BBR Fifty Three

37 1 0
                                    

"Hey," Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses na 'yon. Ang boses na matagal ko nang hindi naririnig. "Miss me?"


"Oh my god! Andrea?!" Nanlalaking matang bulalas ko. "Is that really you?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


It's been years since the last time I saw her. Andrea is my bestfriend. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang 'to nagpakita.


"You changed a lot. Noon, basta basta ka na lang inaabuso. But now, nagbago ka na talaga." Nangingiting sabi nito.


"Akala mo lang 'yon. Haha."


"Come on. Give me a hug."


"Ako pa talaga ang lalapit sayo?" Pataray kong tanong.


"So, tinatarayan mo na ako ngayon?"


"Well, parang gano'n na nga." She rolled her eyes bago lumapit sa 'kin at binigyan ako nang mahigpit na yakap. "Lalapit din pala, ang dami pang satsat." We both laughing.


"I'm sorry..." Paghingi ng tawad nito, matapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari sa 'kin noong wala siya.


"No, don't be sorry. I know you were busy that time. Anyway, what's your reason? At bigla ka na lang nawala? I'm your bestfriend, you should tell me where do you plan to go before you leave."


"Can we just skip that topic. I'm not yet ready to tell you why I'm suddenly gone. I'm sorry,"


I know may mabigat din s'yang dinaramdam. I know her. Even she didn't say anything, I feel her.


"Okay, I understand." I smiled at her.


"So, what's your plan?"


"I'll think about it." Sumimsim ako sa ice tea na in-order namin kanina. "Pag-iisipan ko muna kung karapat-dapat ko ba siya bigyan ng second chance." Tumingin ako sa labas nitong coffee shop.


Kumunot ang noo ko nang biglang nagsitilian ang mga tao dito sa loob. Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil alam ko naman na isa lang 'yon sa mga artista.


"Bella..." Tinaasan ko siya ng kilay na parang nagtatanong. May sinesenyas siya sa likod ko. Base on her face, parang ayokong lumingon sa nginunguso niya.


"Small world, huh." Ang kinaiinisan kong tinig ay narinig ko na naman. Tinaasan ko ito ng kilay.


"So?"


"Sinusundan mo ba kami?"


"Are you kidding me? Ikaw 'tong kararating lang, tapos tatanungin mo ako ng ganyan?" Sadya kong nilakasan ang boses ko para naman marinig ng lahat.


Tumingin ito sa paligid at namula ang mukha dahil halos lahat ay nakatingin sa 'min. Ang iba ay nakatutok ang camera ng phone nila sa 'min.


Padabog itong umalis sa harap namin. Pumalakpak si Andrea para kunin ang atensyon ng mga tao.


"People! Tapos na ang palabas. Pwede na kayong kumain."


"She want an attention? Then I'll give it to her." I said habang nakikipagtitigan kay Candice na hindi naman kalayuan ang inuupuan.


"You really changed."


"Sila ang nagbago sa 'kin." Makahulugan kong sabi. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya ngumisi na lang siya.


******
"Sumabay ka na kaya sa 'kin."


"Hindi na. Magcocomute na lang ako."


"Are you sure?"


"100% sure."


Gusto niya akong isabay pauwi kaya lang iba na ang daan papunta sa bahay namin. Nalaman ko din na lumipat na sila ng bahay.


"Okay. Basta tawagan mo ako pag nakauwi ka na ah." Nakangiting tumango ako bago siya bineso.


Pero bago pa man siya makalayo, may tumawag na sa pangalan ko. Mabilis kong hinila si Andrea papunta sa kotse niya.


"Hey, akala ko ba magcocomute ka na lang."


"I changed my mind."


"Bella, wait." May humigit sa braso ko kaya nabitawan ko si Andrea. "Talk to me, please." Pakiusap nito.


Nanlambot ako nang makita ko ang nakakaawa nitong itsura. Humaba na ang buhok nito at nangingitim ang gilid ng mga mata nito. Parang pinapabayaan na nito ang sarili.


"Wait. Sino ka ba at bigla bigla mo na lang hinihigit ang bestfriend ko, huh?" Tinanggal ni Andrea ang kamay ni Lance na nasa braso ko.


"Who are you?"


"Wag mong ibalik ang tanong sa 'kin. Sino ka, huh?"


Pinigilan ko si Andrea. Hindi pa pala niya kilala sa mukha si Lance. She gave me a do-you-know-him? look. I nodded.


"Ano pa ba ang pag-uusapan natin?"


"I want to talk to you, privately." Makahulugan itong tumingin kay Andrea na masama na ang tingin sa kanya.


"Naku! Kung hindi ka lang gwapo." Iningusan pa nito si Lance. Pinigilan kong matawa. "Mauuna na ako besh. Pag pinaiyak ka ulit nyan, sabihin mo agad sa 'kin."


"I will never do that."


"Che!" I bit my lower lip para pigilan ang mapangiti.


Hindi pa rin talaga nagbabago si Andrea. Pinagtatanggol niya pa rin ako kahit na matagal kaming hindi nagkasama.


Nang makalayo ang sasakyan nito, saka ko na binalingan si Lance. Bigla akong nailang. Kanina pa ba niya ako tinititigan?


"Stop staring me." Naiilang na utos ko. Para naman itong natauhan. Tumikhim ito.


"Follow me." Naglakad ito. Hindi ako sumunod. Baka mamaya bigla na lang niya akong dalhin sa kung saan eh.


Nang maramdaman n'yang walang sumusunod sa kanya, lumingon siya.


"I said, follow me."


Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. kung gusto niya talagang makipag-usap sa 'kin, bakit hindi pa dito?


Bigla akong kinabahan nang inilang hakbang niya lang ang pagitan namin. Napagtanto ko na lang na nakalutang na ako. Para akong sakong binuhat.


"Argh! Put me down!" Pinagsusuntok ko na ang likod nito, pero parang wala lang sa kanya. Nang hindi pa rin niya ako binababa, tumahimik na lang ako. Pinapagod ko lang ang sarili ko.


"Saan mo ba ako dadalhin?!" Tanong ko habang pilit na binubuksan ang pinto ng sasakyan niya.


"In my place."


"Alam ko ba 'yong place mo? Saan nga-" Bago pa man ako makalingon sa kanya, parang may kung anong nilagay siya sa panyo na ipinantakip niya sa ilong ko.


Nakaramdam na lang ako nang antok. Gustuhin ko mang idilat lang ang mga mata ko, hindi ko magawa. Dahil unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko.


"I need to do this. Sorry, baby." Ang huli kong narinig mula sa kanya bago ako tuluyang nakatulog.

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now