"Mauna na kayo." Nag-aalinlangan man ay tumango na lang siya.


Nang makaalis na siya, sinara ko na ang pinto. Mabibigat na mga paa na naglakad ako papunta sa kama at humiga. Mas gugustuhin ko pang magutom, kesa hindi siya makasabay.


"Baby," Dahan-dahan kong inimulat ang mata ko dahil parang may kung anong dumadampi sa pisngi ko.


Mabilis na napaupo ako nang makita ko si Lance na nasa tabi ko.


"Where have you been? I call you earlier, but I can't reach you."


"Mom call me, she said she's here. I don't why is she here. She just said, they will be staying here within three days. I'm sorry, hindi na ako nakapagpaalam." P-paano kung bigla ko na lang sila makasalubong. I'm nervous.


Naramdaman siguro ni Lance na hindi maganda ang timpla ng mukha ko kaya hinawakan niya ang kamay ko, na parang sinasabi niya na huwag akong kabahan.


"Have you eaten your dinner?"


"Hindi pa. Hinihintay kasi kita." Napangiti ako nang unti-unti s'yang namumula. Cute.


"Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom." Sabi niya nang pagalit. "Come on." He offer her hand, hinawakan ko naman 'yon at hinila ako patayo. Feeling ko, ang bigat bigat ng katawan ko.


Magkahawak ang kamay namin na binagtas ang daan papunta sa resto. Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko na baka bigla na lang sumulpot ang parents niya.


Nakaramdam ako lalo nang gutom nang malanghap ko ang amoy ng pagkain. Mabilis na naupo ako sa bakanteng upuan at agad na dinampot ang menu na nakalapag sa lamesa, gawa ito sa makintab na kahoy.


"You shouldn't wait me, next time. Don't get me wrong. I just don't want to get you hungry." Sabi niya na may himig na panenermon.


Tumangu-tango lang ako. Hindi ko masyadong pinapansin ang mga pinagsasabi niya dahil busy ako mamili ng makakain.


Ang hirap naman pumili, lalo na kapag hindi mo pa natitikman. Baka mamaya piliin ko ang isang to, hindi naman pala masarap. Edi sayang lang kung hindi ko makakain.


"Ano bang masarap?"


"Me," Umangat ang tingin ko kay Lance na nakaupo sa tapat ko at tinitigan siya nang masama. "Why? I'm just telling the truth." Ibinalik ko ang tingin ko sa menu.


"Not now, Lance. Nagugutom ako, baka ikaw ang makain ko."


"Pabor pa sa 'kin 'yon." He chuckled. Nag-init ang mukha ko. Inihagis ko ang hawak ko sa kanya, mabilis niya naman 'yon nasalo.


"If I were you, mag-oorder na lang ako. Hindi 'yong nang-aasar ka pa."


"Calm down." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Sinenyasan niya ang waiter na lumapit at kung anu-ano ang tinuro sa menu. Siya na rin ang nag-order ng sa 'kin, dahil hindi ko talaga alam ang i-oorder ko.


Maya maya pa'y dumating na ang mga in-order ni Lance. Hindi pa man nailalagay ang lahat ng pagkain sa mesa ay agad ko na itong sinunggaban. I'm really hungry.


"So, you will be staying here for three days?"


Nang matapos kaming kumain, napagpasyahan namin na maglakad-lakad muna dito sa tabi ng dagat.


Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. Hindi man lang ako nakapagdala ng pangkontra ko sa lamig.


"Yeah." Sa isiping malayo siya sa 'kin. I bit my lower lip. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Hinarap niya ako. "Don't be sad."


"No, I'm not."


"Really? Okay then, I will be staying here for five days."


"What? Akala ko ba three days lang. Bakit may pag five days?"


"Look at you," He chuckled. "Even you didn't tell me, I can see it in your eyes. Don't worry, we'll be staying here for three days." Para akong nabingi sa sinabi niya kaya tinanong ko siya, baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.


"You mean, we?"


"Yes. You know, I can't take my eyes off of you baby." Nginisihan ko siya pero naglaho 'yon nang sabihin niya na ipapakilala niya na ako sa parents niya.


"You can do this."


I cheer myself. Nakatayo ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ko ang itsura ko. Ilang beses kong pinalalakas ang loob ko pero nandito pa rin 'yong kaba eh.


Ngayon ko na mamemeet ang parents ni Lance at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I should be happy right? Argh.


"Are you done?"


Mabilis na umayos ako nang tayo nang marinig ko ang boses ni Lance. Pinalabas ko siya kanina dahil magbibihis ako. Ako na mismo ang nagbukas nang pinto.


"Stop staring me." Sabi ko nang titigan niya ako nang matagal. He's wearing a black fitted shirt with tranks.


"Beautiful." Wala sa sariling sambit niya. Nag-init ang mukha ko. "Makikilala mo na rin sila. Let's go?" I can see excitement in his eyes at ayoko namang maglaho 'yon kaya tumango-tango na lang ako.


Pagkarating namin sa resto, hinila agad ako ni Lance sa table. Habang papalapit nang papalapit, humihigpit naman ang hawak ko sa kamay niya. Naramdaman niya siguro 'yon kaya pinisil niya ang kamay ko, na parang ipinapahiwatig niya na nasa tabi ko lang naman siya.


"Mom, Dad."


Binitawan ni Lance ang kamay ko para makahalik sa pisngi ng mom niya at makayakap sa dad niya. Hindi naman gano'n katanda ang itsura ng mga ito. As you can see, they looks like they have no child. Iba talaga pag maraming pera, nagagawa nito ang lahat ng gusto ng tao sa itsura nila.


"My baby," Her mom said, napasimangot naman si Lance.


"Mom, I'm not a baby anymore."


"Your son's right, honey. Huwag mo naman pahiyain ang anak natin sa kasama niya." Sabay tingin sa 'kin ng dad niya.


Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako agad nakapagsalita. Ang kaninang nagbabatian lang ay nasa akin na ang atensyon. Tumikhim ako bago inilahad ang kamay ko sa harap nila.


"Good morning po." I greeted them, happily. "I'm Bella Valdez. Nice meeting you po." I smiled. I did it. Naitago ko ang kabang nararamdaman ko.


"Siya na ba 'yong sinasabi mo?" Tanong niya kay Lance na hindi ko naintindihan. Tumango lang si Lance. Nagulat ako nang lumapit siya sa 'kin at yumakap. "Nice to meet you, my daughter in law." Gusto kong tanungin kung ano 'yong huling sinabi niya, ngunit pinili ko na lang na ngumiti.


"Let's have a seat para makakain na tayo." His dad said. Pinaghila ako ng upuan ni Lance, umupo naman ako do'n.


Habang kumakain, nagtatanong ng kung anu-ano ang mom niya. More about my family and my career. Magkasosyo pala sila ni dad sa business at hindi ko man lang alam. Alam na rin nila ang career ko dahil ikinukwento pala ako ni Lance sa kanila.


"Anyway, remember your tita Brigette?" Baling niya kay Lance na nagpupunas na nang labi.


"Yeah. What about her?"


"She will be here, later." Ibig sabihin, matatagalan ko pa silang makasama? Ugh.

Beauty is the Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon