Chapter 10

4.2K 80 2
                                    

Chapter 10

Natataranta akong lumingon kay Angel para sana humingi ng tulong. Kapag kasi natataranta ako ay mas lalong hindi nagpa-function ang utak ko.

"Ano na naman?" Tanong ni Angel.

"Gel, naiwan ko 'yong requirements ko sa bahay!" Pabulong na sabi ko. Kahit pabulong lang 'yon ay sigurado akong masi-sense niyang natataranta ako.

Pwede kong tawagan ang parents ko para ipakuha 'yon pero I'm sure nasa work na sila ngayon at hindi na pwedeng abalahin.

"Ano nang gagawin mo?" She asked. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko sa frustration.

"Kaya ko nga sinabi sa 'yo kasi hindi ko alam ang gagawin ko," I said.

"Kunin mo na lang kaya habang wala pang teacher?" 

"Hindi ko alam kung palalabasin pa ako ng guard eh," I said. Strict pa naman 'yong guard namin ngayon. Baka hindi um-effect ang pagmamakaawa ko.

"Samahan kita makiusap sa guard?" She asked.

"Yes, please."

Pareho kaming patingin-tingin sa pinto kasi baka dumating na ang teacher. Nang makitang wala ay sabay na kaming lumabas ng pinto at nagtungo sa gate ng school.

Kinakabahan ako. Kasi kung hindi papayag ang guard, hindi ko alam kung paano kukunin ang requirements ko sa bahay. Mapapahiya ako kay Andrei dahil sa katangahan ko. At bad impression 'yon kung sakaling ma-meet ko si Daddy del Fuerto.

"Hi, Sir," nakangiting bati ni Angel sa security guard. Wala namang kangiti-ngiting tumingin sa amin iyong guard. Mukhang mahihirapan ata kaming makiusap.

"Sir, kasi may naiwan na requirements sa bahay nila itong kaibigan ko," simula ni Angel. Hinila niya naman ako sa tabi niya para ipakita sa guard na ako iyong kaibigang tinutukoy niya. "Tatanga-tanga kasi 'to kanina, Sir. Eh kailangan niya ngayon kasi isa-submit niya pa 'yon mamaya sa UP. Nakasalalay doon ang kinabukasan niya." Napangiwi ako sa huling sinabi niya. Pero agad ring nangiti nang tumingin sa akin ang guard.

"Pasensya na hija. Bawal na magpalabas ng estudyante eh," sagot ng guard. Agad naman akong nanlumo sa narinig. Patay na talaga.

Tumingin ako kay Angel. Alam kong kita niya sa mukha ko ang pagkadismaya. Pakiramdam ko wala nang pag-asa.

"Sir, sandali lang naman po. Babalik rin naman siya agad," pakiusap ulit ni Angel. Kaso ay mukhang hindi talaga papayag ang guard. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.

"Pasensya na talaga, hija. Malalagot ako kapag pinalabas ko kayo eh," sagot ng guard. Lumingon sa akin si Angel. She smiled sadly at me.

"Sorry. Mukhang hindi talaga tayo papayagan eh," bulong niya sa akin.

"Okay lang. Baka di na lang ako sasabay kay Andrei mamaya. Sabihan ko na lang siya," malungkot na sabi ko. Kasalanan ko rin eh. Tatanga-tanga kasi ako.

Nagpaalam na lang kami sa guard at mabagal na naglakad pabalik sa classroom. Bagsak ang parehong balikat ko. Nawalan na ako ng chance na makasama si Andrei.

"Eh kung daanan niyo na lang kaya later?" Angel suggested pero nailing lang ako.

"Nakakahiya, Angel. Maisip pa ni Andrei na iresponsable ako," sagot ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kasalanan ko talaga.

Paliko na sana kami sa hallway papuntang classroom nang biglang tumigil sa paglakad si Angel saka humawak sa braso ko. I looked at her questioningly.

"Bakit?" Tanong ko.

Para namang lumiwanag ang mukha niya nang tumingin sa akin. Ngumiti siya nang pagkalaki-laki.

"Alam ko na!" She said. Nangunot lang ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Tara!"

Hinila niya ulit ako papunta kung saan. Nagpahila na lang rin ako.

"Baka nasa classroom na ang teacher!" I mumbled. Hila-hila pa rin niya ang kamay ko, na para bang walang pakialam kung may teacher na ba o wala.

"Nakasalalay dito ang kinabukasan mo, Lei!"

Matapos ang ilang minutong lakad-takbo ay nakarating kami sa may likod na bahagi ng school. Sa harapan namin ay ang pader na nasa isa at kalahating metro ang taas. May mga silyang nakatambak rin sa isang sulok ng pader.

Ilang segundo akong tumitig dito bago na-gets kung ano ang ibig sabihin ni Angel. Nanlalaki ang mga mata ko nang lumingon sa kanya.

"Mag-o-over the bakod ako?!" Hindi makapaniwalang-tanong ko.

"Ito lang ang naisip kong paraan, Lei!"

"Eh baka mahulog ako! Baka mahuli tayo!" Nag-aalalang sabi ko.

"Hindi 'yan! Magbabantay ako dito. Basta tumawid ka lang sa pader na 'yan at may mga sasakyang dumadaan diyan. Umuwi ka sa inyo para kunin ang requirements mo tapos balik ka agad dito. Hihintayin kita rito," sabi niya.

Muli kong tiningnan ang pader na nasa harapan namin.

Kaya ko ba?

"Kaya mo 'yan! Isipin mo ang kinabukasan mo," Angel mumbled. Napangiwi ulit ako sa sinabi niya. "Go, Lei!"

Nagdalawang-isip pa ako. Pero dahil ito na lang ang paraan ay wala na akong magagawa. I should just do it.

Kahit kinakabahan ay lumapit na ako sa mga nakatambak na silya at dahan-dahang umakyat roon. Medyo steady naman ang pagkakalagay doon. Ito ata ang daanan ng mga estudyanteng nagka-cut ng klase. Ang tibay ng pagkakatambak ng silya eh.

Nang makaapak sa tuktok ng mga silya ay sumampa na agad ako sa pader. Nakaupo na ako sa dulo 'non nang may maalala.

"Gel, wala akong dalang wallet!" Sabi ko nang tumingin kay Angel na nasa baba. Napapikit agad ako. Shocks, nakalimutan kong nakakatakot tumingin sa baba.

"Sandali. Ako meron," she hurriedly replied. Dumukot siya sa bulsa ng uniform niya and gave me her wallet. Medyo nahirapan pa akong abutin 'yon at muntik nang mahulog. Buti na lang ay napanatili ko ang balance ko.

Shocks, first time kong gawin 'to!

"Bilisan mo ha," muling sabi ni Angel. Tango lang ang naisagot ko saka bumaling na sa kabilang side kung nasaan ang outside world.

Naramdaman ko namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kaya ko bang tumalon?

Lumingon-lingon ako and saw a tree few centimeters away from me.

Dahan-dahan akong lumapit at humawak doon. Huminga pa ako nang malalim bago bumaba ng pader gamit 'yon.

Nahirapan akong humanap ng aapakan sa puno. Pero inisip ko lang ang rason kung bakit ako nandito ngayon at nakikipagsapalaran sa pag-o-over the bakod.

Nang makaapak sa puno at mapansing wala na akong sangang aapakan ay huminga na lang ulit ako nang malalim saka tumalon.

Thank God I landed just fine. Pinagpag ko lang ang uniform kong narumihan bago tumayo.

"Nakababa ka na?" Rinig kong tanong ni Angel sa kabila.

"Oo, Gel. Salamat. Alis na ako," sabi ko.

"Sige, bilisan mo!"

With a determined smile ay pumara ako ng taxi saka sumakay doon.

My requirements, my future, and Andrei my loves, here I come!

•●•


'Wag niyo tularan si Lei at Angel ha.😅

-Eessa

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now