BBR Thirty Four

70 1 0
                                    

Nagulat ako nang iangat ako nito mula sa tubig. Hindi ko man lang magawang makapalag. Para akong isang robot na natanggalan ng battery.

Isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa dibdib ni Lance upang itago ang aking mukha dahil sa kahihiyan.

"Here." Ipinatong nito ang towel sa balikat ko. "Stay here. Hahanapan lang kita ng maisusuot." Lumabas ito ng kwarto.

Napakuyom ang kamay ko nang maproseso na ang lahat ng nangyari kanina. Ibig bang sabihin wala na talaga kami? Ano bang ginawa ko para ganituhin nila ako? Bakit ba parang ang laki-laki ng kasalanan ko para ganituhin nila ako. Agh.

"Hey," Umangat ang tingin ko. "Palitan mo na 'yang suot mo." Kinuha ko ang damit na inaabot niya. "Hintayin kita sa labas." Tinanguan ko lamang ito. Nang makalabas na ito, saglit kong tinitigan ang pinahiram n'yang damit.

"Shit." Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ko si Lance na nakatayo sa tapat ng pinto. Umangat ang tingin nito. "Pwede ba na dito muna ako hanggang sa makaalis na lahat ng bisita mo?" Napakamot ako ng batok.

"It's okay," Napaatras ako nang lumapit ito. Yumukod ito upang magpantay ang aming mukha. "Baka kase ano ang isipin nila pag nakita ka. Lalo na suot mo 'yang shirt ko." Oo nga no? Ba't hindi ko naisip 'yon. "Go back inside. Baka may makakita pa sa'tin dito." Ngumisi ito. Ngumuso ako nang ginulo nito ang buhok ko.

Hinintay ko muna itong maglaho sa paningin ko. Iikot na sana ako upang pumasok sa loob nang may maaninag ako sa pheriperal vision ko. Tinignan ko ito, wala naman. Napailing na lamang ako bago pumasok sa loob.

Mukhang mamaya pa matatapos ang party sa baba kaya inihiga ko na muna ang katawan ko sa malambot na kama. Nakatingin lamang ako sa ceiling hanggang sa tangayin na ako ng antok.

"Ella wake up." Naalimpungatan ako dahil sa may marahang nagsusuklay sa aking buhok. Pagmulat ko, agad na bumungad sa akin ang mukha ni Lance. "You're awake."

"Ginising mo ako eh." Ngumisi ito sa sinagot ko.

"Hindi na kita inabalang gisingin pa kagabi dahil sa himbing ng tulog mo." Magsasalita na sana ako nang- "Just let me talk, okay? Mitchie's know nothing what happened last night. I didn't say anything to her cause she was drunk that time." Pag nagkataon na sinabi niya kay Mitchie ang nangyari, malamang na hindi lang ako ang makakaaway ni Ashley. "She asked me if where you are but I'm just telling her na hinatid na kita sa inyo. Now, eat your breakfast."

Ngayon ko lang napansin ang mga pagkain na nasa side table. Inilapag niya ito sa tapat ko. Biglang kumalam ang tiyan ko dahil sa amoy ng mga pagkaing nasa harap ko.

"Pwede ba na sabay tayong kumain? Hindi kase ako sanay na kumakain mag-isa." Nahihiyang tumingin ako sa kanya.

"S-sure."

"Wait, naiinitan ka ba?" Nakabukas naman ang aircon pero bakit namumula siya. Umiling ito at lalong namula. "Eh bakit namumula k-" Sinalpakan nito ng puto ang bunganga ko. Bastos.

"Hindi ako naiinitan. Ganito lang talaga ako." Inismiran ko lamang ito bago nginuya ang puto.

Nang matapos naming kumain, isinuot ko ulit ang dress na suot ko kagabi. Pero bago ako lumabas ng kwarto, nilabhan ko muna ang pinahiram niya sa'kin. Nakakahiya naman kung iiwan ko lang ito na marumi.

"Hindi na nga."

"I insist." Ang kulit naman ng lalaking to. Nandito kami sa labas ng mansyon nila at kanina pa nagtatalo.

"Ganito na lang, kunin mo ang plate no. ng taxi na sasakyan ko." Ngumiti ako nang matamis. Siguro naman, papabayaan na niya akong umuwi mag-isa noh.

"Ano pang silbi ng plate no. kung patay ka na." Napapikit ako nang mariin. Argh. Ang hirap naman pakiusapan ng taong to.

Wala na akong nagawa nang sapilitan ako nitong ipasok sa kanyang magarang sasakyan.

"Dito na lang ako." Agad naman n'yang hininto ang sasakyan sa tabi. Hindi ko na hinayaan pang sa tapat pa ng bahay namin. Tumikhim ako bago muling nagsalita. "Thank you for saving me last night. Don't worry babayaran ko naman 'yong nabasag kong vase." Napangiwi ako sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya nang marinig ko itong tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"What friends for kung hindi kita tutulungan diba. And about vase, ako na ang bahala do'n." Umiling ako. Magsasalita pa sana ako nang lumapit ito. "Baka hinahanap ka na sa inyo." Binuksan niya lang pala ang pinto.

Nang makalayo na ang sasakyan nito, nagsimula na akong maglakad papunta sa'min. Ngunit napatigil ako nang makita ko si Edward na nakasandal sa kanyang pamilyar na sasakyan. Nakaparada ito sa tapat ng bahay namin.

Bumuntong-hininga muna ako bago muling naglakad. Ramdam ko ang paninitig niya sa'kin ngunit hindi ko ito binigyang pansin. Lalagpasan ko na sana siya nang tawagin ako nito.

"Ella.." Hindi ko ito nililingon. Sa ngayon, hindi ko pa siya kayang harapin. "Can we talk?"

"H'wag muna ngayon please. I need to rest." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil tuluyan na akong pumasok.

Nakahinga lamang ako nang maluwag nang maisara ko ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit gano'n? Ako pa ang nasaktan sa ginawa ko.

"Hija, nandyan ka na pala." Si Nay Ellie na galing sa kusina. "Saan ka natulog kagabi? Pinag-alala mo ako."

"Pasensya na po kung pinag-alala ko po kayo. Hindi na po mauulit." Yumakap ako rito. Sinadya ko talagang hindi sabihin kung saan ako natulog kagabi.

Naglinis muna ako ng katawan bago humiga sa kama. Nakatingin lamang ako sa ceiling, inaalala kung pa'no ko mababayaran si Lance.

Napatigil ako sa pag-iisip nang mag-vibrate ang phone na nasa tabi ko. Pag-on ko nito, nag pop-up ang isang message. It was from Edward.

Ibinato ko ang phone ko. He wants me to talk to him. Baka naman gusto niya lang makipag-ayos sa'kin. Dahil sa isipang 'yon, pumayag ako na makipagkita sa kanya mamaya.

VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now