BBR Fifty Two

41 1 0
                                    

One week had passed. Gaya ng nasabi ko kay Lance, hindi na siya nagsalita ng sorry. Pero hindi ibig sabihin no'n, tumigil na siya sa paghingi ng tawad sa 'kin.


"So, nagkabalikan na talaga sila?"


Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong nag-uusap. Sumilip ako sa pintong nakabukas.


"Look at them!" Nagtitili-tiling sabi ng isang babae habang may tinuturo. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nito na nasa screen ng TV.


Napakunot ang noo ko nang makita ko roon si Lance at Candice. What the hell are they doing there?


"Last question, are you two dating together?" Host asked.


Dahilan ng pagwala ng mga manonood. I can see in their eyes kung gaano nila kamahal ang love team na 'to.


"Yes," Bumalik ang tingin ko sa screen nang marinig ko ang boses ni Candice. "Actually," Lalong kumunot ang noo ko nang lumakas ang tilian. Ipinagsalikop lang naman nito ang dalawang kamay nila Lance. "We're not only dating."


"What do you mean?"


******
"Bella," Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Imbes na lingunin ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon, mabilis ko lamang tinapos ayusin ang mga gamit ko.


I have no time to talk to him.


Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan nito ang braso ko. Tinitigan ko lamang ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko.


"Talk to me, please."


"I'm tired." Tinanggal ko muna ang braso nito, before I gave him a blank expression. "Give me a time to rest."


"Do we have a problem?"


"What do you think?" Tinignan ko siya nang diretso sa mata. "After kong panoorin 'yong sweetest scene niyo, sa tingin mo matutuwa ako?"


"I'm sorry,"


"I thought, you love me."


"Yes, I love you."


"No, you don't love me. kung mahal mo ako, hindi ka maglilihim sa 'kin." Napakuyom ang kamay ko nang maalala ko ang napanood ko kanina.


"We're not only dating."


"Don't tell us na kayo na?"


"Yes,"


"It's possible na maging kayo. But, how come? I heard that Lance have a girlfriend. But, it wasn't you."


"No, that's impossible." She looked at Lance, na kanina pa tahimik. "Lance, is it true?"


"No. You're only my girl."


"I'm sorry,"


"I told you, stop saying sorry! You know what, patatawarin na sana kita eh. Pero dahil sa ginawa mo, lalo mo lang dinagdagan ang galit na nararamdaman ko." After that, I left him.


Stupid, Bella. You're so stupid. Hindi ka na nadala. See? Hindi ka man lang sinundan para amuin ka.


"I'm sorry," Mahinang sambit ko nang may makabangga ako. Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino 'yon. Ang importante ay makalayo ako kay Lance.


"Bella?" I suddenly stopped. That voice was so familiar. Nilingon ko ito. "Bella, ikaw nga. Long time no see."


Mabilis akong lumapit sa kanya at agad na niyakap. Sa balikat nito ibinuhos ko lahat ng luha ko. Bahala na kung madumihan ko ang malinis nitong long sleeve.


"Hey, namiss mo agad ako?"


"Shut up, Edward." Sabi ko na humihikbi. Hindi na rin naman siya umimik. Naramdaman ko na lamang ang kamay nito na humahagod sa likod ko.


"Don't touch my girl!"


Para akong naestatwa nang marinig ko ang maawtoridad na boses ni Lance. Gusto ko silang pigilan sa suntukan nila, pero parang nakadikit sa semento ang mga paa ko.


Nang makita kong walang tigil sa pagsuntok si Lance, saka ko lang naramdaman ang mga paa ko at nilapitan siya para pigilan.


"Stop it, Lance!" Nang hindi ito tumitigil ay pinagitnaan ko sila. "I said, stop it! Mapapatay mo siya!"


"Step aside. Don't block my way."


"No." Matigas na sambit ko.


"Bella."


"What? Ako na lang ang saktan mo, tutal sinaktan mo na rin naman ako. Bakit hindi mo pa lubus-lubusin? Go, punch me." Hamon ko sa kanya.


"Baby,"


"Mas gugustuhin ko pang saktan mo ako, physically. At least, hihilom agad."


"I will never do that."


"Huwag kang lalapit sa 'kin." Sabi ko nang tangka s'yang lalapit sa 'kin.


"Baby,"


"Kung ayaw mo na magalit ako sa 'yo lalo, umalis ka sa harap ko."


"But-"


"Babe!" Bumaling ang atensyon namin sa paparating. "What's happening here? Oh my god! What happened to your face? Who did that, huh?" Tumalikod ako sa kanila at tinuon ko na lang ang atensyon ko kay Edward.


I don't want to see their sweetest moment.


"I'm sorry," I said in a low voice, habang chinecheck ko ang mga sugat nito sa mukha.


Kung tutuusin, mas marami pang natamo si Edward kesa kay Lance. Overreacting lang masyado itong Candice.


"Don't be sorry, it's not your fault. Come on, gamutin mo na lang ang sugat ko." Natatawang sabi niya. Napailing na lamang ako bago siya tinulungang makatayo.


"Is she the reason, why your face be like that?" Rinig kong tanong ni Candice. Narinig ko naman na nag 'no' si Lance. Sinabi niya siguro 'yon, para siguro hindi mapaaway at masaktan si Candice.


"Let's go? Humahapdi na ang sugat ko." Umakbay sa 'kin si Edward, bago ako iginiya paalis. Pero, bago kami makalayo. Tinignan ko ang dalawa, mabilis na umiwas ng tingin si Lance.


Gano'n na lang ba 'yon? Pababayaan na lang ako na makasama si Edward? Tsk tsk.


******
"Ouch! Dahan-dahan lang, pwede?" Hinawakan nito ang kamay ko na may bulak, para ilayo sa mukha niya. "Intention mo ba talaga na gamutin ako? Parang hindi naman."


"Bakit kasi dumating ka pa."


"So, kasalanan ko pa na nagkasalubong tayo?" Nakakunot-noo nitong tanong.


Uh-oh. Here we go again.


"No, it's not like that." Napahilamos ako.


I hate this. I hate this feeling. Yung tipong pag may galit ako sa isang tao, nadadamay ang walang muwang.


"Don't mind me." Tumayo ako mula sa sofa. "I wanna rest." I said before I left him.


For now, lalayuan ko muna siya para hindi ko siya mapagbuntungan ng galit.

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now