BRR Twenty Nine

47 4 0
                                    

Friday


Iziniper ko na ang bagpack ko nang matapos na akong magsilid ng kung anu-ano.


Ang sinuot ko lang ay isang white shirt na pinarisan ko ng sky blue pants and white rubber shoes. Hindi ko alam ang isusuot ko dahil wala naman kase akong idea kung saan kami pupunta at ang ipinagtataka ko, bakit kailangan pang magdala ng extrang damit.


"Hija, may bisita ka." Natigilan ako sandali nang mabosesan ko ang tumawag sa'kin bago ko binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin si-


"Nay Ellie?!" Tumango-tango ito habang nakangiti. Niyakap ko agad siya ng mahigpit. "Namiss po kita!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko.


"Namiss din kita, hija." Naramdaman ko na hinahagod-hagod niya ang likod ko.


"Saan po ba kayo nanggaling? Ang tagal n'yong nawala." Mahihimigan mo ang tampo sa aking boses. Hindi ko maiwasang hindi magtampo. Bata pa lamang ako, siya na ang nag-aalaga sa'kin kaya itinuring ko na rin s'yang ina.


"Pasensya ka na hija kung natagalan ako." Inilagay nito ang nakatakas kong buhok sa likod ng aking tenga. ''Mamaya na tayo mag-usap hija huh? Baka may nakakalimutan ka." Napaisip ako saglit nang maalala ko na ngayon ang date namin ni Edward. I almost forgot!


"It's our date" Wala sa sarili kong sabi.


"Ikaw hija ah. Nawala lang ako saglit.. kayo na ba ni Edward?" Mapanukso ang kanyang tingin kaya hindi ko maiwasang hindi mamula. "Tara na't kanina pa yung boyfriend mo sa baba."


"Nay Ellie, hihiramin ko po muna si Ella ng three days. Don't worry nay, ibabalik ko po siya ng buo." Napaigtad si Edward nang kurutin ko ang tagiliran nito.


"Anong three days?"


"Ikaw talagang bata ka. Eh kahit hindi mo na iuwi ang batang yan, walang problema sa'kin." Napasimangot ako, kahit na alam kong nagbibiro lang siya. "Oh siya, sige na. Ingatan mo tong alaga ko ah."


"I will nay Ellie" Iniwan na muna namin si nay Ellie sa bahay. Baka kase humaba pa ang usapan at hindi na kami makaalis.


Hindi ko alam kung bakit kailangan may driver pa kami. Marunong naman siya magdrive o baka naman tinatamad siya? Imposible, kung tinatamad man siya edi sana pinostpone niya na muna yung date.


Maya maya pa'y tumigil ang sasakyan sa tapat ng Airport. Anong gagawin namin dito? Hindi na ako nag-abalang tanungin si Edward dahil malamang sa malamang, hindi niya ako sasagutin.


"Hope in." Nagtatakang tinignan ko siya. "Don't worry, kasama ako." Ikinabit nito ang seatbelt ko at siniguradong nakakabit nga ito, bago siya umikot sa driver's seat.


"Marunong ka magpalipad nito?"


"Do you think uupo ako dito if I'm not?" Sabi nito habang kinakabit ang kanyang seatbelt. Tumingin ito sa'kin. "Hindi ko hahayaang mapahamak ang kaisa-isang babaeng pakakasalan ko pa." Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Pinaandar na nito ang makina ng Helicopter.


Dumiretso kami sa isa sa mga kwarto dito. I wonder, kung pinareserve na niya agad to.


"So.. How's the room?" Tanong niya na nag-inat-inat pa.


"Okay naman." Umupo ako sa kama at pinagpag ito. "Infairness ah, malambot." Inihiga ko muna ang katawan ko sa malambot na kama.


Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now