Chapter 9

3.4K 87 0
                                    

Chapter 9

Posible pala 'yon? Ang ma-in love ka sa isang taong wala namang ginagawa para sayo?

Dati kasi, para lang talaga akong hangin kay Andrei. Magkaklase nga kami pero hindi naman kami nag-uusap. Ni hindi niya nga ako kilala.

Nakikita ko siya araw-araw, nakakasalubong sa pathway, nakakasama sa isang classroom. Pero iyon lang. Wala kami gaanong interaction. Hindi nga ata 'gaano', wala ata talaga.

Pero lately na-realize ko, noon ngang wala siyang ginagawa para sa akin eh nagkagusto na ako sa kanya, ngayon pa kaya na may ginagawa na siya?

Ang lala pala talaga ng love. Basta-basta ka na lang tinatamaan.

Nakakakaba pero at the same time ay nakaka-excite.

"Lei, anak," tawag ni Mommy. Kakalabas ko lang ng banyo samantalang kakarating lang nila ni Daddy mula trabaho.

"Yes 'Mmy?" I asked.

"Naayos na namin ang mga requirements mo para maipasa mo na bukas," nakangiting sabi niya. "Iyong fee ay nasa envelope na rin."

Nakakapanibago talaga ang pagiging supportive nila Mommy. Parang gusto ko tuloy mag-take ng maraming exams.

Nakangiti akong pumasok sa kwarto ko. Ang sarap talaga sa feeling. At dahil good mood ako ay inilabas ko ang mga librong ibinigay sa akin ni Andrei.

Isa-isa kong tiningnan ang librong 'yon. Ilan doon ay may pangalan niya pa.

"Anne Lei Agustin-del Fuerto," I murmured while looking at the ceiling. "Shocks, ang sarap mangarap," parang tangang sabi ko sa sarili. Hindi nga mawala-wala ang ngiti ko. Nakakabaliw.

Dinala ko ang mga librong 'yon papunta sa study table ko. Ang totoo niyan ay tamad naman talaga ako. Kabilang ako sa populasyon ng mga estudyanteng tamad mag-aral pero masipag gumawa ng ibang bagay. Pero sa awa ng Diyos ay nakakapasa naman ako.

Umupo na ako sa upuan ko. Naka-on na rin ang study lamp ko. Nasa  harap ko na ang mga librong bigay ni Andrei. Pero dahil tamad ako ay ilang minuto na ang lumipas pero nakatitig pa rin ako doon.

Saan ba ako magsisimula?

Paano ba mag-aral nang maayos?

With those thoughts ay napakamot na lang ako ng ulo at napahinga nang malalim. Kapag pag-aaral talaga, wala akong energy.

Gusto kong pumasa sa UP. As in gusto ko talaga. Gusto kong makasama sa iisang University si Andrei. Kaso papano ako makakapasa gayung hindi na nga ako matalino, hindi pa ako masipag?

Ano bang ginagawa ko 'nong nagpaulan ng katalinuhan at kasipagan si Lord?

Sighing, tumayo na lang ako at nahiga sa kama.

Wala talagang patutunguhan itong katamaran ko eh.

Nang makahiga ay biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Andrei.

Sana dumalas na ang pagngiti niya. Nakakalungkot kasing makita siyang malungkot.

Suddenly, thinking of him brought something in my mind. Kaya agad akong napatayo mula sa pagkakahiga. Nagka-head rush pa ako kaya kinailangan kong humawak muna sandali sa kama para mawala ang pagkahilo.

Nang mawala ang pagkahilo ay dumiretso ako sa study table ko, opened my laptop and scanned for Andrei's pictures.

Oo na. Ako na ang grabe magka-crush at talagang marami akong naka-save na mukha niya sa laptop ko. Kapag kasi may bagong upload siya sa social media ay agad kong dina-download. Syempre hindi kasali doon iyong mga pictures nila ni Kat.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now