BBR Thirty Seven

50 1 0
                                    

"What's with the heavy sigh?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na tong pagbuntong-hininga. Nilingon ko si Lance na nasa tabi ko. Tinitigan ako nito na parang mababasa niya ang nasa isip ko. Ibinaling ko sa bintana ang tingin ko dahil baka mabasa niya ang nasa isip ko.


"I knew it." Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. "Don't be nervous. Just be yourself."


"Pa'no kung mautal ako o kaya hindi ko masagot 'yong tanong."


"Don't say that." Humigpit ang hawak nito sa kamay ko. "Sasagutin mo lang 'yong tanong nila, hindi ka magdedefense." Inilayo ko ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito. He really loves annoy me.


Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang building. Pagkababa ko pa lamang ng sasakyan, humampas ng hangin dahilan upang hanginin ang buhok ko. Tumingala ako upang makita ang kabuuan ng building.


Nang maramdaman ko ang presensya ni Lance sa tabi ko ay nagsimula na akong maglakad papasok sa building. Tahimik na sumunod lang siya sa'kin. Gano'n na lang ba 'yon? Pagkatapos niya akong asarin, tatahimik na lang siya? Argh.


Pumasok ako sa isang room kung saan aayusan ako. One hour before my interview. So, habang inaayusan nila ako, makakapag-isip pa ako ng maaari nilang ibato na tanong sa'kin.


"Ma'am, pwede na po kayong magpalit ng damit."


"Later," Tinignan ko ang babae sa reflection ng malaking salamin. Hawak na nito ang dress na susuotin ko. "Just put down that dress and leave." Nakita ko naman ang pagkataranta sa mukha nito. Maingat na inilapag nito ang dress sa sofa bago lumabas.


Napabuntong-hininga na lamang ako bago tinitigan ang itsura ko sa salamin. Pinasadahan ko ng daliri ko ang nakalugay kong buhok. Ibang-iba na talaga ako ngayon. Hindi na ako tulad ng dati na hindi nag-aayos sa sarili.


"Are you done?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ng kinaiinisan ko. Hindi ko man lang napansin ang pagpasok nito dito.


"Can't you see? Hindi pa ako nakakapagpalit."


"You don't need to change. Even though you wear that dress, still you're beautiful." I bit my lower lip. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga sinasabi niya.


"Lumabas ka muna, magpapalit lang ako."


"Magpalit ka na. Hindi ako titingin." Aangal pa sana ako nang walang pasabi itong tumalikod. Napairap na lang ako bago dali-daling nagpalit dahil baka bigla itong lumingon.


"Pwede ka nang lumingon." Pinitik ko ang daliri ko sa tapat nito. "I know, I'm beautiful. Hindi mo na kailangang ipamukha." Napakurap naman ito.


"Mahangin ka rin pala."


"I hate you!" Tinulak ko ang dibdib nito sa inis. "Lumayo ka nga sa'kin." Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla nitong hilain ang braso ko dahilan upang mapayakap ako sa katawan nito.


"I love you more."


"I didn't say I love you." Tinulak kong muli ang dibdib nito. "Tara na nga." Humahalakhak itong sumunod sa'kin.


"This is our last question to you." Tinanguan ko lamang ito, senyas 'yon na ipagptuloy niya lang ang sasabihin. "What would you choose, career or lovelife?" Napatigil ako. Hindi ko inexpect na itatanong nila ito. Sa mga naunang tanong, tungkol lang naman 'yon sa pagmomodel ko. "Looks like she doesn't know the answer." I smiled to manifest the embarrassment.


"Lovelife." Napasinghap ang iba. Hindi nila siguro inaasahan ang magiging sagot ko dahil karamihan na sinasagot ay career. "If he truly love me, he should know kung ano ang makakapagsaya sa'kin and that's my career with him." Iniwan ko ang mga ito na may ngiti sa labi. Bago ako makalabas nang tuluyan, narinig kong naghiyawan at palakpakan ang mga ito.


Hinagis ko ang phone ko sa sofa nang hindi man lang sinasagot ni Lance ang tawag ko. Hindi man lang niya nagawang magpaalam sa'kin. Ano ba 'yong pinagka-kaabalahan niya? Importante ba 'yon?


Napaigtad ako nang magvibrate ang phone ko. New message from Lance. Nang mabasa ko ang message, sumakay agad ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Hindi na lang niya ako hinintay para sabay na lang kami na pumunta sa restaurant.


Pagpasok ko nahagip agad ng paningin ko si Lance na may kausap. Napakunot ang noo ko nang hinawakan ng babae ang kamay ni Lance. Lalo akong nainis nang hindi man lang pumalag ang mokong.


Sinadya ko talagang patunugin ang stilettos ko habang papalapit sa kanila. Napaawang ang labi ni Lance nang mapatingin sa gawi ko. Sige, ganyan nga. Sa'kin ka lang titingin.


Tumikhim ako dahilan upang tumingin sa'kin ang babae na kanina pa nakatitig kay Lance. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis rito.


"Hi! I'm Bella." Inilahad ko ang kamay ko ngunit binaliwala lang nito. Pasimple kong ibinaba ang kamay ko. "I'm with him. So, better if you go." Hindi nito pinansin ang sinabi ko. Nakatuon pa rin ang atensyon nito kay Lance. I lose my temper.


"Oh my god! My dress!" Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. The white dress turns into orange dress. Sinadya ko talagang tabigin ang baso na naglalaman ng juice.


"How much that dress?" Hindi makapaniwalang tinitigan ako nito. "Name it. Just make sure this is the last time na makikita kita." Tumalim ang tingin nito sa'kin. Anumang oras ay susugurin na ako.


"Calm down." Napaawang ang labi ko nang hawakan ni Lance ang kamay ng babae. "Hindi niya sinasadya na tapunan ka."


"But-"


"I'll buy you dress, if it is you worry about." Inis na tinalikuran ko sila. Magsama silang dalawa. Argh.


Vote and Comment 😘

Beauty is the Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon