BBR Twenty Two

51 4 1
                                    

Biglang nagsitayuan ang balahibo ko nang may maramdaman akong yumakap sa'kin mula sa likod. Hindi ko na ito nilingon dahil sa amoy pa lang ng pabango, kilalang kilala ko na at saka kaming dalawa lang naman ang magkasama.


"Enjoying the view?" nakapatong ang baba nito sa aking kanang balikat at mahigpit ako nitong yakap sa bewang.


"Y-yeah" halata sa boses ko na sa simpleng yakap nito, may epekto pa rin sa'kin.


"Pwede bang samahan mo muna ako dito hanggang sa mag-gabi. Don't worry ihahatid naman kita sa house n'yo"


"It's okay with me"


"Thank you" nanlaki ang mga mata ko nang kiniss n'ya ako sa cheeks.


"S-siguro may times na dito ka natutulog" sabi ko para naman kahit papaano mawala yung awkward na nararamdaman ko.


"Sometimes if I want to be alone" napatango na lamang ako bilang sagot.


"If I were you, dito na lang ako titira" ngumiti ako. Sa isipin pa lang na dito ako titira. I like this view a lot!


"If that's what you want, you can stay here whenever you want" napalingon ako sa kanya.


"Don't joke around" tumawa ako na alam kong pilit lamang.


"I'm fucking serious here Gabriella" tumigil ako sa pagtawa nang makita ko sa mukha nito na hindi nga ito nagbibiro.


"Okay pero hindi na, kailangan ko pa kasing samahan si Tita sa bahay"


"Oh I see" napalingon ako rito nang bigla itong natahimik.


"What's wrong?" iniharap ko ito at tinititigan sa mukha baka sakaling mabasa ko ang nasa isip n'ya.


"I'm just thinking if Ashley's back" nag-iwas ako ng tingin. Iyon pala ang iniisip n'ya, ang pagbabalik ng step-sister ko.


"Of course makakasama mo na ang babaeng mahal mo" ngumiti ako na hindi aabot sa mata "Oh! Mukhang masarap humiga dito ah!" nilapitan ko ang foem na may dalawang pillow at isang kumot. Humiga ako na nakasayad pa ang aking paa at pumikit.


Naramdaman ko ang paglapit nito sa pwesto ko. Hindi ako dumidilat, pinapakiramdaman ko muna ito.


"Hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan mo na ako" dumilat ako at naitulak ko s'ya. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita kong ang lapit lapit ng mukha n'ya sa'kin. Napa 'shit' pa ito, napalakas pa ata ang pagtulak ko dito.


"I'm sorry" tinulungan ko itong makatayo "nagulat lang ako. Bakit kasi ang lapit lapit mo sa'kin! 'Yan tuloy!" may panenermon kong himig.


"Saan ba masakit?" nag-aalala kong tanong. Bumaba ang ulo nito para magkapantay ang mukha namin.


"If I'm telling you what part of my body's hurt. What do you do to me then?" ngumisi ito, napairap na lamang ako. Nasaktan na nga, nagawa pang magbiro.


Tinulak ko s'ya dahilan upang mapahiga ito sa foem. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at niyakap.


"Ito lang ang magagawa ko" bulong ko rito. Naramdaman ko ang kanyang kanang kamay na humihimas sa aking ulo.


"Ano nga pala ang sasabihin mo?" itinaas ko ang aking tingin para makita ang kanyang mukha.


"If Ashley's back edi sana may kasama na si Tita and not you" napakagat ako sa lower lip ko at binaba ang tingin para maitago ang kilig.


Hindi ko namalayan nakatulog ako. Tinignan ko ang katabi ko na mahimbing na natutulog. Hindi ko maiwasang mamangha, kahit sa pagtulog ang gwapo n'ya pa rin.


Dahan-dahan akong umalis sa tabi nito. Madilim na sa loob kaya hinanap ko kung saan ang kanyang ilaw.


Sumilip ako sa labas at tama nga ang hinala ko. Lalong gumanda ang view dahil sa ilaw ng mga buildings.


Balak ko sanang gisingin si Edward mula sa pagtulog nang makita ko itong nakaupo na at may kausap sa phone. Sino kaya 'yon at ang seryoso nito makipag-usap.


Maya maya pa ay ibinaba na nito ang kanyang phone at tumingin sa'kin.


"Sorry, napasarap ang tulog ko" nahihiya kong sabi sa kanya, ngumiti naman ito.


"It's okay, I'm the one who sleeping too. So, let's go?" sabi nito habang inaayos ang kanyang nagusot na damit. Tango lamang ang isinagot ko.


"We're going to dinner first" sabi nito bago pinaandar ang sasakyan.


Pumunta kami sa isang restau para kumain. As usual, hindi ko na naman kilala ang restau na 'to at ang pagkain na nasa menu.


"What's your order ma'am and sir?" lumapit ang isang waitress sa amin.


May sinagot si Edward, hindi ko maintindihan kung anong pagkain iyon.


"How about you?" tumingin sa'kin si Edward na naghihintay kung ano ang ioorder ko. Tumikhim muna ako.


"Anything. Basta nakakain" ibinaba ko ang menu na hindi ko naman nagamit "hindi naman halata sa'yo na mahilig ka sa ganitong restau noh" may himig na sarkastiko kong sambit.


"What do you mean?"


"Look at their waitress" tumingin nga ang mokong.


"There's any problem about their waitress?" napabuntong na lamang ako. Para namang hindi nito alam ang tinutukoy ko.


"You didn't get my point. Nevermind na lang" tumingin na lamang ako sa labas. Hindi man lang makuha ang ibig kong sabihin.


Maya maya pa'y dumating na ang waitress na tinitigan ko lang. Sa nakikita kong kilos nito, parang may gagawin ito na hindi ko magugustuhan at tama nga ang hinala ko.


"I'm sorry Sir. Hindi ko po sinasadya" sabay punas nito sa bandang dibdib ni Edward.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at kinuha ko ang tissue na nasa kamay ng waitress at ako na mismo ang nagpunas.


Nang mapagtanto kong dibdib nito ang pinupunasan ko. Napatigil ako sa ginagawa at itinaas ang tingin sa mukha nito. Agad na nag-init ang mukha ko nang makita ko itong nakaawang ang labi na parang naaamaze pa sa ginagawa ko. Tumikhim ako bago bumalik sa inuupuan ko.


"You may go now" nakita ko ang inis sa mukha ng babae na parang hindi ineexpect na gagawin ko iyon.


Binigyan ko ito ng question look. Hindi nakaligtas sa'kin ang pag-irap nito bago kami iwan.


Nagsimula na akong kumain. Nang mapansin kong hindi ginagalaw ni Edward ang pagkain n'ya.


"Sayang yung pagkain, pag hindi mo kinain. Bahala ka" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.


"Don't mind me. Just eat" nagkibit-balikat na lamang ako.


Ramdam ko ang paninitig ni Edward sa'kin habang kumakain. Hindi ko magawang tignan ito dahil sa kahihiyan na ginawa ko.


"Paubos na 'tong kinakain ko pero yung sa'yo ni hindi mo pa ginagalaw" noon na ako tumingin sa kanya.


"If ever na kulang pa sa'yo 'yan. Just take this" inusog nito ang plato n'ya na may pagkain. Agad akong umiling.


"You order this. So, eat it" inusog ko naman pabalik ang pagkain n'ya.


Nagcross arm ito na ipinatong pa sa table at inilapit ang mukha sa akin.


"Sabi mo eh" kumindat pa ito sa'kin. Umirap na lamang ako at hindi ko napigilang hindi matawa.


Pagkatapos ng dinner namin, hinatid na n'ya ako sa bahay namin.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang