BBR Twenty Four

52 5 0
                                    

Dahil sa modelling na yun, hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Lovelife or career?


Nagpaikot-ikot ako sa bed ko, baka sakaling mawala yung iniisip ko pero hindi effective.


Marahas akong bumangon mula sa pagkakahiga at kinuha ang phone na nasa table ko.


"Hello Gab?" tawag ko sa kabilang linya.


"Who's this?" hindi n'ya nga pala alam na kinuha ko ang phone number n'ya sa co-worker ko.


"This is Ella"


"Oh Ella! Napatawag ka?"


"I'm sorry for disturbing you. I'm just asking if w-wala pa ba akong gagawin dyan sa company?" once a week na lang n'ya siguro ako binibigyan ng gagawin. Seriously? Trabaho pa ba tawag dito.


"I'm sorry, wala naman kasing masyadong ginagawa dito. So, stay ka lang muna dyan"


"Pero nababagot na ako dito" narinig ko ang mahinang pagtawa nito.


"Hintayin mo na lang ang tawag ko okay? I'll hang up na bye" tinignan ko ang screen, pinatayan ako. Bastos na bata amp!


Anong gagawin ko ngayon? Nakapaglinis na naman ako ng bahay at wala naman akong nakikitang pwedeng gawin dito.


Nagscroll ako sa phonebook ko, titignan ko kung sino pwedeng matawagan. Nang may biglang...


Unregistered number calling...


Dahil nacucurious ako kung sino ang tumatawag, sinagot ko na.


"Hiii Ella! Ang tagal mo namang sagutin, kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo" nailayo ko ang phone sa tenga ko. Pati ba naman sa phone ang ingay ingay.


"I'm sorry Mitchie, nagdadalawang-isip pa kasi ako kung sasagutin ko ba. Hindi pa kasi nakaregistered ang number mo"


"So, save it now. Para kapag tumawag ulit ako sa'yo, sasagutin mo na agad"


"Okay? Anyway, napatawag ka?"


"If ever you're free today, pwede kang pumunta dito. Oppsss I'll text the location na lang later okay? I'll wait for you. So, I'll hang up na bye" isa pa 'to. Amp!


Inopen ko ang new message at tinignan ang location para mapuntahan.


Pumasok ako sa isang Building. Hindi ako nababagay sa ganitong lugar. kung titignan mo, ako ang naiiba sa pananamit. Hindi ko naman kasi alam na kailangan pala pang fashion ang outfit.


Dumiretso na ako ng elevator. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil completed location naman ang binigay sa'kin ni Mitchie.


Tumakbo ako ng makita kong papasara na ang pinto ng elevator, hinarang ko agad ang kamay ko para hindi tuluyang magsara.


Nang makita ko ang nasa loob parang gusto ko na agad maglaho. Puros mga hot guys.


Naiilang ako na pumasok sa loob. Gayonpaman mukhang magkakakilala pa ang mga ito. Dahil sa out of place ako, nagkunwari na lang ako na busy sa paghawak ng phone. Para naman hindi halata.


"Miss?" nilingon ko ang lalaking nagsalita.


"Me?" turo ko sa sarili.


"Yes you are. You're the only miss here right?"


"Ah yes" napakamot ako ng batok. Grabeng kahihiyan 'to, lalo na't sigurado akong narinig ng iba naming kasama dito sa loob ang sinabi n'ya "anyway bakit?" tinuro nito ang hawak ko. Tinignan ko naman ang phone na hawak ko "Ito?" tumango ito "Pwede mo namang hiramin. Here!" inabot ko sa kanya ang phone ko. Ang bastos ko naman kung ipagdadamot ko diba?


Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now