BBR Twenty

61 4 2
                                    

Napagkasunduan ng dalawa na mamasyal-masyal muna sa Mall. Nagpapaiwan ako pero mapilit 'tong si Mitchie kaya wala na naman akong nagawa. Sabagay, hindi naman ako nakapasok sa work kaya pagbibigyan ko na.


Naglibot-libot lang kaming apat, kung ano ang magustuhan ni Mitchie bibilin nito agad. Iba talaga ang mapera.


Pumasok kami sa gawaan ng necklace. Humiwalay muna ako sa kanila para magtingin-tingin. Mukhang ang gaganda parang gusto kong bumili.


Nakakuha ng atensyon ko ang isang infinity heart necklace.


"Miss" tinuro ko ang singsing na type ko "How much that?"


"35k Ma'am" Grabe ang mahal naman. Gusto kong isukat pero wag na lang. Hindi ko naman mabibili dahil sa sobrang mahal. Hanggang titig na lang siguro muna ako ngayon. Makukuha din kita!


"Ella! Let's go?" tumango lang ako kay Mitchie at sumunod sa kanila. Sa dami ng magagandang design, siguro nakapili rin ito.


Sunod naming pinuntahan ay sinehan. Nagyayang manuod si Mitchie, may bago daw kasing horror movie na ipapalabas. May naalala tuloy ako.


Pagkapasok pa lang namin sa sinehan, agad kong naramdaman ang lamig sa balat ko.


Umupo sa kanan ko si Edward. Naghintay muna kami bago simulan ang movie. Halos mangatog na nga ako sa lamig.


Nagsitayuan pa lalo ang balahibo ko nang magsimula ang movie dahil sa dagundong nito. Napayakap na lang ako sa sarili para kahit konti mawala ang lamig na nararamdaman ko.


Maya maya pa ay naramdaman kong may bagay na nagpatong sa balikat ko. Tinignan ko ito- jacket ni Edward. Palihim akong napangiti. Akalain mo yun napansin n'ya ang panlalamig ko.


Hinawakan ko ang jacket at lalo pang binalot sa katawan ko. Nabigla ako nang akbayan ako nito palapit sa kanya. Tumingin ako sa kanan n'ya kung saan nakaupo si Mitchie. Nakita ko itong kumindat sa akin kahit na medyo madilim sa loob. Tumaas ang tingin ko kay Edward, seryoso itong nakatutok sa pinapanuod. He really love watching horror movies huh!


Nanuod na lang din ako para kahit papaano mawala itong ilang na nararamdaman ko. Muntik na akong mapasigaw dahil sa ghost na nag pop-up sa screen, buti na lang naitikom ko agad ang bibig ko.


"Carry mo pa?" nahimigan ko na naman ang pang-asar sa tono nito.


"Y-yeah! Why not?" tinaasan ko ang boses ko para hindi nito mapansin na natatakot na 'ko.


"So, bakit kung makakapit ka sa'kin parang takot na takot ka" pinalo ko na lamang s'ya sa dibdib at hindi na nagsalita pa. Narinig ko lamang ang mahinang pagtawa nito.


Ganoon lamang ang pwesto namin hanggang sa matapos ang pinapanood. Nang makalabas na kami ng sinehan, bumalik na naman ang kaninang Edward na walang pakialam. Sana nagtagal na lang kami do'n.


"Next time na may bagong ipapalabas na horror movie, manuod ulit tayo ah!" kumindat sa'kin si Mitchie pagkatapos sabihin iyon. Alam ko ang ibig sabihin ng kindat na iyon "Do'n naman tayo!" turo nito sa Quantum kung saan may mga naglalaro.


Hinila ako nito papunta roon, naramdaman ko naman na sumunod ang dalawa sa amin. Nang may makita akong videoke, agad ko itong nilapitan.


Namiss ko 'to. Matagal na nang makakanta ako. Hinanap ko muna sa song book ang kakantahin ko.


"Woah! Are you going to sing?" kahit hindi ko ito lingunin, kilala ko ito dahil sa boses nito.


"Yeah!" sagot ko habang naghahanap pa rin ng kakantahin.


When I found it I play the song- I will be there.


Tamang tama lang para sa kanya o sabihin na nating para sa aming dalawa. Sakto at nandito sa tabi ko ang kakantahan ko- si Edward.


Nahuli ko itong nakatitig sa'kin kaya tinitigan ko din ito habang kumakanta. Maya maya pa ay nag-iwas ito ng tingin, ngumiti na lang ako ng mapait saka tinapos na lamang ang kanta.


Nagulat ako dahil hindi ko inexpect na may magpapalakpakan matapos kong kumanta.


"Your voice is so amazing! Right Edward?" nagpapalakpak na bigkas ni Mitchie.


"Thank you" halos ibulong ko na lamang sa kanya ang salitang 'yan dahil sa kahihiyan.


"Yeah! Let's go" sagot ni Edward at nauna ng lumabas. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi ko akalaing sasang-ayon ito kay Mitchie. Sumunod na kami sa paglabas.


"Next nating pupuntahan ay..." hinila ako nito kung saan at tumigil kami sa tapat ng kung saan puro mga dress "Tenen!"


"Mitching, are you going to buy dress again? Halos mapuno na ng dress ang room mo ah" sinamaan ng tingin ni Mitchie si Gabriel.


"You don't care at saka sa'kin ba ang bibilhin ko?" umirap ito at hinila ako papasok. Sa totoo lang, mas bagay sa kanya ang mataray.


"Try this!" itinapat nito sa'kin ang isang dress.


"Do you think nagsusuot ako ng ganyang kaikli?"


"It is just a try, please..." ginamit nito ang kanyang puppy eyes na sa tingin ko ay gagana naman kaya kinuha ko ito at pumasok ng fitting room. Rinig ko naman ang impit nitong pagtili.


Paglabas ko nakita ko itong kausap si Gabriel at Edward. Hindi nagtagal lumingon sa gawi ko si Mitchie na may wide smile.


"You look sexy in that dress. You're not telling me that you have a perfect body huh" sabi nito habang naglalakad palapit sa'kin. Sa totoo lang, gusto ko na agad palitan ang suot kong dress dahil naiilang ako sa titig ng dalawa.


"You already saw me in this outfit. So, can I change it na?" sabi ko habang ibinababa ang pa nakita ko naman ang pagpout nito.


"Actually, you need to wear that dress for today" agad na nanlaki ang aking mga mata.


"What? But why?"


"You have no choice cause pinatapon ko na yung suot mo kanina" yumuko ito. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ano. Sayang kasi yung damit, pera pa rin yun. Napabuntong-hininga na lamang ako.


Hinawakan ko ang kanang balikat n'ya at ngumiti.


"May magagawa pa ba ako? Alangan namang kunin ko pa ang damit na tinapon tapos susuotin ko. Edi nangamoy basura ako" nag-angat ito ng tingin na may ngiti sa labi. Naku! Kung alam ko lang plinano n'ya ito para lang makapagsuot ako ng dress. Mautak!


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now