Chapter 14

3.4K 84 3
                                    

Chapter 14

Ito na 'yong moment na parang gusto ko na lang mahimatay o di kaya ay mabangga ng kung ano para mawalan ng malay o kahit anong pwedeng makapaglalayo sa akin sa sitwasyon na 'to. I'm at this point in life na kahit ano na lang ang mangyari ay okay lang sa akin basta ba mailayo ko muna ang sarili ko sa isang matinding kahihiyan.

I know I wasn't being careful. Ibinuking ko ang sarili ko at ang tanga lang 'non. Oo, matagal ko nang gusto si Andrei pero hindi pa ako ready sa confession o confrontation na mangyayari.

Kung ano-ano ang iniisip ko para lang makatakas at halos sambahin ko na ang langit nang dumating ang teacher namin for our first class. Kulang na lang ay magsisigaw ako ng yes! Yes! Yes!

Magkasunod kaming pumasok ni Andrei ng classroom. Hindi ko siya nilingon at dumiretso lang sa upuan ko, where Angel was waiting for me.

"Anong drama niyo?" She whispered nang makaupo ako. Ayaw ko muna siyang sagutin kasi una, sobra-sobra ang kahihiyang nararamdaman ko ngayon at pangalawa, nagsisimula na ang klase. So I just told her I'll tell her later kaya hindi niya na ako ginulo.

Kaso iyon nga, all good things must come to an end. Nang matapos ang klase namin at time for recess na, I forgot to run for my life. Na-corner ako ni Andrei.

Hindi pa ako ready dito!

"Can I talk to you?" He asked. Umiling ako saka tumango saka umiling ulit. Para akong tangang hindi makapag-decide sa isasagot sa kanya. Saka ko naramdamang may tumulak sa akin papunta kay Andrei. Nadikit na naman ako sa kanya at naaamoy ko na naman ang pabango niyang gustong-gusto kong gawing scent ng kwarto ko.

"Arte-arte ka pa. Usap na kayo. Sa canteen lang ako," sabi ni Angel. Magpapa-rescue pa sana ako kaso iniwan niya na talaga ako. She even winked at me before she disappeared in front of us.

Nakalimutan kong nakadikit pa rin ako kay Andrei and he's almost hugging me now. Agad rin akong lumayo when I realized it. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o ano.

Pero syempre nasisiyahan pa rin.

Pero ugh! Naiipit na nga ako sa isang sitwasyong di pa ako ready na harapin tapos nagagawa pa ng utak kong lumandi.

"Ano... kasi... ano..."

Suddenly I lost my tongue. I couldn't utter a word. Napipi na ata ako!

"This won't take long," he murmured. He even smiled at saka iginiya akong maglakad sa tabi niya.

Nawawala na nga talaga ang utak ko kasi kahit na natatakot ako ay sumusunod pa rin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta na lang akong sumusunod kay Andrei. Hindi rin naman siya nagsasalita at tahimik na naglalakad lang.

Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Baka ayaw na niya akong maging partner sa project namin. Baka sasabihan niya akong lumayo sa kanya. Baka sasabihan niya akong hindi niya ako gusto.

Ang daming pumapasok sa isip ko na pwede niyang sabihin sa akin. All those scenarios in my head are too painful. Baka nga maiyak pa ako sa harap niya.

"Here," I heard him said.

I realized nasa may oval kami ng School. Hindi mainit 'yong pwesto namin kasi may malaking puno malapit sa amin. Akala ko nga ay sa hindi matao na lugar kami mag-uusap.

Bawat napapadaan sa oval ay napapatingin sa amin kaya medyo nako-conscious ako.

"Don't mind them. Upo ka dito," Andrei said. Nahihiya naman akong umupo sa ground. Medyo magkaharap pa kami kaya nakayuko lang ako.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now