BBR Twenty Eight

55 4 0
                                    

"As what you've said a while ago. It means, you are my boyfriend now?" Kinikilig kong sabi habang nakakapit sa braso ni Edward.


Muntik na akong mapasubsob dahil sa bigla n'yang pagpreno. Buti na lang naka-seatbelt ako.


"What's your problem? Look, muntik na akong masubsob dahil sa ginawa mo" Nakanguso kong sabi sa kanya. Umayos na ako ng upo at kumapit nang mahigpit sa seatbelt. Baka sa susunod masubsob na ako eh.


Imbes na sagutin ako, pinaandar niya lamang muli ang sasakyan. Gano'n ba kahirap sagutin ang tanong ko at hindi niya masagot?


"We're here" Napatingin ako sa labas nang magsalita siya. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. "Stay there" Clueless akong tumingin sa kanya hanggang sa namalayan ko na lang na pinagbuksan niya lang pala ako ng pinto.


"Thank you" Pagpapasalamat ko dahil ngayon lang ata siya naging gentleman pagdating sa'kin. "Pumasok ka muna. Maaga pa naman eh!" Umaasa na pagbibigyan niya ako.


"Maybe next time?"


"Please?" Pangungulit ko. kahit ngayon lang, na ako ang dahilan kung bakit siya naririto.


"Matitiis ko ba ang girlfriend ko?" Parang gusto kong tumili dahil sa sinabi niya.


"It means boyfriend na talaga kita?!" Nagtatatalon kong sabi at dinamba siya ng yakap. "Ang tagal kong hinintay to" Mahina kong sambit.


"Edward, naparito ka? Hindi pa dumadating si Ashley at saka hindi kita maaasikaso ngayon"


"Good evening tita" Humalik ito sa pisngi ni tita. "Hindi po si Ashley ang pinunta ko dito" Kita sa mukha ni tita ang pagtataka. Hindi niya pa pala alam ang tungkol sa paghihiwalayan ng dalawa. "I'm sorry tita. Ashley and I broke up" Bakit feeling ko ang lungkot ng pagkakabigkas niya sa salitang yun. "And now, I'm with my girlfriend" Hinigit ako nito sa bewang.


Lumipat ang tingin sa akin ni tita. Ilang saglit pa ay bigla na lamang itong tumawa.


"Seriously? All of people. You choose this kind of girl?" Nang-uuyam nitong sabi. Napayuko na lamang ako.


"Hindi ako magkakamali na sya ang pinili ko tita" Otomatikong napaangat ako ng tingin dahil sa narinig ko.


"Whatever!" Nakahinga lang ako ng maluwag nang umalis na ito sa harap namin. Sino ba naman kasing matutuwa na ang boyfriend ng anak mo eh may iba nang girlfriend?


"M-maupo ka muna" Tumalikod ako para sana kumuha ng maiinom pero nagulat ako nang niyakap ako nito mula sa likod.


"I'm sorry.." Bulong nito. Pumihit ako paharap sa kanya at ngumiti.


"Ba't ka nagsosorry?"


"Magagalit pa ang mommy mo sayo ng dahil sa'kin" Kita ko ang guilt sa kanyang mukha.


"Don't worry. Sanay na ako kay mom" Tinapik-tapik ko ang kaliwang mukha nito at kumuha na ng maiinom.


"I give up" Binigay ko sa kanya ang phone nya pero imbes na kunin nya, humalakhak lamang ito.


"Don't. Wala ka pa ngang nakukuhang books eh" Sabi nito na nagpipigil na hindi matawa.


"Eh ayoko na nga" Nagpout ako baka sakaling kunin niya na ang phone niya. Alam naman niya na takot ako sa ghost tapos paglalaruin niya ako ng slendrina?


Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now