Chapter 1

13.8K 192 2
                                    

Chapter 1

"Hala Lei, mag-isa na naman si crush mo oh," Angel said. I looked to where she's looking at. Mag-isa na naman si Andrei. Malungkot na naman siya. Nalulungkot na rin tuloy ako.

"Lapitan mo na," she urged but what? Lalapitan ko siya? For what? Mamaya niyan akalain niya pang stalker niya ako. Which is, kinda true.

I always stalk him. Pero hindi naman to the point na naging creepy na ano. Marunong naman kasi akong lumugar.

"Ayoko nga. Ma-turn off pa sa akin 'yan tapos iisipin niya ang desperada ko. Nako, wag na 'no," I hurriedly said. Nakakahiya rin kaya. At saka, kahit na magkaklase lang kami, hindi nga niya ako ata kilala. Ang lungkot naman talaga ng buhay.

"Sa panahon ngayon, wala nang kaso kung babae ang unang kumilos. Paano, kapag hindi ka kumilos, walang mangyayari. Kaya go na girl. Samantalahin mo na," she murmured. I shook my head. Pero hinihila na niya ako papunta sa kinaroroonan ni Andrei.

"GG ka ba? Ayoko nga kasi. Baka mapansin niyang gusto ko siya," I hastily said. Para na kaming mga tangang naghihilahan dito. Andito pa naman kami sa gitna ng hallway.

"Mas mabuti nga 'yon at maging aware siya na may isang katulad mong nag-i-exist at may crush sa kanya," she reprimanded. Marahas kong hinila ang kamay ko mula sa kanya and glared at her.

"Wag na nga kasi. Kuntento na akong makita siya sa malayo. Sino ba naman kasi ako para magustuhan rin niya? Eh ang layo naman ng beauty ko sa beauty ni Katrina. I'm sure hindi niya ako magugustuhan. Okay na ako sa crush ko siya at hindi niya alam. Kesa naman sa magka-false alarm pa at masaktan lang ako," I stated. Napatanga sa akin si Angel at dahan-dahang napatango.

"Kunsabagay, may point ka," she finally agreed.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. And I chose to just look at him from afar.

Sige lang Andrei, darating rin yung araw na makikilala at magiging kaibigan mo ako.

"Ayaw lapitan pero tingin nang tingin," I heard Angel whispered.

"Uy, narinig ko 'yon," I said.

"Ewan," she shrugged.

We finally headed to our classroom. Maingay sa loob at ayaw ko sa ingay. Pero hinila pa rin ako ni Angel papasok ng classroom. My God, mababasag ang eardrums ko sa lakas ng boses ng mga kaklase ko. Di sila magkamayaw sa pakikipag-usap sa isa't-isa na para bang ang tagal nilang hindi nagkita at wala nang bukas.

"Labas lang ako saglit. Ang ingay," I whispered to Angel. Tumango lang siya at naging busy na rin sa pakikipag-usap sa iba.

I'm the kind of girl na unang tingin mo pa lang, aakalain mong tahimik but truth is, maingay ako. Iyon kasi ang madalas na sabihin sa akin ng lahat. Kesyo mukha raw akong anghel at ang amo-amo raw ng mukha ko. Napi-pressure tuloy akong magpakabait.

Nasa may pinto na ako and was about to take another step when I bumped into something hard which made me fall to the floor. Shet, unang lumanding ang pwet ko. At feeling ko mababasag ang balakang ko sa lakas ng impact. Napadaing ako sa sakit. Naman oh, hindi na nga ako pinapansin ng crush ko, mapipilay pa ata ako.

"Hala sorry, Lei," I heard one of my male classmates said. Siya pala ang nakabangga ko.

He helped me stand up at nang makatayo na ako ay saka ko lang napansing napatahimik pala ang lahat dahil sa nangyari sa akin.

Oh my, ayoko pa naman ng nasa akin ang atensyon ng lahat.

"Are you okay, Lei?" Tanong ng nakabangga sa akin.

"Oo, okay lang ako. Kaya ko," I answered.

"Sigurado ka? Gusto mong dalhin kita sa clinic?" He queried and I just shook my head. Ayaw ko nang naki-clinic. Paano, tinatawagan agad ng school ang parents ng kung sino mang ma-confine sa clinic. At ayaw kong tawagan nila ang parents ko. God, sila pa naman ang pinaka-paranoid sa lahat ng paranoid na parents. At isa pa, ayaw ko rin silang mag-alala sa akin.

"No, I'm fine," I insisted

"Hala Lei, anong nangyari? Lumanding ka raw sa floor?" Natatawang tanong ni Angel. Itong bruhang 'to, instead na i-comfort ako, pinagtatawanan pa ako.

"Ang caring at thoughtful mo talagang best friend. Thank you ha? I love you," I murmured sarcastically.

"Pero di nga? Lumanding ka talaga?" Ulit niya.

"Oo nga kasi."

"Pero okay ka naman?" She asked.

"Oo. Balakang ko lang ang na-damage pero so far, kaya ko naman," I replied. Liar, Lei. You're such a liar.

Pero shit na malagkit, masakit. Ayaw ko lang talagang dalhin ako sa clinic.

"Sigurado ka talagang okay ka?" Tanong ulit ni Jay na nakabanggaan ko.

"Oo nga. Kaya ko," I lied again. "Sige na. Wag na kayong mag-alala. Maglalakad-lakad lang ako. Mawawala rin 'tong kirot mamaya," I said. Tinalikuran ko na sila at nagsimula nang maglakad.

Hawak-hawak ang balakang ko, I decided to go to where Andrei is. Hindi naman ako magpapakita sa kanya. Hindi ko rin ipapahalata na tinitingnan ko siya. I'll just look at him from afar. By that, kuntento na ang baliw kong puso.

When I was already a few meters away from him, huminto na ako sa paglalakad at pasimple na lang tumitingin sa kanya. Naka-side view naman siya kaya hindi naman siguro niya ako mapapansin.

He was still sitting there, holding his phone and probably looking at something. Malungkot pa rin ang mukha niya. Lalong-lalo na ang mga mata niya.

Alam kong si Katrina na naman ang tinitingnan niya sa phone niya. I'm aware of it. Mahal na mahal niya kasi ito at isa ako sa mga witnesses ng pagmamahalan nila. But Kat has to leave. Magma-migrate daw sila sa States. And she has no other option but to break up with him.

Alam kong sobrang nasaktan si Andrei. Alam 'yon ng lahat. Kasi halata naman. He loves her dearly pero iniwan lang siya. If I were Katrina, hinding-hindi ko iiwan si Andrei. Iyon nga lang, hindi naman ako si Katrina. And it's beyond impossible.

Right then, hindi na masyadong ngumingiti si Andrei. The jolly Andrei was gone. He's probably blinded because of the pain Katrina caused to him.

I sighed thinking about it. Iyong taong gusto ko, binabasura lang ng iba. How was that? Bakit parang ang cruel ni tadhana? Bakit di niya na lang panain ang dalawang pusong parehong handang ipaglaban ang pagmamahalan nila? Bakit nga ba hindi na lang ako ang ipinares ni Kupido kay Andrei? Bakit hindi ako na handang ipaglaban siya kahit ano man ang mangyari?

Nasasaktan ako habang tinitingnan si Andrei na nasasaktan. That's why I decided to leave. I don't want to continue looking at the person I like, who's still liking someone who just broke his heart.

I turned to leave pero biglang kumirot ang balakang ko and I wasn't able to take a step. Namimilipit ako sa sakit. And when I wasn't able to handle the pain, napasigaw na lang ako.


Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon