BBR Twenty Three

52 3 1
                                    

"Grabe naman po pala ang ginawa sa'yo ng wicked step mother mo na 'yan" nanggagalaiting sabi ni Andrea. Nandito kami sa kwarto ko. As usual ako na naman ang binisita ng babaeng 'to.


"Manahimik ka nga. Baka may makarinig sa'yo" halos pabulong kong sabi sa kanya.


"I thought just two of us are here and as if I care" nagkibit-balikat na lamang ako. Ayokong makipagtalo sa taong alam kong hindi naman ako mananalo.


"If I were you, I am going to tell my dad what my wicked step mother did to me" napailing ako. Hindi ako katulad n'ya na hindi kayang sarilinin ang problema.


"I am not going to tell my dad, I can handle this. Please don't tell this to my dad" nagmamakaawa akong tinignan s'ya. Ang kaninang nanggagalaiting mukha nito ay napalitan ng awa. Alam nito lahat ng problema ko. Walang problema na hindi ko sinasabi sa kanya. Bestfriends right!


"Matitis ko ba ang bestfriend ko? Basta wag ka lang masyadong magpaabuso sa mag-ina na yun, kung hindi makikita nila ang totong wicked" natawa ako.


"Oo na po" natatawa kong sagot.


"Com'on" niyakap n'ya ako at gumanti naman ako ng yakap.


I am lucky to have this girl. Not just my bestfriend but also my sister.


Napahiwalay kami ng yakap nang may magdoor bell.


"Baka si-"


"Wicked step mother mo na yun" pagpatuloy nito sa sasabihin ko. Napailing na lamang ako. Ibang klase!


Binuksan ko ang gate, nagbabakasakaling ang step mother ko na iyon pero nagkamali ako.


"Hi!" malapad na ngiti ang sumalubong sa akin mula kay Edward na nasa harap ko ngayon.


"H-hi!" makikita sa mukha ko ang pagtatanong kung bakit s'ya nandito "W-what are you doing here?"


"You don't want me here, aren't you?" agad akong umiling dahil bumalik na naman ang poker face nitong mukha.


"No! I'm just asking. Com'on" hinila ko ang wrist nito at hinila papasok ng bahay.


"Wait!" napatigil ako ng lakad ng nasa bukana na kami ng pintuan at nilingon s'ya.


"For you" napakurap ako ng ilang beses. Nananaginip ba ako? Palihim kong kinurot ang braso ko, napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit doon.


"Seriously? S-sakin 'to?" hindi makapaniwala kong tanong. Tumango lamang ito na kunot ang noo "Okay, t-thank you"


"Bestfriend- Ikaw na naman!" tinuro ni Andrea si Edward. Bumaba ang tingin nito sa kamay naming magkahawak at tumingin sa'kin ng nagtatanong.


Nabitawan ko agad ang kamay nito nang mapagtanto kong magka holding hands na kami. Paano nangyari iyon?


Tumikhim ako "M-mali ka ng iniisip okay? He's here because of...?" nilingon ko si Edward na kahit ako ay hindi alam ang dahilan ng pagpunta n'ya rito.


"You" para akong nabingi sa sinagot nito.


"H-huh?" napahawak ako ng batok nang may biglang bumatok sa'kin, syempre mahina lang.


"Gaga ka talaga! Hindi mo man lang ba magets?" kunot-noong tanong nito.


"Syempre nagets ko. I just want to say him again" bulong ko rito. "Anyway, have you eaten your lunch?" baling ko kay Edward.


"Actually, not yet"


"Exactly! Nagluto ako" iginiya ko s'ya papuntang dining hall at pinaupo habang ako nirereserve ang pagkain "Bestfriend, umupo ka na din para makakain na tayo" sabi ko sa bestfriend kong nakatayo lang.


"Matanong lang ah! May namamagitan ba sa inyong dalawa?" halos mabulunan ako sa tanong ni Andrea. Seriously? Dito pa talaga sa hapag-kainan 'yan itatanong?


Pinaningkitan ko ng mata si Andrea dahil sa tanong n'ya. Nagkibit-balikat lamang ito at si Edward ang binalingan.


"Malapit na" nasamid ako dahil sa sagot ni Edward "drink it" kinuha ko ang tubig na hawak ni Edward at ininom.


"Malapit na?! Bakit hindi pa ngayon?" napaawang ang aking labi dahil sa sinabi ni Andrea.


"Andrea!" tawag ko sa bestfriend ko dahil sa tanong n'ya.


"Makakapaghintay ka pa naman right?" bumaling sa'kin si Edward. Parang nawalan ako ng boses. Hindi ko alam ang isasagot ko.


"Of course, she'll wait. Sa tinagal tagal na panahon ba naman s'yang naghihintay sa'yo, ngayon pa ba s'ya titigil kung kailan makukuha ka na n'ya" hindi ko na napigilan at tinapakan ko ang kanyang paa na nasa ilalim ng dining table. kita ko sa mukha n'ya na nasaktan s'ya sa ginawa ko.


"Edward" tawag ko sa lalaking kasalukuyang nakatayo sa balcony. Humarap naman ito sa akin "Yung kanina-"


"What about kanina?" hindi ko alam kung kailangan ko pa bang itanong yung mga pinagsasabi n'ya kanina, baka kasi sabihin n'yang biro lamang iyon. Mapapahiya lang ako pero wala namang masama kung itatanong ko diba?


"Is it true? May aasahan ba ako kung sakaling hihintayin kita?" nakayuko akong nagtanong. Ayokong tumingin ng deretso sa mata n'ya habang sinasabi n'yang biro lamang iyon.


Hinawakan nito ang chin ko at itinaas para magkatinginan kami.


"I'm sorry" ano ang ibig n'yang sabihin sa sorry? Tinitigan ko s'ya ng maigi. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito.


"For what?"


"For what I said" ngumiti lamang ako na hindi aabot sa mata. Sabi ko na nga ba eh!


"Wala na tayong magagawa, nasabi na eh!" tinanggal ko ang kanyang kamay na nasa chin ko "Anyway, b-baka may pupuntahan ka?" pagbabago ko ng usapan. Umiling lamang ito.


"Bestfriend!" tawag sa akin mula sa salas. Sumenyas ako kay Edward na sandali lang at pinuntahan ang tumatawag sa'kin "Look at this!" tila excited itong pinapalapit ako sa kanya. Lumapit ako ng walang gana at tinignan ang pinapatingin n'ya mula sa laptop.


"This is your dream, right? This is your chance to " abot-tenga ang ngiti ng bestfriend. Even me, ang kaninang lungkot na nararamdaman ko ay napalitan dahil lang sa nabasa ko mula sa screen.


We are looking for the model of our company. This is your chance to show your skills. If you are interested, just fill up the form and send it to us.


Matagal ko ng pinangarap maging isang sikat na model. Hindi halata sa'kin na ito ang pangarap ko dahil sa pananamit ko pa lang.


"So, what's your plan?" napaisip ako. Mas maganda sigurong pag-isipan ko muna ng mabuti.


"Pag-iisipan ko"


"What?" kunot-noong tanong nito "chance mo na 'to kaya kunin mo na"


"I have many important things to do" nagkibit-balikat na lamang ito at hindi na nagreact pa sa sinabi ko. kapag sinabi ko, sinabi ko.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora