BBR Thirty One

66 3 1
                                    

"You may start." Tinitigan ko lamang ang taong nasa harapan ko. "How's your date with your boyfriend? Oh. Bakit ko pa tinanong kung alam ko naman na yung sagot. Nag-enjoy ka, diba?" Nginitian ko muna siya bago kumuha ng fries na nasa harapan ko.

Nandito kami sa kwarto ko. Papasok na dapat ako sa trabaho nang bigla itong dumating. Pinilit ako nito na 'wag na munang pumasok at nang hindi ako pumayag. Tinawagan nito si Gabriel para ipaalam ako at ang loko pumayag naman.

"Ewan" Walang gana kong sagot.

"Anong klaseng sagot 'yan?" Nagkibit-balikat lamang ako.

Isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari at isang linggo na ring hindi nagpaparamdam sa akin si Edward. Maaaring iniisip na niya ang second plan na gagawin niya.

"Ella? Are you okay?" Umiling ako. Hindi ko na kayang sarilinin ang sakit. "What happened?"

"Niloko nila ako," Nahihirapan kong sambit. "Niloko ako ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ko."

"P-paano nangyari 'yon?"

"Narinig ko silang nag-uusap." Habang ikinukwento ko lahat ng narinig ko, hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na luha sa aking mata. Mahihimigan mo lamang ang lungkot sa aking boses.

Tinignan ko ang reaction ni Mitchie, tahimik lamang ito na parang inoobserve pa ang lahat ng sinabi ko. Nagulat ako nang bigla itong tumayo.

"Anong gagawin mo?!"

"Susugurin ko 'yang malditang stepsister mo!" Hinarangan ko siya nang akmang lalabas ito. Nasa kabilang kwarto lang si Ashley at paniguradong 'pag nakita ito. Hindi magdadalawang-isip na sugurin nga ito.

"Don't. Please." Pagmamakaawa ko. Tinaasan ako nito ng kilay.

"What?! Hahayaan mo na lang ang pinaggagawa nila sa'yo?" Umiling-iling ako.

"Oo! Mas gugustuhin ko pang magbulag-bulagan kesa mawala sa'kin si Edward!" Tumulo na ang aking luha. "Ayokong mawala siya sa'kin. So, please.. don't tell them." Tuluyan na akong bumigay nang yakapin ako nito. Hindi ko kayang mawala siya sa'kin.

"I will not tell them. Just stop crying, okay?" Tumango-tango ako at niyakap siya pabalik. Thank God! Kahit papa'no nabawasan ng konti ang sakit na nararamdaman ko.

Tulad nga ng napag-usapan, hindi mo mahahalata na may alam na kami dahil sa ikinikilos na parang normal lang. Pag naman nakikita kami ni Mitchie na magkasama ni Edward, inilalayo ko ang huli. Mahirap na, baka madulas pa ang bruha.

"Hi Ella!" Napakamot ako ng ulo nang makasalubong namin si Mitchie. "Pwede ba akong sumabay maglunch?" Nilingon ko si Edward na nasa tabi ko lang. Siya kase ang nag-aya sa'kin maglunch.

"Sure!" Mabilis na ikinawit ni Mitchie ang braso niya sa braso ko.

Habang hinihintay ang order namin, kinuha ko muna ang phone ko para icheck ang facebook account ko. Matagal na simula nung binuksan ko ito.

Saktong pag-unlock ko sa screen, may nagpop-up na new message. Tinignan ko ang nasa harap ko, busy rin ito sa kanyang phone. Bruhang to, pwede naman akong kausapin nang harapan.

Ella! Sama ka sa'min next sunday.
- Mitchie

Where?

Birthday ng isa naming friend.
- Mitchie

"I'll be back." Tinapunan ko lamang ng tingin si Edward bago tumango.

Nagulat ako nang kuhanin ni Mitchie ang phone na hawak ko. Kukuhanin ko na sana ito nang inilayo nito ito sa'kin. "What's your problem?"

"Nothing," Itinago nito ang phone sa loob ng kanyang pouch. "You didn't reply on my message." Sumandal ako sa upuan.

"I'm sorry, hindi ako makakasama."

"What?!" Napalakas ang boses nito kaya ang iba ay napatingin sa amin. Nagpeace sign lamang ito bago ako muling binalingan. "Hindi pwedeng wala ka do'n. Pa'no mo mababantayan si Edward?" Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi nito.

"Bakit naman nasama dito ang name ni Edward?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Like what I've texted to you. Birthday ng isa naming friend which means friend din ni Edward and Gab. Malamang na nainvite na rin ni Lance sila."

"But, I'm not invited." She rolled her eyes.

"Mayghad! Hindi ako mag-aaksaya ng oras para pumunta dito. Ininvite kita dahil gusto ko and para rin naman sa'yo to." Tama ba na sumama ako sa kanya? "Don't worry, I already talked Lance about this and guess what? He agree." Napabuntong-hininga na lamang ako. "So, agree ka na rin ba?" Paulit-ulit na nagtaas ng kilay ito.

"Do I have a choice?"

"None." She clapped her hands na parang bata.

Saktong dating ng order namin ang pagdating ni Edward. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala idinaan na lamang ng bruha sa text ang nais n'yang sabihin dahil ayaw n'yang ipaalam kay Edward na isasama niya ako sa birthday party.

Isusubo ko na sana ang pagkain nang umepal na naman ito. May inilagay siya sa table na tapat ko, ang phone ko.

"Baka makalimutan ko at hindi kita makontak." Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy na sa pag-kain.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain nang may magsalita. Hindi ko ito pinansin dahil masyadong masarap ang pagkain.

"Oh my god! Lance is that you?!" Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo si Mitchie sa inuupuan niya. "Anyway, this is Gabriella." Napatigil ako sa pagsubo nang hawakan ni Mitchie ang braso ko. Napaayos ako ng upo bago tiningala yung Lance. Napaawang ang labi ko dahil sa pigurang nakikita ko.

"Hi Gabriella!" Babatiin ko na rin sana ito nang unahan ako ni Edward.

"Dude, kamusta?" Tinignan ko ng masama ito. Ako ang unang binati, hindi siya.

"Okay lang dude," Binalingan ulit ako nito ng tingin. "I'm Lance." Inilahad nito ang kanyang kamay upang makipagshake-hands.

"Gabrie-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hawakan ni Edward ang kamay ko.

"She's my girlfriend, Gabriella." Itinaas nito ang magka holding hands naming kamay. Bumilis ang tibok ng puso ko nang may pahabol pa ito. "And, she's mine."

"Dude, you knew me. That's not my hobby."

"Anong-" Hindi na naman ako pinatapos magsalita. Aish. Gusto ko lang naman malaman kung anong hobby ang tinutukoy nitong Lance.

"Yeah!" Napaupo na rin ako nang umupo si Edward. "Let's finish our food." Sumabay na rin sa'min itong Lance sa pag-kain.

May mga nalaman ako tungkol kay Lance. Noong college, naging malapit na ito kila Mitchie, Gabriel at Edward. Ngunit nang makapag-tapos na ang mga ito, lumipad itong Lance sa States. Tatlong taon itong nanirahan doon at dito na muli s'yang maninirahan para sa business na ipapatayo nito.

"How 'bout girlfriend? Do you have one?" Ngumisi si Lance sa naging tanong ni Mitchie. Mayghad Mitchie, hindi ka na nahiya sa tanong mong 'yan.

"I am not into serious relationship. So, I have a lot of girlfriends." Sayang! Gwapo pa naman sana, babaero lang. Teka! Ba't ba ako nanghihinayang na babaero siya? Eh may boyfriend naman ako. Ah basta gwapo lang siya at si Edward ang mahal ko.

Hi readers! Still there? Haha. Anyway, don't forget to vote and comment.

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now