BBR Twenty Seven

65 4 0
                                    

Napatigil ako sa paglalakad nang may maaninagan akong pamilyar na mukha, hindi kalayuan sa inuupuan ko. Nang matitigan ko ito, hindi nga ako nagkakamali. Si Ashley, kasama na naman ang lalaking yun. How come na hindi man lang nila naisip na maaaring makita sila ni Edward dito.

Muntik ko nang maibuga ang coffee na iniinom ko nang maaninagan ko ang taong papasok sa Cafe na 'to.

Iginala nito ang tingin nito sa loob ng cafe hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa. Ikinagulat ko nang ngumiti ito ng matamis sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang suklian ang ngiting iyon matapos ang nangyari kailan lang.

"Can I share with you?" hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala s'ya sa'kin.

Sumang-ayon naman ako. Pasimple kong tinapunan ng tingin ang dalawang tao sa hindi kalayuan bago binalingan ang taong nasa harap ko.

"What are you doing here anyway?" saglit akong natahimik sa tanong nito. Bakit nga ba ako nandito? Eh hindi ako yung tipong kumakain ng mag-isa sa labas.

"G-gusto ko lang tikman ang coffee nila dito, mukha kasing masarap" ngumiti ako rito bago sumimsim sa coffee na hawak ko.

"Oh I see" tumango-tango ito na animo'y naiintindihan ang aking sinabi. Oh wait! Diba galit s'ya sa'kin? Eh bakit ngayon kung kausapin n'ya ako ay parang walang nangyari.

"H-hindi ka ba mag-oorder?" napaiwas ako ng tingin nang kumunot ang noo nito. May nasabi na naman ba akong mali?

"Why would I if my coffee is already infront of me?" napatanga ako sa sinabi n'ya. Nasaan? Invisible coffee gano'n? "What's with that face?"

"Where's your coffee?" sabi ko na inilibot ang aking tingin sa table na nasa harap ko.

"Tss" nanlaki ang mata ko nang kuhanin nito ang coffee ko at walang pasabing uminom. Indirect kiss?

"I-if you want a coffee, I will order j-just tell me" naiilang kong sabi. Pa'no ba naman hindi, eh nainuman ko na yun.

"Nah this is enough" saka na nito ibinaba ang baso. Grabe, hindi s'ya ang nag-order pero s'ya ang nakaubos. Pambihira!

Nahagip ng dalawang mata ko ang dalawang taong papalabas ng shop na to. Saan na naman pupunta ang dalawang yun?

"Let's go" tinaasan ako nito ng kilay "Baka gusto mo pang buhatin kita?" kung pwede lang eh!

"Saan ba pupunta at kailangan kasama pa ako?" tinaasan ko rin ito ng kilay.

"Somewhere. Ah basta sumama ka na lang sa'kin" bigla nitong inagaw ang pouche ko at nauna nang lumabas. Mautak tong mokong na to ah!

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil nasa kanya ang pouche. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa nakita ko. Nakita ko s'yang nakatayo habang suot ang pouche ko.

"Are you done checking me out?" napaiwas ako ng tingin nang bigla itong lumingon sa akin. Natagalan ba ako sa pagtitig sa kanya?

"Saan ba tayo pupunta?" pag-iiba ko ng usapan.

"Follow me" Aba! Ano ako aso na sabihan mo lang ng follow me, eh susunod na. Bahala s'ya dyan.

Nang maramdaman nito na  sumusunod sa kanya, lumingon ito na agad ko namang iniiwas ang aking paningin.

"Woy! Saan ba kasi tayo pupunta?!" tanong ko nang bigla n'ya akong hilain sa kung saan.

"Somewhere" walang gana n'yang sagot. kanina pa 'yang somewhere na 'yan ah at saka kailangan kasama pa ako?

"So, bakit kailangan kasama pa ako kung somewhere lang naman pala huh?!"

"Shut up! You're too noisy!"

"It's not my fault, It's you. kung hindi mo ako pinilit-pilit sumama sa'yo edi sana walang taong nagrereklamo dito!" tumigil ito sa paglalakad kaya napatigil rin ako.

"I said shut.the.fuck.up" nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi na ako nagsalita pa. Mukha kasing nabadtrip ko? Anyway, lagi naman s'yang mukhang badtrip. Hindi ko maiwasang hindi mapahagikhik sa aking isipan.

Tinignan ko s'ya nang bigla na naman itong tumigil. Ano bang problema n'ya?

"Edward? W-what are you doing here?" tumingin ako sa harap namin. Ang taong sinusundan ko kanina ay ngayon ay nasa harap ko na.

"kung inaakala mong sinusundan namin kayo, then don't. Nagkataon lang na dito ang Mall na pinuntahan namin" ako na ang sumagot dahil parang walang balak sumagot itong katabi ko.

"Gano'n ba? By the way this is Jacob, m-my boyfriend" ang akala kong bibitawan ni Edward ang pagkakakapit sa kamay ko ay hinigpitan n'ya lamang.

"Oh I see. By the way, I'm Edward and this is Gabriella, my girlfriend" hinapit nito ang bewang ko kaya napalapit ako sa kanya.

"Girlfriend? When? How?" tanong nito na ikinataas ko ng kilay.

"Yes, I'm his girlfriend. When? When a girl broke up with him and how? He wants me to be his girl. Any questions?" taas-noo kong sabi. kahit ngayon lang, maipagmalaki ko na boyfriend ko s'ya.

"Sorry, anyway it's already lunch time. Sabay-sabay na tayong kumain?" aangal na sana ako nang unahan akong magsalita nitong si Edward.

"Yeah! I'm sure my girlfriend is hungry" hindi nakaligtas sa'kin ang pag-ikot ng mata ni Ashley.

"So, let's go?" tumango lamang kami. Tahimik na sumusunod kami sa dalawa.

"Pwede mo na akong bitawan" bulong ko kay Edward dahil nakahawak pa rin s'ya sa bewang ko. Tinignan ko s'ya dahil mukhang hindi nito narinig ang sinabi ko. kaya naman pala, nasa dalawa ang atensyon n'ya. Hindi ko maiwasang hindi mainis sapagkat ako ang kasama n'ya pero sa iba nakatuon ang atensyon n'ya.

"It seems, you don't like your food" napatingin ako sa katabi ko.

"No, masarap nga eh" sumubo ako ng isang kutsarang pagkain. Halos masuka ako nang manguya ko na ito pero hindi ko ipinahalata.

Hindi ko alam kung saang restaurant kami ngayon basta ang alam ko puro gulay ang pagkain. Hindi sa hindi ako kumakain ng gulay, hindi kasi ito yung gulay na kalimitang binibili sa karinderya o niluluto sa bahay.

"Are you sure?" tumango ako at hindi ko alam kung ano na ba ang itsura ko ngayon. Hindi naman sila ulit nagtanong at nagpatuloy na sa pag-uusap.

Inilunok ko agad ang nginunguya ko at ininuman ng tubig bago pa nila mapansin na hindi ko gusto ang pagkain. Parang gusto kong kumain ng ibang pagkain dahil nauumay ako sa kinain ko.

"How about dessert?" may kung sinong sinenyasan si Ashley at dumating ang waiter na may dalang ice cream mango flavor.

Hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba talaga na kumain nang matagal dahil mas marami s'yang kwento kaya pati kami natatagalan din.

"Meron ba kayong chocolate flavor nito?" tinignan ko si Edward nang nagtatanong. Eh sa pagkakaalam ko favorite n'ya ang mango flavor. Pero bakit?

"Hey, sa pagkakaalam ko. Your favorite is mango flavor but know. What happened?" gusto kong mainis sa babaeng to. Parang lumalabas na sila pa rin ni Edward.

"Iba na ngayon Ashley" nag-init ang mukha ko nang hawakan nito ang kaliwang kamay ko na nasa hita ko at ngumiti sa'kin nang pagkatamis-tamis. Anong ibig sabihin n'ya sa iba na ngayon?

VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon