BBR Forty Three

49 1 0
                                    

Magkahawak ang kamay namin ni Lance na pumasok sa Hotel. I don't want to talk about earlier. Nag-iinit ang pisngi ko, pag binabalikan ko 'yong nangyari.


Natanawan ko agad ang mga kasamahan ko na nakapalibot sa isang round table. Mukhang ako na lang ang hinihintay nila ah.


Nagsitayuan ang mga kasama ko nang makita ako. Kumunot ang noo ko nang parang may gusto silang sabihin.


"Is there something wrong?"


"Ma'am, wala pa po kase 'yong bago n'yong secretary." Hindi sinasadyang napatingin ako sa pangalan nito na nasa bandang dibdib. Nicole.


"Call her then."


Natatarantang nagpipipindot siya sa phone niya bago 'yon nilapat sa tenga niya. Sa sobrang busy ng manager ko, siya na mismo ang naghire ng secretary ko. It's just a temporary anyway.


"Ma'am out of coverage po e."


Magsasalita pa sana ako nang may magsalita na parang hinihingal pa. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.


"I'm so sorry, traffic kasi eh."


"Don't blame the traffic." Humarap ako rito at gano'n na lang ang panlalaki ng kanyang mata. "Let's go!" Nilagpasan ko siya.


"Ma'am, hindi ba kayo sasabay sa 'min?" Tanong sa 'kin ng isa sa mga staff nang makasakay na ang iba sa loob ng van. Umiling ako.


"No. Susundan na lang namin kayo."


"How 'bout you miss?" Tumagos ang tingin nito sa 'kin. She's talking to Ashley. Narinig ko naman ang takong nito na papalapit. Hindi ko man siya tinitignan pero ramdam ko ang pag-irap nito bago sumakay.


Maya maya pa ay narinig ko na ang busina. Sumakay agad ako nang makita ko na si Lance na 'yon. Nang umandar ang sasakyan sa harapan, pinaandar na rin ni Lance ito.


"Is it really okay with you na sasama ka sa 'min?" Lumingon ako kay Lance nang hindi siya sumagot. "Lance?"


"H-uh? O-oo naman."


Tumango ako at itinuon na lang ang tingin ko sa labas. Simula no'ng dumating si Ashley, naging tahimik na siya. Ipinilig ko ang ulo ko. Kung anu-ano na naman 'tong iniisip ko.


Hapon na nang makarating kami sa pupuntahan namin. Nang magsibabaan na 'yong mga kasama namin, bumaba na rin ako. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako.


"Ma'am, p-pasensya na po sa inasal ni Ashley kanina." Tinignan ko ang lumapit sa 'kin. Bahagya pa itong yumuko.


"Bakit ikaw 'yong humihingi ng pasensya. Bakit hindi siya?"


"N-nahihiya po siya-" Natawa ako nang mapakla dahilan ng pag-angat ng kanyang ulo. Hindi ka pa rin talaga nagbabago ah.


"Dapat lang na mahiya siya. This is her first day of being my secretary tapos late siya? Geez."


"Baby, calm down." Hinawakan ni Lance ang balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil pinaalis niya 'yong kausap ko.


"I'm not yet done talking with her."


"Parang hindi mo naman kinakausap eh."


"Don't talk to me."


"Baby, wait." Hindi pa man ako nakakalayo, nahawakan na agad niya ang braso ko. "I'm just kidding." Hinarap ko siya.


Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now