BBR Fifteen

54 5 3
                                    

"Mukhang hindi na natin maaalis 'yang ngiti sa mukha mo ah" ngingisi-ngising sabi ni Andrea- bestfriend ko.


Umiling lang ako. Ewan ko ba at hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Siguro dahil sa nangyari last monday.


"I said thank you" lumapit pa lalo ang mukha n'ya sa mukha ko at sa hindi inaasahan. He gave me a smack to my lips.


Ilang minuto siguro akong nakatayo sa may door, hawak hawak ang labi ko.


"Of course, first kiss ko 'yon noh" sabi ko na tila kinikilig. Oo! Alam kong ang babaw ng kaligayahan ko. Hindi ko lang mapigilan yung nararamdaman ko.


"Ano bang meron dyan sa lalaking 'yan at hindi mo magawang tigilan?"


"Simple lang" tinaasan n'ya ako ng kilay na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin "I love him" proud ko pang sabi. Nagtaka ako ng bigla s'yang tumawa ng malakas.


"W-why are you laughing?" kunot-noong tanong ko. Nang hindi n'ya sinagot ang tanong ko, hinintay ko s'yang matapos sa kakatawa.


"Proud ka pa n'yan ah" sabi n'ya na may halong tawa "Eh s'ya nga ni walang pakialam sa'yo" iiling-iling na sabi n'ya.


Dahil sa sinabi n'ya, napaisip tuloy ako. Ako! Proud akong sabihin na mahal ko 'yong tao pero wala namang pakialam sa'kin 'yong sinasabi kong mahal ko. Napabuntong-hininga na lang ako.


"But bestfriend if you truly love him. Wala na tayong magagawa basta payong bestfriend lang ah wag mong masyadong saktan ang sarili mo" tinignan ko s'ya at ngumiti "Okay! Stop the drama. If I were you ikakain ko na lang 'yan" sabi n'ya habang inislice ang pizza na inorder n'ya.


Nandito kami sa condo ko. Tinawagan ko s'ya tutal sunday naman ngayon at para naman makapag bonding kaming dalawa.


Kumuha ako ng isang slice at kumagat. Hindi pa ako nangagalahati ng kagat nang may biglang nag door bell. Nakakapagtaka! Eh wala naman akong inaasahang bisita.


"Have you expected visitor?" umiling lang ako "ako na" tumayo s'ya at pinagbuksan ang nag door bell. Sino kaya 'yon?


"Bestfriend pinapasok ko na" tinignan ko ang bisita.


"Oh!" nanlalaking matang tinuro ko ang dumating "a-anong ginagawa mo dito?"


Bago ako sagutin, umupo muna ito na animo'y sarili n'yang bahay "Nothing. I'm just visiting you"


"W-what?" tama ba 'yong narinig ko? Pumunta s'ya dito para lang bisitahin ako? Himala!


"I said I'm here its because I'm hungry" sabi n'ya bago kinain ang isang slice ng pizza. Aba!


"Aba! Feel at home" bulong nitong katabi ko kaya siniko ko. Mapanglait pa naman 'to.


"What did you say?"


"She said if you're really hungry just eat" sabi ko na nakangiti. Tumango naman s'ya at kumain nga.


"Naku! Pinadeliver ko 'yan para sa atin, hindi sa kadadating lang grrr" tinignan ko ulit ang katabi ko na nagsasabing hayaan n'ya na "okay" sabi n'ya na nagsasabing aawat na s'ya.


Binalik ko ang tingin ko kay Edward. Oo si Edward nga ang walang pasabing pupunta dito at ang feel at home.


"Why are you smiling?" nabalik lang ako sa katinuan nang bigla s'yang magtanong.


"Huh? A-ahhh m-may iniisip lang hehe" sabi ko na kakamot-kamot sa batok. Nakakahiya! Nahuli n'ya pa akong nakangiti habang nakatingin sa kanya.


Hindi ko kasi mapigilang mapatitig sa kanya. Para kasi s'yang bata kung kumain.


"Anyway why are you standing there? Com'n join with me" hindi na ako nag dalawang-isip pa. Tumabi agad ako sa kanya. Papakipot pa ba ako?


"Say ahhh" sabi n'ya na tinapat pa sa bibig ko ang pizzang hawak n'ya. Totoo ba 'to o nananaginip lang ako? "Hey" nawala na naman ako sa sarili. Ano bang nangyayari sa'kin.


Sinubo ko na lang ang pizzang hawak n'ya. Wait! Lumingon ako kung saan ako nakatayo kanina. Nasan na yung bestfriend ko?


"I saw her she enter that room" tinuro n'ya yung room ko. So iniwan n'ya talaga ako dito.


"I'll check her first" tumayo ako para sana silipin si Andrea sa room ko nang hawakan ni Edward ang wrist ko kaya nilingon ko s'ya "W-why?"


"Bumalik ka agad" wala sa sariling napatango na lang ako. Bakit gano'n s'ya? Base sa tono ng boses n'ya parang ayaw akong pakawalan. Hindi sa nag-aasume ako ah!


"What do you want to watch?" tanong n'ya habang iniisa-isang tignan ang mga CD.


"Basta yung hindi boring" nilingon n'ya ako kaya nginitian ko s'ya. Anyway, kanina lang nagpaalam sa'kin si Andrea na aalis na daw s'ya kasi may kailangan pa daw s'yang gawin. If I know sinabi n'ya lang 'yon para masolo ko 'tong lalaking 'to. Buti naman at naisip n'ya 'yon.


"You don't have horror movies?"


"Huh? A-ahhh ba-bakit horror movies pa at saka marami namang ibang movies dyan ah" nagtaka ako nang bigla s'yang tumawa.


"You know what? You're too obvious" iiling-iling na sabi n'ya.


"Ah hehe I don't understand you"


"Don't deny it. You're scary at horror movie. Am I right?"


"No! Bakit ka pa kasi naghahanap ng iba kung meron naman dyan" nang marealize ko ang sinabi ko, napatikom ako ng bibig. Para kasing iba yung tono ng pagkakasabi ko "Ahhh if you want horror movies, I'm going to buy" ngumiti ako na kinakabahan. Iba kasi yung mga tingin n'ya.


Tumikhim muna ito bago nagsalita "You don't need to do that" may kinuha ito mula sa bulsa n'ya- phone at may tinawagan. Napasandal na lang ako sa sofa habang kagat-kagat ang labi ko.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα