Chapter 26

4.9K 127 25
                                    

Chapter 26

Sem break flew by so fast. I can't believe I'm actually through first sem. Who would have thought I'll make it to the second semester as a Bio student? Tapos wala pa akong bagsak. Pasang-awa, meron. But I still feel good. Partida, 'di ako matalino kaya masaya na ako sa tres. Minsan kapag nahihirapan ako, naiisipan ko nang mag-shift eh.

"Ang aga mo namang umalis?" I commented when I saw Angel already wearing her uniform. Kumakain na siya ng tinapay na may Nutella. She smiled widely at me, revealing her teeth na may tsokalate pa. Ang dugyot.

"May imi-meet pa 'kong upperclassmen eh. Magbibigay daw ng tips for the second sem," sagot niya. Napakunot-noo ako. I didn't know she's close with her upperclassmen. But well, that's Angel. Pwede nang Miss Friendship. Lately rin napapansin kong nahihilig na siya libro. She's really not like that 'nong high school. Na-discover na siguro ang hobby now that we're in College.

Naupo na rin ako sa harap niya at kumuha ng tinapay. It's still 7 in the morning. 9 am pa ang first class ko.

"Wow. Sana lahat may upperclassmen na ganyan," I murmured. 'Di kasi ako close sa upperclassmen namin. I know my classmates but I'm not really close with them either.

"Makipag-kaibigan ka kasi para marami kang friends."

"Nah. Okay na 'ko sa 'yo. May boyfriend din ako. I'm fine."

"Sana lahat may boyfriend," she murmured as she rolled her eyes at me. Inggit pa rin hanggang ngayon.

Nauna nang umalis si Angel samantalang ako ay nakatanga pa dito.

Andrei and I are supposed to meet later. Kaso he texted me kaninang madaling-araw na magiging busy daw siya today. Hindi ko alam kung bakit gising pa siya ng madaling-araw at lalong hindi ko alam kung bakit first day pa lang ay busy na siya. But maybe he's just doing what he promised- na aayusin niya na this time. He doesn't want to disappoint me and his parents. Goal niya rin daw makapasok sa Chancellor's list because last sem, he couldn't make it. Ni hindi nga raw siya nakasali sa honor roll. He was so sad. First time niya kasing hindi masali sa list ng excellent students. Buti na lang talaga hindi ako matalino at grade conscious. Tres lang, sapat na.

Ilang araw rin kaming hindi nagkikita ni Andrei. The last time was before the enrollment. Eh last last week pa 'yon. Hanggang tawag at video call lang kami. Miss ko na nga 'yon. Gustuhin ko mang kitain siya but our schedule won't allow it.

Di bale na. One day, when we're all successful na, wala nang hahadlang sa amin. We can have all the time for ourselves.

•●•

The first week of classes wasn't that busy. Puro introduction pa lang. Ongoing pa kasi ang enrollment para sa ilang hindi pa tapos sa enrollment.

Isang linggo na naman ang dumaan na hindi ko nakikita si Andrei. Panay ang text ko sa kanya pero ang tipid niyang magreply. Kapag tumawag naman sa akin ay sobrang gabi na that sometimes, he just falls asleep while talking to me. Nakakatampo. So I just decided to go visit him sa UP. Sinakto ko pang free time niya para masilayan ko man lang siya kahit konti. Nag-cut pa ako sa klase, but of course I didn't tell him.

Tinext ko lang siya na I'm just around the area waiting for him. Hindi na siya nag-reply but I still waited patiently.

Alas dos akong nakarating doon. But as I look at my wrist watch, it was already 4 pm.

I waited for two hours now.

Bakante niya 2:30 pm to 4:00. Lumipas na lang 'yon pero hindi ko pa siya nakikita. Klase niya pa naman 4:00 tapos matatapos ng 7 pm. But I was so firm about seeing him so I waited some more. Nang mag-alas sais ay kumain na muna ako ng hapunan, and went back to waiting.

Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon