BBR Twenty Five

50 3 0
                                    

"That's it!" Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko pero nakikita ko naman sa mga mukha nila na nakangiti sila kaya lalo ko pang pinag-iigihan ang ginagawa ko kahit na naiilang ako sa mga pinapasuot nila sa akin. "Perfect!" Nakangiti na sabi ng photographer.



Atlast natapos din dahil wala na akong maisip na pwede pang ipose, kakaunti pa lamang ang alam ko sa posing.



Lumapit sa akin si Mitchie ng nakangiti. "Hindi mo man lang sinabi na may alam ka pala sa pagpose-pose"



"Kaunti lang naman" Napakamot ako ng batok. "Anyway, can I change my clothes now?"



"Sure, samahan na kita" Agad akong umiling.



"No need" Pumunta na akong dressing room para magpalit.



Kung hindi lang ako interesado sa pag momodel, hindi ako pumayag sa ganito. Yung pagsusuot ng mga sexy dress.



Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako at hinanap si Mitchie. Saan ba lumusot 'yong babaeng 'yon?



Dahil sa kakaisip kung saan pumunta si Mitchie, hindi ko napansin na may nabangga na pala ako.



"I'm sorry" Paghingi ko ng paumanhin. Lalagpasan ko na sana ito nang hawakan nito ang wrist ko, nilingon ko ito na nakapagpalaki ng mata ko. "Ikaw?!" Turo ko rito.



"Yes I am" Ngumiti ito ng matamis. "Miss Elevator" Kumunot ang noo ko dahil sa tinawag nito sa'kin.



Hinila ko ang kamay ko mula rito.



"Anong Miss Elevator? I have a name duh!"



"Sungit mo ngayon ah, meron ka ba ngayon?"



"Anong meron?" Nag-init ang mukha ko nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin. "W-wala noh at saka kailangan ko ng umalis" Tumalikod na ako pero nagsalita na naman ito.



"Sayang ka! Masungit ka lang" Hindi ko ito nilingon.



"Hindi ako masungit. May hinahanap lang ako okay?" Humarap ako rito na ikinabigla ko kaya naitulak ko ito dahil halos magdikit na ang aming mukha.



"Hey you! Why did you do that to my boyfriend?" Para akong naistatwa sa boses na narinig ko mula sa likod. "Babe, are you okay?" Tanong nito sa kausap ko na animo'y sinaktan talaga.



Nilingon ako nito na nagpalaki ng kanyang mata pero nakabawi rin ito.



"Who are you para itulak siya? Huh?" Pinigilan kong hindi mapairap dahil sa inaaksyon nito na overacting.



"It's nothing babe, okay?" Inawat ito ng kausap ko kanina. Umirap lamang ito at hinila ang kasama.



Nangibang bansa lang, hindi na ako nakilala gano'n? Pasimple kong sinundan ang dalawa. Lumabas sila ng building, pumwesto ako sa kung saan hindi ako makikita.



"Babe, I know your tired. Com'on ihahatid na kita sa inyo" Rinig kong sabi nung lalaki.



"No need, may dadaanan pa ako kaya mauna ka na"



"Are you sure?"



"Yes, I'll call you later pag nakauwi na ako"



Sumilip ako at nakita kong mag-isa na lang ang babaeng sinusundan ko. Lumapit ako rito at hinila ito sa tinataguan ko. Ayoko namang mag-iskandalo sa maraming makakakita.



Beauty is the Best RevengeOn viuen les histories. Descobreix ara