Chapter 4

4.7K 113 2
                                    

Chapter 4

Buong klase ay nag-concentrate ako. Ibubuhos ko muna ang atensyon sa pakikinig. Walang mangyayari kung iisipin ko lang nang iisipin ang nangyari kanina.

I just can't deny the fact that I got hurt. Akala ko pa naman may connection na between us. Akala ko magkaibigan na talaga kami, iyong tipong magpapansinan sa tuwing nagkikita. Kaso mukhang nagkamali lang ata ako ng akala. Masyado akong umasa.

"Naks, kunyari nakikinig. If I know, iniisip mo si Andrei," bulong ni Angel. I rolled my eyes at her. Wala ako sa mood para marinig ang pangalan niya. Masyado akong nadisappoint sa pag-ignore niya sa akin.

"Now, you will have a partner. This is for our final project this school year," our teacher announced. Hinila agad ako ni Angel and said we're partners. Ngiting-ngiti pa siya. If I know, kung ako makakapartner niya, ako lang gagawa.

"But this time, I will be the one to choose your partners," our teacher announced. I just hope na responsible ang magiging partner ko. Ayoko na iyong ako lahat ang gumagawa.

The teacher began announcing the pairs. Nauna nang tinawag si Angel and she looked so disappointed.

"Agustin and del Fuerto."

Pero at least kahit ngayon lang hindi man lang kami magsama. Nakakasawa rin naman kasi 'yong halos lahat ng activities eh kami ang magkasama. Just merely thinking about it makes me happy. Sana talaga this time hindi lang ako ang nag-iisang responsable para di lang ako ang gagawa. Hindi pa naman ako ganoon katalino at kagaling.

"Okay, you may now go and meet with your partners," the teacher announced. Na-skip niya ba ang pangalan ko? Di niya ata ako tinawag.

"Uhh, Ma'am!"

"Yes, Miss Agustin?" The teacher asked.

"Wala po akong partner," I said. Saglit na kumunot ang noo niya saka tiningnan ang record niya.

"I paired you with Mr. del Fuerto," she replied. Saglit akong nabingi. Did I hear it right? What?

"Mr. del Fuerto po?" I queried, making sure what I heard was true.

"Yes. Do you have an issue with it?" Tanong niya na agad kong sinagot ng iling.

"W-wala naman po. Hindi ko lang po talaga narinig," I excused. Saan ba kasi lumipad ang isip ko at hindi man lang pumasok agad sa isip ko ang sinabi ni Ma'am. Mapapahiya pa ata ako nito eh.

Pero what? Ka-partner ko siya? Talaga? Like for real? Di ko tuloy alam kung sasaya ba ako o kakabahan.

Tumayo na ako sa upuan ko at hinanap kung nasaan si Andrei. He was sitting again at the corner. Hay nako. Di ko alam kung aware ba siya sa pinag-usapan namin kanina sa klase. He seemed lost.

"Andrei," tawag ko sa kanya na agad nagpalingon sa kanya.

"Lei," he murmured. For the second time ay parang nawala ulit ako sa pag-iisip. He called my name! He remembered me!

"Partner," I mumbled out of the blue. Sinapak ko pa siya sa balikat as I sat in front of him. Kunyari cool pero sa loob-loob ko ay kinakabahan talaga ako. I even faked a chuckle as I got a smile from him in response to my 'coolness'.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at agad ko nang in-open ang tungkol sa project. Mukha naman siyang okay and he even talked a lot, of course about the project. Gustuhin ko mang chikahin siya ay hindi ko magawa kasi pinangungunahan ako ng hiya.

In the end ay napagpasyahan naming salitan kami ng place na paggagawan ng project hanggang sa matapos. This weekend ay sa kanila kami gagawa and next weekend naman ay sa amin. Natutuwa ako pero at the same time ay natatakot. Baka kasi pumalpak ako. Ayaw ko pa namang pumalpak sa harapan niya. Hindi na nga ako gaanong katalinuhan tapos papalpak pa ako? Baka mawalan na talaga ako ng chance na magustuhan niya.

Matapos namin mag-usap ay agad na siyang nagpaalam dahil sa busy schedule niya. Lalo na at naiwan lahat ng trabaho ng Vice President sa kanya dahil sa pag-alis ni Kat. Hay. Heto na naman ako sa Kat talks.

"Shet ka, girl! Swerte mo! Matalino na nga partner mo, crush mo pa! Edi sino bang hindi gaganahan niyan?" Bungad ni Angel matapos ang klase. Ang laki ng ngiti niya. Palibhasa matalino rin partner niya sa project.

"Tumigil ka nga. Baka may makarinig!" Saway ko sa kanya.

"Ooops," she said as she covered her mouth. Pero syempre ay hindi iyon nagtagal dahil sa kadaldalan niya.

"So ano na? Any progress?" She asked, teasing.

"Sa project, meron. Sa amin, wala," I replied.

"Huy girl! Progress na rin iyong magkapartner kayo no," she stated. As if naman magugustuhan niya ako dahil lang sa naging magkapartner kami.

"Partner lang kami sa project, hindi sa real life," I rebutted.

Pero ang totoo niyan, umaasa talaga ako na magkakaroroon ng progress sa aming dalawa. Kahit man lang maging slightly close na kami ay okay na sa akin. Aarte pa ba ako? Kaso hindi ko alam kung mangyayari 'yon. Ni wala nga ata siyang balak makipagkaibigan sa akin. Kahit pa sabihing naalala niya pangalan ko, hindi ibig sabihin eh interesado na siya sa akin. Ayokong mag-assume pero hindi ko maiwasan.

"Oo nga pala, di na tayo magkakasama madalas kapag free time kasi ayaw ng partner kong gumawa every weekend. Kaya ayun, mako-corrupt ang free time ko every weekdays. Nakakaiyak," she said. Daldal pa siya nang daldal habang ako ay iniisip pa rin ang nangyari kanina. Ito na ba iyong way na sinasabi nila? Na kapag meant mangyari ay si tadhana na mismo ang gagawa ng paraan? Ito na ba 'yon?

Kinikilig ako sa thought na 'yon pero hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kulang.

"Oo nga pala, anong napag-usapan niyo? Kailan kayo gagawa? Kailan niyo sisimulan?" She asked while wiggling her brows. I know she has something else in mind.

"This weekend. Sa bahay nila," I answered, trying not to show any emotions.

"Omo! Di nga?" She asked unbelievably.

"Oo. Salitan kami. Next weekend naman sa amin," I added. Mas lalo pang nanlaki ang kaninang nanlalaki niyang mga mata. Heto na naman tayo sa overreaction niya.

"Kung makareact ka naman," I commented.

"Aba girl, para na ring meet the parents yan! Hindi pa nga kayo pero makikilala mo na ang parents ni Andrei!" She grumbled. My brain suddenly stopped working for a moment. At nang magsink in iyon sa isip ko ay kung ano-ano agad ang pumasok sa isip ko.

Tae. Oo nga. Makikilala ko na ang parents niya! Ibig sabihin ba nito mas malaki na 'yong chance na baka kami nga ang magkatuluyan?

That thought excites me. But at the same time ay bigla akong nakaramdam ng kaba.

Right. I should make an impact to his parents. Para someday ay maging boto na sila sa akin.

Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon