BBR Nineteen

48 4 1
                                    

"Ella! Gumising ka dyan. Marami ka pang gagawin!" naalimpungatan ako dahil sa kalabog na nanggagaling sa pintuan ko "Ella!"


"Nandyan na po" agad kong binuksan ang pinto, sayang naman kung masisira lang 'to.


Sumalubong sa'kin ang nakabusangot na namang mukha ng step mother ko.


"Oh ano pang tinitingin-tingin mo dyan?!"


"Ito na po kikilos na po" umirap muna ito bago umalis sa harap ko.


Nandito na naman ako sa bahay na 'to kung saan lagi akong inaapi. Nakiusap kasi ang Dad ko na samahan ko daw ang step mom ko at dahil sa masunurin akong anak, sinunod ko s'ya.


Minadali ko ng gawin ang lahat ng pinapagawa kahit na wala pa akong breakfast, kailangan ko kasi 'tong matapos ng maaga dahil may work pa ako.


Nang matapos, nag-ayos na ako at ready ng umalis. Ilang minuto na lang kailangan nandon na ako.


"Where are you going huh? May gagawin ka pa" napatigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko, ang step mom ko.


"Pero natapos ko na po lahat ng gawain sa bahay" pagsagot ko rito dahil kailangan ko na talagang umalis.


"Sumasagot ka pa talaga huh! Pag sinabi kong may gagawin ka pa, may gagawin ka pa" tumaas na ang boses nito kaya hindi ko mapigilang mapapikit "Sasamahan mo pa akong mag-shopping" aangal pa sana ako nang umuna na ito sa paglabas kaya wala akong nagawa kundi magpalit ng damit at sumunod sa kanya. Siguro naman mapapakiusapan ko pa si Gabriel.


"Magdahan-dahan ka nga!"


"Sorry po" sabi ko sa nakabangga ko. Halos matumba na ako sa dami kong bitbit na pinamili ng step mom ko. Hindi ko alam kung alam ba ni dad na ginagastos lang ng tinuturing n'yang asawa ang pera n'ya sa walang kwentang bagay.


"Pwede po bang magpahinga kahit saglit lang?" halata sa boses ko na nahihirapan na. Tinignan ako nito ng masama.


"No way unless I'm done shopping" ipinagpatuloy pa nito ang pamimili ng kung anu-ano kaya wala na akong nagawa kundi tiisin ang hirap.


"Ella? Is that you?" lumingon ako nang may tumawag sa pangalan ko.


"Mitchie?"


"Ikaw nga!" bumaba ang tingin nito sa mga hawak kong paper bags "ang dami mo namang pinamili" napaiwas ako ng tingin.


"Actually, this is not mine"


"If that's not all yours, kanino?" hindi ko na nasagot ang tanong n'ya dahil may tumawag sa'kin.


"Ella! What are you doing there?" tumingin s'ya rito. Napamura na lang ako sa isip.


"Who is she Ella? Is that your mom?"


"Step mom" nilingon ko ang step mom ko "Susunod na po!" binalingan ko naman si Mitchie para magpaalam at iniwan na s'ya pagkatapos.


Nakakahiya kay Mitchie at s'ya pa ang nakakita kung pa'no ako utus-utusan ng step mom ko. Baka maikwento n'ya pa ito sa kahit na sinong kaibigan n'ya. Especially to Gabriel at Edward.


Pagkaalis ni Ella saka naman ang dating ng dalawang binata.


"Hey may napili ka na?" nasa malalim na pag-iisip si Mitchie kaya iwinagayway ni Gabriel ang kanyang kamay sa harap ng mukha nito na nagpabalik naman sa wisyo nito.


"Hey! What are you thinking?"


"Huh? A-ah wala naman" ngumiti ito na halatang pilit lamang "Tara na nga! Gutom na ko" hinila n'ya ang dalawa palabas ng store kung saan nakasalubong n'ya si Ella. Nasa isip-isip n'ya na 'wag munang sabihin sa dalawa ang nakita.


"Bakit parang wala ka sa sarili kanina?" natatawang tanong ni Gabriel.


"Nagugutom lang ako, that's it" sagot nito habang may laman ang bunganga. Kasalukuyan silang kumakain sa isang restau.


"Sabagay lagi ka namang wala sa sarili" natatawang sambit ni Gabriel dahilan ng pagbusangot ni Mitchie. Sa tuwing magkasama ang dalawa, panay lamang ang asaran samantalang si Edward ay busy lamang sa phone nito.


Sa kabilang banda, busyng naghahanap ng upuan si Ella. Aalis na sana ito dahil sa walang maupuan nang may tumawag sa pangalan n'ya.


"Ella! Here!" lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kasama ng tumawag sa'kin.


Lumingon ako sa likod ko baka kasi hindi ako yung tinatawag pero wala namang ibang tao bukod sa'kin na nakatayo lang.


Siguro nahalata n'ya na nag-aalinlangan akong lumapit sa kanila kaya s'ya na mismo ang lumapit sa'kin.


"Com'on do'n tayo" hinila nito ang kamay ko pero hinila ko rin ito pabalik "Can't you see? There's no vacant sits here so com'on" hindi na ako umangal pa nang hilahin ulit nito ang kamay ko.


Naupo ako sa katapat ng inuupuan ni Edward na busyng busy sa pagpipindot ng phone. Ano bang meron dyan sa phone na 'yan at ni hindi man lang ako tapunan ng tingin ni saglit lang.


Kinuha ko na lamang ang menu na nasa tapat ko at tumingin kung ano ang pwedeng makain pero mukhang hindi ako makakaorder nito dahil sa laki ng presyo. Mas gugustuhin ko na lang kumain sa Jollibee kaysa dito kasi sa 99 peso mabubusog ka pa. Eh dito mahal nga kung hindi mo naman gusto yung lasa edi sayang lang.


"This is your order Ma'am" nagulat ako nang may bigla na lang naglalapag ng pagkain sa harap ko. Eh hindi pa naman ako nag-oorder.


Paalis na sana ang waiter ng tawagin ko ito "Wait! Nagkakamali ka po ata ng pinagbabaan nito" turo ko sa pagkain "kasi hindi pa ako nag-oorder" paliwanag ko.


"I'm the one who's order that food" napabaling ako kay Gabriel nang ito ay sumingit. Binigyan ko ito ng question look "cause I know you don't have idea what to choose" napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.


"Pwede ko na po ba kayong iwan?" tanong ng waiter, agad naman akong tumango-tango.


"S-sure" binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Actually, kanina pa talaga ako nagugutom. Buti nga at binigyan pa ako ng time ng step mom ko para magpahinga kung hindi ewan ko na lang.


"Buti at pinagpahinga ka ng step mom mo" bigla akong nanlamig sa sinabi ni Mitchie.


"Of course, step mom ko yun eh!" sambit ko habang nakatutok pa rin sa pagkain "You know what ang sarap ng foods" itinaas ko pa ang pagkain na nasa tinidor sabay sinubo. Nakuha n'ya naman siguro ang ibig kong ipakahulugan sa kanya.


"Yeah!" ngumiti ito na nag-aalangan pa. Ayoko lang isipin ng dalawa na gano'n ang pagtrato sa'kin ng step mom ko.


Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang yung isa walang imik na para bang wala s'yang kasamang ibang tao.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum