BBR Fifty Five

43 1 0
                                    

Days passed, gumagawa pa rin ng paraan si Lance para suyuin ako, which is effective naman. Sinusubukan ko lang kung hanggang saan ang pasensya niya at kung talagang seryoso siya sa 'kin.


Someone's knock the door


Natigil ako sa pagmuni-muni nang may kumatok sa pinto. Mula sa pheriperal vision ko, bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang lalaking kanina ko pa iniisip.


"Breakfast is ready!" Masiglang sabi nito.


Mabilis na lumapit ako sa kanya at kinuha ang bitbit nitong pagkain.


"Thank you," I smiled at him bago ako bumalik sa kama.


Lihim akong napangiti dahil sa naging reaksyon niya. Simula kasi nung dalhin niya ako sa lugar na 'to, hindi ko na siya nginingitian.


"Wait, nakapag breakfast ka na ba?" I turn around para tignan siya.


Mukhang nagulat ito sa tanong ko.


"Actually, ngayon pa lang din ako kakain.." Tila nahihiyang sagot nito.


"Sabayan mo na ako." I said na lalong nakapagpagulat sa kanya.


Nang makita kong tatanggi siya, inunahan ko na. Lumapit ako sa kanya bago siya hinila.


"Nakakawalang gana pag mag-isa lang kumakain.. So, sabayan mo na ako. Please?" Hindi ko na siya hinintay makasagot. Pinaupo ko na siya sa tapat ko.


Magsasalita pa sana siya nang isalpak ko sa bunganga niya ang toasted bread with dairy cream. Natawa ako sa reaction ng mukha niya. Napailing na ito, pero sa huli kinain na lang niya ang nasa bibig. As if namang may magagawa siya.


"Kailan mo ako balak pakawalan?"


Saglit s'yang napatigil sa pag nguya. Even me, nabigla ako sa tanong ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sinisira ko na naman ang moment namin. Gusto ko lang din malaman kung may balak pa ba s'yang pakawalan ako o ikulong na lang dito habambuhay.


Binagsak nito ang hawak na kutsara at padabog na tumayo.


"Just finish eating and I'll just go outside."


He didn't answer my question. Bago pa s'ya makalabas, hinawakan ko ang braso n'ya upang pigilan.


"Is it hard to answer my question?"


Humarap s'ya sa 'kin dahilan ng pagkaatras ko at pagtingala. Tinanggal n'ya ang kamay ko na nasa braso n'ya. He held my chin and staring at me.


"Hindi ko hahayaang mawala na naman ang taong nagpapasaya sa 'kin.."


Napalunok ako nang makita ko sa mga mata nito ang bahid ng lungkot.


"Call me selfish, I don't care. Hindi ko lang.. Hindi ko lang kayang mawala ka.."


I hugged him tight para iparamdam sa kanya na hindi ko rin kaya na iwan s'ya. Naramdaman ko na namamasa ang balikat ko. Oh god, my man's crying.


"Wag mong isipin na pag pinakawalan mo ako, eh mawawala na ako sa'yo. May sari-sarili na tayong buhay. Ayoko lang na sa 'kin lang umiikot ang mundo mo at ayoko rin na habang-buhay akong nakakulong dito.."


Umayos ito ng tayo. Ako na mismo ang nagpunas sa namamasa nitong mga mata. Nasaktan man ako sa ginawa n'ya pero mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita s'yang ganito.


Damn. Why he still handsome after all?


"Hindi kita dinala dito para ikulong. Dinala kita dito dahil gusto kong iparamdam sa'yo na sincere ako sa'yo. So please, hayaan mo muna 'ko."


I nodded. He gave me a peck on my lips before he left the room. Tinitigan ko ang pinto na nilabasan nito habang nagrereplay lahat ng sinabi n'ya.


I trust you, Lance..


Naalimpungatan ako nang parang nanunuyo ang lalamunan ko. Naalala ko hindi pala ako nakainom matapos namin kumain dahil natulog agad ako.


Tinatamad na naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng maiinom. Nakakatamad pala talaga pag nasa bahay ka lang buong araw.


I miss hanging out with my friends..


"How 'bout Candice. Is she okay?"


Napatigil ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Parang tumigil ang mundo ko dahil sa pag banggit ng pangalan na 'yon at parang alalang-alala pa ito.


"Bantayan mo s'ya. Hintayin n'yo ako okay, pupuntahan ko kayo. Is that clear?"


Hindi ko na pinatapos ang usapan nila nung nasa kabilang linya. Hinang-hina akong bumalik sa kama at nagtalukbong. Mas mabuti ng umalis s'ya na hindi ko alam.


"Baby?" Kumatok ito. Nang walang sumasagot, pinihit na lang nito ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto.


Nagpanggap akong tulog. Naramdaman ko na lumundo ang kama sa bandang likuran ko. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin s'ya nagsasalita.


Narinig ko ang pag buntong-hininga nito. What's with that heavy sigh? Nahihirapan ka sigurong magpaalam noh. Pupuntahan mo siguro 'yong Candice.


Pinigilan ko ang luha na gusto nang kumawala sa mga mata ko. Ang sakit pa rin pala na kahit sabihin pa ng mahal natin na tayo lang talaga, kung nandyan pa rin yung past.. Ang hirap ng maniwala.


Maya maya pa ay lumabas na ito ng wala man lang sinabi. Padabog na tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko. Ano bang meron sa Candice na 'yon!


Nakabusangot na tumuloy ako sa kusina. I need some water nang mawala 'tong init ng ulo ko. Iiwanan n'ya ako dahil lang do'n sa babae na 'yon?


"Oh, what's with that face?"


"P*ta!"


"What? Are you cursing me?"


"N-no! N-nagulat lang ako. Hehe."


Ano pang ginagawa n'ya dito? Akala ko ba may lakad s'ya?


"Oh ba't nandito ka pa?"


"Sa tanong mo, parang alam mong aalis ako ha?"


"H-hindi noh! Mukha naman kasing aalis ka.."


"Yes, I have an appointment to attend. If you need anything, just call me. I'll be back in a minute okay?"


Appointment nga lang ba talaga..


"Baby?"


Tumango-tango na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh mukha namang importante sa kanya na mapuntahan 'yon.


Ilang oras na ang lumipas nang makaalis si Lance. Kung anu-ano na ang ginawa ko para malibang makalimutan ko lang s'ya. Hindi kasi ako mapakali.


Kinuha ko ang phone na nasa side table ko nang maalala ko ang sinabi n'ya.


"If you need anything, just call me."


Hinanap ko agad ang numero n'ya. Nang maisip ko na pa'no kung tanungin n'ya ako kung ba't ako tumawag? Anong sasabihin ko? Bahala na nga.

Beauty is the Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon