BBR Forty Eight

37 1 0
                                    

"Break muna!" Photographer said.


Lumapit sa 'kin si Nicole. Binibigay nito ang towel, pero hindi ko 'yon kinuha. Tinignan ko lang 'yon.


"Where's my manager?"


"Hindi pa po kase siya dumadating."


"That's not your responsibility."


Hinablot ko ang towel at pinantakip ko sa katawan ko. Inuubos talaga niya ang pasensya ko.


"Ma'am, ano po gusto n'yong kainin?"


"Busog ako."


"But ma'am, hindi pa po kayo nagtatanghalian."


"I don't want to eat. Can you just leave me alone? I wanna rest."


"Sorry po, ma'am."


Napapikit ako nang mariin. Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin. Ugh. It's Lance fault. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagpapansinan. Natitiis niya pala ako huh?


Gabi na nang matapos ang photoshoot, ngayon ay nag-aayos na kami. Inabot kami ng gabi ng dahil sa 'kin. Hindi ko maperfect ang mga pose ko kaya nakailang ulit din ako. I felt sorry for them.


Imbes na sa bahay ang diretso ko, sa isang bar ako dinala ng mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit dito, basta ang alam ko lang gusto kong maglibang. Para naman, kahit ngayon lang matigil ang pag-iisip ko kay Lance.


Pagpasok ko pa lang ay ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob, dahil siguro sa suot kong civilian. Siguro iniisip nila na nahihibang na ako. Well, I don't care.


Tinawag ko ang waiter na dumaan sa harap ko. Dinamihan ko na ang order ko para hindi na ako pumunta sa counter.


Habang naghihintay sa order ko. Inilibot ko muna ang paningin ko sa bawat sulok nitong bar. This is not an ordinary bar. Puro nasa high-class ang mga taong nandirito.


"Here's your order ma'am." Inilapag niya sa harap ko ang mga wine. Bago ito umalis sa harap ko, binigay ko muna ang bayad ko.


Napapikit ako dahil sa sarap ng wine. Mukhang mapaparami ako nito ah. Okay lang, mababa naman ang tolerance nito eh.


Maya maya pa'y napatingin ako sa kanan ko nang may maramdaman akong tumabi sa 'kin. Hindi ko maaninag ang mukha nito, dahil nasa madilim kaming part.


"Don't worry, wala akong gagawing masama." Kahit na hindi ko nakikita ang mukha nito, alam kong nakangisi ito. Wait, familiar ang boses niya.


"Hey, stop that." Nilayo nito ang kamay ko nang itutok ko sa mukha niya ang flashlight ng phone ko.


"Sinusundan mo ba ako?"


"No. Why would I do that?" Kung hindi ako ang dahilan ng pagpunta niya dito. Eh sino? Hindi naman pupunta dito si Edward nang walang dahilan.


"Then what are you doing here?"


"To have some fun." Hindi pa rin ako kumbinsi sa sagot niya. "I know what your thinking. Yun lang ang dahilan, that's why I'm here." I nod my head, slowly.


"Why are you here?" Sandali akong natigilan. Sasabihin ko ba? Nandito nga ako para kalimutan muna si Lance tapos pag-uusapan pa namin?


"Like what you've said."


"I don't believe you. I know you."


"Ikaw ang bahala."


Hindi na ako umimik pa, kahit na kinukulit niya ako. Inubos ko na lang ang mga naorder ko, dahil anong oras na. Wala pa naman akong dalang sasakyan ngayon.


"Maiwan na kita ah."


"Are you okay?" Napapikit ako nang umikot ang paligid ko. Buti na lang maagap akong nahawakan ni Edward. I nod my head. "If you want, I'll drive you home."


"No need. Ako na ang bahala sa kanya." May naramdaman akong braso na lumagay sa bewang ko. Inaninag ko kung sino 'yon.


"Lance?" Nabigla ako nang bigla na lang niya ako hinila palabas. Hindi ko na nagawang lingunin si Edward, dahil sa bilis ng paglalakad ni Lance.


Nang makapasok kami sa sasakyan niya ay mabilis niya 'yong pinaandar. Napakapit ako nang mahigpit sa seatbelt. Paano na lang kung may biglang sumulpot sa harap namin?


Tahimik na nagdasal ako na sana hindi kami maaksidente o kaya makarating agad kami sa building na pinagtutuluyan ko.


Maya maya pa ay tumigil na ang sasakyan. Mabilis na bumaba ako dahil nasusuka na ako. Napangiwi ako nang masuka ako sa tabi ng kalsada. kinuha ko ang mouth wash sa pouche ko at nagmumog.


"Are you okay?"


"Did you really ask that?" Magsasalita pa sana siya nang patigilin ko siya gamit ang hintuturo ko. "I'm okay."


Sinubukan kong ideretso ang lakad ko pero bigo ako. Saglit akong tumigil at pumikit nang mariin. Baka sakaling mawala ang hilo ko.


Muntik na akong mapatili nang may mga brasong bumuhat sa 'kin- bridal style.


"Next time na maglalasing ka, siguraduhin mong kaya mo." May panenermong sambit nito.


"I can handle myself."


"Oh, really? Eh kulang na nga lang magpatulong ka sa taong madadaanan mo." Pinalo ko ang didib nito. "Bakit? Hindi ba?"


I just rolled my eyes. Wala ako sa mood para makipagtalo sa kanya. Inihilig ko ang ulo ko sa matigas n'yang dibdib, dahil nahihilo pa rin ako.


"Ibaba mo na ako."


Para itong walang narinig. Nagtipa lang siya sa passcode. Nandito na kami sa front door, pero hindi niya pa rin ako binababa.


Ibinaba niya lang ako nang nasa kwarto na kami. Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama na animo'y babasagin na dapat ingatan para hindi mabasag.


"Aalis ka na?" Mahina kong sambit nang makita ko s'yang tumalikod. Lumapit siya sa 'kin at inayos ang buhok ko na nakakalat sa mukha ko.


"I'm not going to leave you. May kukunin lang ako."


"Bumalik ka agad huh."


"Hindi pa nga ako umaalis, namimiss mo na agad ako."


"Umalis ka na nga." Tumagilid ako ng higa. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.


Finally, my annoying boyfriend is back.


Nagmulat ako ng mata nang may maramdaman akong basang bagay na dumampi sa noo ko.


"You don't have to do that."


"As your boyfriend, I will take care of you. So, let me do this."


Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya. Bumigat ang paghinga ko nang bumaba ang towel sa leeg ko. Parang biglang uminit.


"What are you doing?"


Hindi ko siya sinagot. Pinagpatuloy ko lang ang paghubad ko sa suot ko. Naiinitan talaga ako. Para akong napapalibutan ng mga apoy sa sobrang init. Daig ko pa yata ang may lagnat nito eh.


The next chapter you are about to read is intended for readers age 18+ due to its sexual content and language. It may not be appropriate for all audiences. Please read at your own discretion.

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now