BBR Thirty Two

66 2 0
                                    

It's Lance birthday. Ayoko sana pumunta, eh kaso hindi ko matanggihan ang bruha. Siya naman daw ang bahala sa lahat.


"May I see this?" Turo ko sa relo. Nakakahiya naman kung kanina pa ako patingin-tingin sa mga relo kung hindi ako bibili diba? At saka, kanina pa ako naaalibadbaran sa saleslady na kanina pa nakamata sa'kin. Anong akala niya sa'kin, nanakawin ko ang mga relong nakatago dyan sa likod ng salamin? Tch!


Sinuri kong mabuti ang itim na relo. Tinanong ko si Mitchie kung anong favorite color ni Lance, sabi niya black. Buti naman at alam niya, kung hindi manghuhula na naman ako.


Nang mabayaran ko na ang relo, agad kong nilisan ang lugar na 'yon.


Mitchie's Calling...


Inilapat ko ang phone sa kanang tenga ko. Hinintay ko lamang na may magsalita.


"Bruha ka! Nasan ka?"


"Masyado pang maaga para pumunta kila Lance."


"Gaga! Porket tumawag ako ngayon, pupunta na tayo kila Lance? Tatanungin ko lang kung nasan ka, baka kase hin-"


"Don't worry, pupunta ako." Pinatay ko na ang tawag. Bastos na kung bastos. Naninigurado lang naman ang bruha eh.


Nang makarating ako ng bahay, ibinalot ko agad ang relo sa wrapper. Meron pa akong tatlong oras para matulog. Evil laugh!


Naalimpungatan ako nang may marinig akong kalabog na nanggagaling sa pintuan. Hindi ba pwedeng pumasok na lang kung sino mang nandyan sa labas? Tch.


Gulat na napahawak ako sa ulo ko. Taena! Ang sakit non ah! Tinignan ko ng masama ang gumawa no'n.


"Bruha ka! Anong oras na pero nakahilata ka pa rin dyan." Daig pa nito ang nanay kung makapanermon. "Makikipagtitigan ka na lang ba sa'kin?" Humikab ako na parang antok na antok. Hihiga na sana ako nang may sinabi ito na nakapagpakilos sa'kin. "Kikilos rin naman pala eh!" Huling salita na narinig ko mula sa kanya.


Pabalibag kong isinara ang pinto ng cr. Narinig ko naman ang nakakalokong tawa nito mula sa labas. Nakakainis! Sana hindi ko na lang sa kanya sinabi 'yong nalaman ko, edi sana wala s'yang panghahawakan na panakot sa'kin.


Lumabas ako ng cr habang nagpupunas ng buhok. Nasalubong ko ang masamang titig nito. Ano na namang problema nito? Hindi ko ito pinansin at dumiretso lang sa tapat ng salamin.


"Bukod sa paliligo, ano pang ginagawa mo?" Tinignan ko ito ng nagtatanong sa reflection ng salamin. "Maliligo na lang ang tagaaal."


"Thirty minutes lang naman." Nakanguso kong sabi. She rolled her eyes na parang suko na sa'kin. Maganda nga 'yon eh, para hindi niya na ako isama.


"Anyway, you have to wear this dress for tonight." Napaharap ako sa kanya nang makita ko sa reflection ng salamin ang dress na hawak niya.


"Why is that?"


Nakatitig lamang ako sa dress na nakalagay sa kama ko. "Suotin mo na bilis, malelate na tayo." Marahan akong tinulak nito pabalik sa cr at inabot sa'kin ang dress na hawak niya.


"Okay lang ba?" Tanong ko habang hinihila pababa ang laylayan ng suot ko. Mas gugustuhin ko pang magsuot ng short shorts kesa magsuot ng maiksing dress.


Dumiretso na ako ng tayo, kaya naman pala wala akong sagot na nakuha kanina. Nakatitig ang bruha sa katawan ko na animo'y mangha na mangha. Binato ko ito ng unan, natawa ako sa naging reaction nito. Hindi man lang ininda ang pagbato ko sa kanya.


"Ikaw ba talaga 'yan?" Dahan dahan akong inikutan nito. "You look sexier than me." I rolled my eyes bago tumungo sa whole body mirror. Hindi nga siya nagsisinungaling, mas sexy ako sa kanya.


"Tamang tama lang ang dress na binigay ko sayo." Tinanong ko kung magkano ito ang sagot niya lang "Like what I've said, ako na ang bahala sa lahat." Oo nga noh? Pinilit lang naman niya ako na sumama at saka baka mamaya hindi ko pa ngayon mabayaran itong dress pag nalaman ko ang presyo. "Sit. Aayusan pa kita."


"Bruha, umayos ka nga. Kahit anong gawin mo, hindi na 'yan bababa." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Napansin niya pa yun? "Oo at pag nakapasok na tayo sa loob, wag mo nang gagawin 'yan."


"Nababasa mo yung iniisip ko?" Napahawak ako sa ulo ko nang bigla niya akong dagukan, pero mahina lang.


"Gaga! Halata kase sa mukha mo." Saglit akong napatigil nang maaninag ko ang isang pamilyar na sasakyan. Tumigil ito sa isang tabi, tulad ng sa'min. Ewan ko ba at hindi pa kami lumabas. "Look. You're his girlfriend but he's with someone else." Ilang beses akong kumurap, baka kase namamalik-mata lang ako. But no, kahit nakamask ang mga ito, nakikilala ko pa rin.


Bubuksan ko na sana ang pinto ng sinasakyan namin nang may umawat sa'kin. "Where are you going? Pag sinugod mo sila, ikaw lang ang magmumukhang kawawa. Mag-isip ka nga!" Tinapunan ko lamang siya ng tingin bago muling tumingin sa labas.


Wala akong nagawa kundi tignan na lang sila sa malayo. Napakuyom ang kamao ko. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung pa'no alalayan ni Edward si Ashley, na animo'y isa itong babasagin na bagay na kailangan ingatan para hindi mabasag.


Nang mawala na sa paningin namin ang dalawa, nag-aya na si Mitchie na bumaba na. Isipin pa lang na magkasama ang dalawang 'yon, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.


Nang nasa bungad na kami ng pinto, sabay sabay na napalingon sa gawi namin ang mga taong nasa loob. Animo'y may dumating na artista. Napayuko ako dahil naiilang ako sa paninitig nila.


"Hey, chin up." Bulong ni Mitchie. Sanay na siguro ito sa ganitong bagay. "Remember, you have a body that can make a boys drool." Hindi ko alam kung binibiro lang ako nito o ano.


Hindi pa kami nakakalapit sa upuang nakareserve para sa'min, eh marami nang bumabati dito sa kasama ko. Ganito ba to kafriendly at kulang na lang lahat ng makakasalubong namin, eh kilala niya?


"Hindi ko makita si Lance." Sabi nito habang inililibot ang paningin. Sa dami ng tao, imposibleng mahanap niya si Lance kung uupo lang siya.


"Bakit? Crush mo?" Lalong kumunot ang noo nito dahil sa tanong ko.


"Ako? May crush kay Lance? A big no!" Nandidiri itong sumagot. Napatikhim na lamang ako. Hindi niya ako masisisi dahil kung maghanap siya kay Lance, eh daig pa ang girlfriend nito. "Prepair yourself." Tinignan ko ito nang nagtataka. Tatanungin ko sana ito nang- "Edward!"


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now