Chapter 22

3.4K 92 5
                                    

Chapter 22

Angel stayed with me in my room. Malapit nang mag-12 midnight but I still couldn't sleep. Damay tuloy si Angel sa pagpupuyat ko.

"Ako na kasi bahala diyan kay Andrei. Gugulpihin ko," she said. Pareho kaming nakaupo lang sa kama, our backs resting on the headboard.

"Okay lang naman sa aking hindi pala siya makakapunta eh. Pero 'yong hindi ko gets ay 'yong di niya pagsabi sa akin. Pinagmukha niya akong tanga," I said. Nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng mga luha ko.

"Tulog na lang kasi tayo. Hayaan mo, sa Lunes pag nakita ko siya, hindi ko talaga siya papalagpasin. Kailangan masaktan ko man lang siya sa hindi pagsipot sa 'yo," Angel said. Nahiga na siya sa kama saka nagtalukbong pa. "Tulog ka na diyan ha. Kurutin ko singit mo pag hindi ka pa natulog."

Gaya niya, humiga na lang rin ako. But I still couldn't sleep.

Halos isang oras rin ata akong papalit-palit ng pwesto sa kama para makatulog pero walang nangyari. When I looked at the clock on my bedside table ay mag-aala una na nga.

I tried to close my eyes several times pero iyong utak ko ayaw mag-cooperate, panay ang isip ng mga bagay na di ko na dapat iniisip sa ganitong oras.

Until I heard my phone vibrated.

Hindi ko dapat iyon titingnan. But my curiosity got me.

Dahan-dahan akong gumalaw at kinuha ang phone ko. Angel is already sleeping soundlessly beside me.

You still awake?

It was Andrei.

Another text came.

I'm here outside your house.

And then another text came again.

I'll wait here. But if you won't come, I understand.

Sunod-sunod ang mga text niya.

You're probably asleep now. But I'll probably stay here for an hour, in case you're still awake.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Kung sa sakit o sa gulat, hindi ko alam.

Hindi ko dapat siya pupuntahan. I should make him wait like how he made me wait for nothing. Pero itong pesteng puso ko, gustong tumakbo palabas at harapin siya.

And my heart won. Now I'm face to face with Andrei.

"Lei..." tawag niya. Nadatnan ko siyang nakaupo sa pavement sa gilid ng gate namin. I looked around to see kung may sasakyan siya but I couldn't find any car.

He stood up at akmang lalapit siya but I stepped backward.

"Lei, I'm sorry," he mumbled. Ayaw kong tingnan ang mukha niya kasi baka hindi ko makayanan at kung ano ang magawa ko. So I just looked at my feet.

"Umuwi ka na, Andrei," I muttered.

"Lei..."

"Hindi pa ako ready pakinggan kung ano ang rason mo. Kaya umuwi ka muna. Wala kang mapapala sa akin ngayon," I said. I tried my best to sound tough in front of him. Ayaw kong makita niyang iniiyakan ko siya.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "I'm sorry, Lei. I swear I didn't mean to do that to you."

I bit my lower lip to keep it from trembling. Pero wala iyong nagawa. I feel like my whole body's shaking in pain.

"I'm really sorry I bothered you this late. I just..." He expelled a heavy breath. "Please go inside. I don't want you to get sick. Aalis na ako."

Pagkasabi niya 'non ay agad akong pumasok sa gate at patakbong pumasok ng bahay. But I stayed behind the door after I closed it.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now