BBR Thirty Six

69 3 1
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaluhod dito. Natuyo na ang luha ko pero nandito pa rin ako. Akala ko kami na, hindi pa pala.


May isang pares ng sapatos sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin, umaasang bumalik siya. Nadismaya ako nang si Lance ang nakita ko. Nakatitig lamang siya sa 'kin habang may hawak na payong.


"W-what are you doing here?" Tanong ko rito. Lumuhod ito upang magpantay ang mukha namin.


"Ako ang dapat nagtatanong sayo n'yan. Anong ginagawa mo dito sa gitna ng ulan?"


"I'm waiting for someone..."


"Someone that will not come back?" I bit my lower lip. "Come on. I'll drive you home." Umiling ako. Ayokong umuwi na ganito ang itsura.


"I don't want to go home."


"But," Nagmamakaawang tinitigan ko siya. Bumuntong-hininga ito. "Okay. I'll bring you at my suite." Ngumiti ako nang hindi man lang umabot sa mata ko.


Napayakap ako sa sarili nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan. Tumingin ako sa labas, hindi ko man lang naramdaman na umuulan pala. Manhid na nga yata ako.


"Para kang basang sisiw." May naramdaman akong bumalot sa katawan ko. Sinamaan ko ng tingin ang katabi ko. Tama bang asarin ako? "I'm just telling the truth." Inirapan ko lamang siya bago muling tumingin sa labas. "But, it's kinda cute." Pinaandar na nito ang sasakyan.


"Take a shower first." Inabot ko ang towel na binibigay niya. "Just call me if you need something." Tumango ako. Pagkalabas nito, pumasok na rin ako ng banyo. Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko.


I bit my lower lip nang maalala ko ang nangyari kanina. Ang bilis ng pangyayari. Gano'n ba kadali para sa kanya na hiwalayan ako? Nagkulang ba ako sa pagmamahal sa kanya? Sana panaginip lang to.


Ilang beses kong binatukan ang sarili dahil hindi ko man lang naalala kanina na wala pala akong damit na isusuot. At ngayon, nagdadalawang-isip ako kung bababa ba ako o hihintayin ko na lang siya na umakyat.


Bumaba na ako dahil mukhang hindi ko na kakayanin ang lamig. Naabutan kong nakaupo si Lance sa kusina.


"Lance," Agad na kumunot ang noo nito pagkakita sa ayos ko. "N-nakalimutan ko kasing humingi ng damit kanina." Dumiin ang kapit ko sa towel na nakabalot sa katawan ko. "Saan ka pupunta?" Tanong ko nang tumayo ito.


"I'll just get a clothes." Nahihiyang tumango ako. Malay ko bang may iba s'yang pupuntahan. Hindi rin naman nagtagal, dumating ito na may dala. "Ito lang yung small shirt ko. Okay lang ba sayo?" Tinignan ko ang shirt. Siguro, pagsinuot ko to, para lang akong nagdress.


"Okay na to. Thank you."


"Hindi ka pa ba magbibihis?" Tanong nito nang hindi pa ako tumatayo sa pwesto ko.


"May problema ka ba?" Inginuso ko ang wine na nasa harap niya dahil mukhang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin.


"Hindi naman lahat ng umiinom may problema."


"Eh bakit ka umiinom?"


"May iniisip lang." Muli itong nagsalin ng wine sa baso na kinuha ko naman at ininom. "What the-" Pinunasan ko ang labi ko.


"Hobby ko na ata ang mang-agaw ng inumin."


"Did you drink?"


"Oo pero konti lang 'yon."


"Why did you drink?"


"I just want to." Tumango siya na parang hindi kumbinsido sa sagot ko. Bumuntong-hininga ako. Wala naman sigurong masama kung ibabahagi ko sa kanya ang problema ko diba.


"How many years you've been together?"


"Months lang kami." Napangiwi ako. "Alam ko naman sa sarili ko na hindi kami magtatagal pero..." Huminga muna ako nang malalim bago ako nagpatuloy. "...umasa ako na magtatagal kami." Edward is my long time crush since college. Sana hindi na lang niya ako ginawang girlfriend kung iiwan niya lang din naman ako.


"That's all?" Napaawang ang labi ko. Sa haba ng kinwento ko, 'yon lang ang sasabihin niya? Tumango na lamang ako. "He's really into her huh." Ngumisi ito. Hindi ko alam pero feeling ko, may iba pang kahulugan ang sinabi niya. "All you have to do is forget about him. He doesn't deserve you anyway." Sana nga gano'n lang kadali makalimot.


Nagpatuloy pa ang pag-uusap namin pero hindi lang tungkol sa buhay ko. May nalaman naman ako about sa kanya pero hindi naman gano'n ka-importante.


"I don't believe you." Naiiling na sabi ko na lamang. Sabihin ba naman na wala daw s'yang girlfriend. Sinong niloko niya?


"Do you think I'll bring you here if I have a girlfriend?" Napaisip ako do'n. Ano naman kinalaman ko? "I don't want my girl hurts." Tinungga nito ang natitirang wine.


"Ang swerte naman ng magiging girlfriend mo." I bit my lower lip. Pano kaya kung ganyan din sa 'kin si Edward? Yung tipong hindi niya ako magagawang saktan.


"Hey," Nagtatanong na tinignan ko si Lance. May dumi ba sa mukha ko para titigan ng ganyan? "He's really an asshole for making you cry." Hinawakan nito ang mukha ko. "Don't make this hard for me. Don't cry please..." Napasinghap ako nang lumapat ang labi nito sa labi ko. Itutulak ko na sana siya nang idiin nito ang sarili sa 'kin.


Sinubukan ko ulit s'yang itulak pero hindi talaga ako makawala. Masyadong nakakapang-hina ang binibigay nitong halik. Alam ko na hindi lang ito basta halik.


"Please, forgive me." Anong ibig n'yang sabihin do'n? Inalog ko ang ulo ko baka sakaling mawala sa isip ko 'yon, pero bumabalik pa rin. Argh.


Matapos n'yang sabihin 'yon ay nawalan na siya ng malay. Sa sofa ko na lang siya pinahiga dahil mukhang hindi ko kakayanin ang bigat niya kung ihahatid ko pa siya sa kwarto.


Vote and Comment :)

Beauty is the Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon