BBR Forty One

48 1 0
                                    

Pilit n'yang binubuksan ang nakatikom kong bibig pero nag-matigas ako. He has no right to kissed me. Malakas na itinulak ko siya at sinampal.


"How dare you!"


Ngumisi ito na parang hindi man lang nasaktan sa ginawa ko. Tatakbo na sana ako nang higitin na naman nito ang kamay ko.


"Saan mo ako dadalhin?"


Imbes na sagutin ako, hinila lamang ako nito. Hinampas-hampas ko ang braso nito, baka sakaling mabitawan niya ako.


"Stop it, I'm hurting."


"Masasaktan ka talaga pag hindi mo pa ako binitawan." Matapang na sabi ko. Napatili ako nang buhatin niya ako na parang sako.


"Put me down! Nahihilo ako!" Sinamaan ko siya ng tingin nang pwersahan niya akong isakay sa kotse niya.


"Fasten your seatbelt."


"Ayoko." Napaatras ako nang bigla s'yang lumapit. Pigil-hininga ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Naaamoy ko na rin ang familiar na pabango nito.


"Breathe, Ella." Nakahinga lamang ako nang maluwag nang lumayo siya sa 'kin.


"Saan mo ba talaga ako dadalhin?"


"Somewhere." Sabi niya na parang hindi sigurado, bago pinaandar ang sasakyan. Argh.


"Lance will get mad, pag nalaman n'yang magkasama tayo."


"I don't care." Bahagya pa ako nitong sinulyapan. I just bit my lower lip. "Don't bite your lips baby. It's tempting me to kiss you. Again."


"Don't call me baby. I am not your baby. Pwede bang pababain mo na lang ako."


"No, not now. Mag-uusap pa tayo." I just rolled my eyes bago diretsong tumingin sa daan. I don't want to talk to him.


Napaigtad ako nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa loob ng pouche ko. It's Lance. Sinagot ko agad ito.


"Baby, where are you? Pinuntahan kita sa unit mo pero wala ka do'n."


Sasagot na sana ako nang may humablot sa phone ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Itinapon niya lang naman 'yon sa labas.


"Hindi 'yon sayo. Bakit mo tinapon?"


"Tayong dalawa lang dapat ang nag-uusap."


"Pero 'yong phone ko."


"I'll buy you one, if it's you worry about."


Hindi niya nakuha ang point ko. Lahat ng nakasave do'n ay importante sa 'kin. Nandoon din 'yong mga pictures namin ni Lance. Aish.


Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa daan. Hindi ko alam kung nakailang oras kami sa byahe. Basta ang alam ko, tumigil lang ang sasakyan no'ng hapon na.


"Nasan na tayo?"


"Stop asking. Just follow me." Iniwas ko ang kamay ko nang tatangkain niya na namang hawakan.


"Oo na, susunod ako. Hindi mo na ako kailangang hawakan."


"Siguraduhin mo lang."


Habang naglalakad, inilibot ko ang paningin ko sa lugar. Anong lugar 'to at saka bakit wala akong makitang ibang tao.


Nanliit ang mga mata ko nang may maaninagan akong parang dagat. Tumakbo ako papunta roon, narinig ko pa na tinawag ako ni Edward.


Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now