BBR Eighteen

58 4 3
                                    

"Nawala lang ang kapatid mo, nilandi mo na ang boyfriend"


"Who are you to say that?" napatayo na rin si Edward na animo'y may susugurin kaya agad kong hinawakan ang kamay nito.


"Oh don't you know me? I'm just your girlfriend's mom" ang kanina'y inis na mukha ni Edward ay nawala.


"Tita... ma-maupo muna po kayo" itinuro pa ni Edward ang upuan na nasa harap namin.


Napabitaw ako sa kamay n'ya dahil akala ko kahit na ina ni Ashley ang nasa harap namin ay magagalit pa rin s'ya dahil sa pagsabi nito na malandi ako pero nagkamali ako ng akala.


"Thank you" pasasalamat ni Edward sa waiter na nagserve kay mommy "Im s-sorry tita... I thought you're just nothing"


"It's okay. Edward right?"


"Yes tita" tumango-tango si Edward "Anyway, k-kamusta na si Ashley tita?" expected ko ng itatanong n'ya ito.


"Ang tigas talaga ng ulo ng batang 'yan. Ayaw magpapigil sa pag-alis but I think she's okay" naguguluhan ako.


Magkasama lang sila na pumunta sa Europe diba? Eh papaanong nandito s'ya.


"Oh I see" tumango-tango ulit si Edward. Makikita sa mukha n'ya ang lungkot kaya napaiwas ako ng tingin.


"You are really miss her, are you?"


"Yes tita" napayuko ako at napakagat na lang ako sa lower lip ko. Hindi pa rin talaga nawawala ang feelings n'ya para kay Ashley.


"Ella! How are you iha?" tinignan ko ito. Parang kanina lang gusto n'ya akong sugurin tapos ngayon. Plastic!


"I'm okay tita. How about you tita?"


"We're same. Anyway, I'm sorry for what I've said a while ago. I thought you're two are-"


"We're just friend tita, we're already know that I love Ashley right?" pagtatapos ni Edward sa sasabihin ng ina ni Ashley. Labag man sa loob ko, tumango pa rin ako.


"Good to know then" ngumiti sa'kin ang ina ni Ashley na alam kong nang-aasar lang ito.


"Tita, kailan s'ya babalik dito?" excited na tanong ni Edward dito.


"I don't know the exact date. But I think malapit na" nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sa'kin si Edward.


"Tita, ihahatid ko po muna saglit si Ella sa work n'ya" nang marinig ko 'yon galing kay Edward, agad akong umiling.


"Don't! Hatid mo na si tita" kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko "I can handle myself" sinabi ko sa kanya 'yon na alam kong nakuha n'ya ang ibig kong sabihin.


"Fine!" mahina pero ramdam ko ang inis "Let's go tita" pinagbuksan n'ya ito pero bago pumasok ang ina ni Ashley may binulong muna ito sa'kin.


"Look! Sulitin mo na ang araw na magkasama kayo ni Edward habang wala pa ang anak ko, kasi pag nandito na s'ya alam mo na" ngumiti ito ng mapang-asar "Bye Ella! Take care"


Sumulyap muna sa'kin si Edward bago pumasok sa loob ng sasakyan. Nang makaalis ang sasakyan, agad na umagos ang luha sa aking mukha.


"Ella?" napaangat ako ng tingin nang may marinig akong boses ng babae na tumawag sa pangalan ko "Ikaw nga!" turo nito sa'kin "How are you?" hindi ko magawang sumagot dahil sa hindi ko s'ya kilala pero familiar ang mukha n'ya.


"I'm sorry, Do I know you?" nakita ko ang pagkadismaya sa mukha n'ya. Hindi ko talaga s'ya maalala.


"I'm Mitchie. Natandaan mo na?" inalala ko ng maigi. S'ya 'yong babaeng nasa cr na sinasabi n'yang kaibigan n'ya si Edward at Gabriel.


"Oo, natatandaan ko na"


"Thanks God! Natandaan mo rin" para itong bata na nagpapalakpak sa saya kaya hindi ko maiwasang mapangiti "Let's go! Magswing tayo dali" hinila ako nito.


"Wait! Hindi ako pwede ngayon, may work pa ako" sabi ko rito kaya natigil s'ya sa paghila n'ya sa'kin.


"Don't worry, ako bahala kay Gabriel" hinila ulit ako nito kaya wala na akong nagawa.


"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko rito.


Nandito kami sa swing nakaupo. Nilingon ko ito ng bigla itong natawa dahil siguro sa tanong ko.


"Of course not" iiling-iling na sabi nito.


"Eh bakit sa tuwing nalulungkot ako, bigla-bigla ka na lang sumusulpot dyan na parang kabute" lalo itong natawa dahil sa sinabi ko. Sa totoo lang, ang saya n'ya.


"Let's say that I'm your clown"


"Sa ganda mong 'yan, iisipin kong isa kang clown?"


"Yeah! Dyosang clown" kahit ako natawa sa sinabi n'ya. Nakakahawa lang!


"You know what? Para kang bata" iiling-iling na sabi ko.


"Yeah! Masanay ka na" para kaming baliw na kahit maliit na bagay pinagtatawanan pa.


Nagkwentuhan lang kami maghapon. Sa totoo lang, masarap s'yang kasama. Yung tipong hindi ka maboboring kasi hindi s'ya nauubusan ng kwento.


"I'm hungry" nagpout ito na nagpabagay sa mukha n'ya "Look! May street foods. Tara!" hinila na naman ako "Mosorop tologo street foods noh?" sabi nito habang puno ng pagkain ang bunganga.


"Yeah!" natatawa ako sa itsura n'ya. Hindi ako makapaniwala na isang kagaya n'ya ay kumakain ng ganitong klaseng pagkain at walang pakialam kung ano man ang maging itsura n'ya.


"Thank you Ella sa pagsama sa'kin" niyakap ako nito ng mahigpit. Hinawakan ko naman ang kamay nito.


"Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo kasi kahit papaano napasaya mo 'ko" nginitian ko ito.


"Naku! Wala 'yon" nginitian din ako nito "So, next time again?" tumango-tango ako habang natatawa.


"Sure! Basta siguraduhin mo lang na free time ko" natawa ito sa sinabi ko.


"Okay, I'll talk Gabriel about this. So, let's go ihahatid na kita" agad akong umiling.


"Magcocomute na lang ako" magsasalita pa sana ito nang inunahan ko na "Oh 'yan na pala yung taxi. Bye!" sumakay agad ako sa napara kong taxi at nagwave sa kanya to say goodbye.


Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako sa kanya. Eh magkaiba ang daanan namin pauwi.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now