BBR Forty

49 1 0
                                    

"Fuck. Bakit mo ginawa 'yon?" I rolled my eyes bago tinignan ang binato kong popcorn sa kanya. Nandito kami sa unit ko dahil gusto niya raw mag-movie marathon kami, pero parang ako lang ang nanonood.


"Akala ko ba gusto mong mag-movie marathon?" Inilapag nito ang kanyang phone sa sofa bago ako tinabihan. Nakaupo lang kasi ako sa lapag.


"What's that?"


"Hanzel and Gretel." Sabi ko na nakatutok lang sa screen. Nasa part na ako na napagkamalan 'yong babae na witch.


"Bakit hindi na lang horror ang panoorin natin?"


"Just watch Lance." Sabi ko habang ngumunguya. He already knew that I'm scared in horror movies, tapos panonoorin niya pa ako no'n? "Where are you going?" Tanong ko nang tumayo siya.


"I'm going to pee, wanna come?"


"Gusto mong hindi na maihi?" Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sinasabi n'yang susuko na siya. Humahalakhak na umalis ito sa harap ko.


Pinause ko muna ang pinapanood ko nang may nag-vivibrate na phone. Tinignan ko ang phone ni Lance na nasa sofa. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita kong picture.


Lumilipad ang isip ko na nakatingin sa screen. Hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko. Argh! What's the meaning of that picture?


"Lance," Tumingin ito sa 'kin ng nagtatanong. "I'm eating."


"I know."


"Eh bakit mo nilalayo sa 'kin 'yan?" Tukoy ko sa popcorn na nasa tabi niya.


"This popcorn more on cheese, I don't want you to get-"


"Urinary Track Infection." Ipinagpatuloy ko ang sasabihin niya. "Overacting ka na masyado. Popcorn lang 'yan- Lance." Sinamaan ko siya ng tingin nang nilayo na naman niya ang popcorn.


"Stay here." Sabi nito bago tumayo. Dala-dala niya pa talaga 'yong popcorn. Pinagpatuloy ko na lamang ang panonood. "Here." Bumaba ang tingin ko sa dala niya.


"Nag-order ka pa talaga ah."


"Eat it." Sabi niya habang binubuksan ang box. Hindi niya pa nabubuksan, natatakam na ako. My favorite hawaiian.


Pinagpatuloy na namin ang panonood hanggang sa abutin na kami ng hapon, kaya nagpaalam na rin siya na uuwi na.


"Mag-ingat ka sa pagdadrive, okay?"


"You don't have to tell me dahil lagi kong aalagaan ang sarili ko, para sayo." Nag-init ang mukha ko. Hindi ba pwedeng umalis na lang siya na hindi ako pinapakilig. "Call me if you need anything, okay?" Tinanguan ko lamang siya. He kissed me on my lips before he leave.


It's already midnight pero hindi pa rin ako makatulog. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng gatas. Feeling ko, hindi talaga ako makakatulog kaya kailangan ko ng pampatulog.


"Manang," Tawag ko sa babaeng kasalukuyang nagwawalis sa harap ng bahay namin. Tumigil ito sa ginagawa bago ako nilingon.


"Ikaw ba 'yan ija?"


"Manang, namiss ko po kayo." Patakbong lumapit ako rito bago siya niyakap nang mahigpit. Feeling ko, ang tagal kong nangulila sa kanya.


"Hindi na ikaw 'yong bata na inalagaan ko."


"Manang naman," Naiiyak na sambit ko. "Kamusta na po kayo?"


"Ngayong nandito ka na, maayos na ako. Pinag-alala mo ako ija. Saan ka ba nanggaling?"


"Sorry po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo. Biglaan po kasi." Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sumama ako kay Lance sa U.S.


"Gano'n ba? Sa susunod magpapaalam ka na ah, para hindi ako mag-isip ng kung anu-ano. Buti na lang tinawagan agad ako ng daddy mo."


Tumangu-tango ako. I felt guilty dahil hindi ko man lang naisip na may mag-aalala sa 'kin.


"Nagbreakfast ka na ba? Tara, ipaghahanda kita ng makakain." Aangal pa sana ako nang- "Bawal tumanggi sa grasya."


I let a heavy sigh bago tumangu-tango. Tahimik na sumunod na lamang ako. Sana wala sila ngayon sa loob. Ang pinunta ko lang naman talaga ngayon, si manang.


"Hindi pa rin po talaga kayo nagbabago manang. Masarap pa rin po 'yong luto niyo."


"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Bolera ka pa rin."


"I'm not bluffing," Napanguso ako nang may maalala ako. "Manang," Napatigil ito sa ginagawa at tumingin sa 'kin. "Where are they?" Tukoy ko sa mag-ina dahil hindi ko pa sila nakikita.


"Saan pa ba nagpupunta ang dalawang 'yon?"


"Eh si Ashley at Edward. Sila pa rin po ba?" Don't get me wrong. Si Lance na ang mahal ko.


"Simula no'ng nawala ka, hindi na nagpupunta si Edward dito."


"Huh? Bakit naman po?" Ipinilig ko ang ulo ko. As if I care.


"Hindi ko rin alam."


Nang matapos kong kumain, nagpaalam muna ako na pupunta lang ako sa kwarto ko. Namiss ko rin kasi 'yon.


Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko. Isang taon na ang lumipas pero ganito pa rin ang ayos noong iniwan ko ito. Like they didn't touch my things.


"Namiss ko kayo." Bulong ko sa mga pillows na yakap ko.


Nakahiga ako ngayon sa kama at ninanamnam ang lambot ng kama at unan. Namiss ko ang matulog dito.


Third person's pov


Nagtaka ang matanda nang ilang oras na ang lumipas pero hindi pa bumababa ang dalaga, kaya napagpasyahan nitong silipin ito sa taas.


Bumungad sa kanya ang dalaga na mahimbing na natutulog. Lumapit siya rito para kumutan. Matapos no'n ay iniwan na niya ito.


Sa kabilang banda, nakapark ang isang sasakyan sa hindi kalayuan. Nakatanaw ang isang tao sa bahay.


"Damn. She's really here."


Ilang oras itong naghintay nang matanawan nito ang dalaga na lumabas ng bahay. Pinaandar na rin nito ang sasakyan nang umandar ang sasakyan ng dalaga.


First person's pov


Nang maipark ko ang sasakyan, hindi muna ako bumaba. Ilang oras akong natulog kanina pero inaantok pa rin ako. Bumaba ako na nanlalambot.


Hindi pa ako nakakalayo nang may humigit sa kamay ko. Sinandal ako nito sa isang sasakyan at tinakpan ang aking bibig. Pilit na kumakawala ako sa hawak nito ngunit sadyang malakas ito.


Kinagat ko ang kamay nito na nasa bibig ko. Napadaing naman ito sa sakit, kaya pagkakataon ko na upang humingi ng tulong.


"Help-"


Nanlambot ang mga tuhod ko nang may maramdaman akong malamig na bagay na lumapat sa labi ko. No, this can't be.

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now