Chapter 15

4.1K 88 2
                                    

Chapter 15

Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo ngayon. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Ni hindi ko nga nararamdamang nangalay ang panga ko. Ang sayang ngumiti. Ang sarap isiping pwede pala talagang mangyari ang imposible.

Hindi pa naman kami ni Andrei pero pakiramdam ko ay doon na 'yon papunta. Kung noon, hanggang tingin lang ako sa kanya sa malayo, ngayon nakakasabay ko na siya sa School, madalas pa nga ay nakakapag-usap kami sa phone kahit malalim na ang gabi.

'Nong araw na nilaglag ko ang sarili ko, grabe ang kahihiyang naramdaman ko. But Andrei didn't make me feel like it's something to be embarrassed about. Dahil nga ata doon ay naging close kami. Medyo nahihiya pa rin ako sa kanya ngayon. Pero medyo na lang.

Hindi pa rin nga ako makapaniwala eh. Everything's just too good to be true.

Totoo pala talaga 'yong sabi nilang ang sarap ma-in love lalo na pag gusto ka rin ng taong gusto mo. Hindi pa naman sinasabi ni Andrei na gusto na niya talaga ako. Pero iyong kusang paglapit niya sa akin araw-araw at ang pagtawag niya sa akin gabi-gabi? Siguro naman may ibig sabihin 'yon. Ang saklap naman kung wala.

"Hala, pangiti-ngiti na lang nang mag-isa. Mukha nang tanga," komento ni Angel nang makita niya ako. Maaga kasi akong nagising kaya maaga rin akong napapasok sa School. Wala pa masyadong estudyante 'nong dumating ako. Hindi ko rin napansin na para na akong tangang nakangiti dito nang mag-isa. Inisip ko lang naman kasi 'yong progress sa aming dalawa ni Andrei.

"Andiyan ka na pala," I mumbled.

"Andiyan ka na pala," she mimicked bago siya naupo sa upuan niya. "Alam ko 'yang mga ngiting 'yan," she murmured.

Nakakunot-noo lang akong humarap sa kanya, still not erasing my smile.

Si Andrei kasi!

"Ngiting 'nilandi ako ni Andrei kagabi'," Angel grumbled. Agad ko naman siyang kinurot dahil sa mga pinagsasabi niya. Marinig pa ng mga kaklase namin.

"Ano ka ba!" I whispered.

"Ano ka ba?" She mimicked again. Sinimangutan ko na lang siya. "Ano na ba kasing nangyayari? Nagtapat na ba? Na-reciprocate na ba feelings mo? Nililigawan ka na ba?" She asked.

Agad akong napaisip.

As of now? Wala pa namang pagtatapat na nagaganap. Wala ring feelings na nari-reciprocate. Walang nanliligaw. Siguro nasa getting to know each other pa lang kami. Panay lang kami usap tungkol sa mga bagay-bagay kapag may chance kami eh. Wala naman siyang sinasabi tungkol sa feelings niya. Gusto ko na nga sana siyang tanungin pero natatakot ako. Hindi nga ako nakapagtapat sa kanya for the past years that I have a crush on him, ngayon pa kaya na close na kami? Takot ko lang na mawala 'yong friendship namin.

Kaso on the other hand, gusto ko na rin magtanong talaga. Nakaka-confuse na kasi kung ano kami eh. First time ko pa naman. Hindi ko gets 'yong mga signs (kung meron man). Hindi ko alam kung nanliligaw na ba ang lalaki o hindi. Malay ko ba sa mga bagay na ganoon? Eh busy ako sa pagkakagusto kay Andrei noon pa.

Kung pwede lang sanang magsabi na lang siya eh.

"Hindi ko alam," I replied. Kasi hindi ko naman talaga alam.

"Alam mo, 'yang si Andrei, mahina rin eh. Dapat kung gusto ka niya, magsabi na siya. Aba, hindi natin alam, baka may isang tao pala na patay na patay din sa 'yo. Maunahan pa siya," Angel stated. Nakasimangot ulit ako sa sinabi niya.

Sa akin, may magkakagusto? Isa pang imposible 'yon eh.

"Kahit naman may patay na patay sa akin, wala pa rin naman 'yon. Kasi kay Andrei lang naman talaga ako," I murmured.

"Sa akin ka lang?"

Agad nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon. 'Yong puso ko bigla atang lumundag papalabas sa katawan ko at tumakbo palayo. Hindi agad ako nakahinga dahil sa sobrang pagkabigla. Para rin ata akong nabingi. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko at ang tawa ni Angel.

HOLY MOTHER OF COWS!!!!

"Ano ulit 'yon? Sa akin ka lang?" Muling tanong ni Andrei. Ramdam ko ang init ng pisngi ko nang lingunin ko siya. And he was smiling so widely at me. Ang gwapo-gwapo na sana, pero instead na kiligin ay hiya ang naramdaman ko.

Lord, bakit lagi ko na lang nilalaglag ang sarili ko?

Hindi agad ako nakapagsalita dahil saglit na huminto sa pag-function ang utak ko. Alam ko namang slow itong utak ko pero sana naman sa mga ganitong sitwasyon ay makipag-cooperate siya. Nakakahiya na talaga.

Puro buka-sira lang ang nagawa ko sa bibig ko. I tried thinking of something to say to shift his attention pero wala talaga akong masabi. Kung kailan kailangang-kailangan ko ang magsalita ay hindi ko magawa.

Hihingi na sana ako ng tulong kay Angel pero tawa lang siya nang tawa sa gilid. Aliw na aliw siya sa katangahan ko.

Maging ang ilan sa mga classmates namin na nakapansin ay napatingin na sa amin. Ang iba ay nakikisigaw, ang ilan naman ay nagbubulungan.

Kung tumakbo na lang kaya ako palayo at magtago? Kaso mas lalo naman ata akong nagmukhang tanga 'non.

"A-ano..."

Pero wala talaga akong masabi!!!

Napapikit na lang ako nang maigi.

"Angel!!!!" Parang batang tawag ko kay Angel. Lumapit na ako sa kanya't kumapit sa braso niya. Iyon lang ang tanging nagawa ko. "Nakakahiya..." bulong ko sa kanya.

"Nakakahiya talaga," natatawa pa ring sabi ni Angel. "Pasensya ka na, Andrei ha. Nag-stop ata sa pag-function ang utak nitong isa," she added.

"Nah, it's okay," I heard him said. "I find it cute."

"Hala, cute ka daw, girl!" Parang baliw na cheer ni Angel. Isa pa 'to siya eh. Mas lalo akong pinapahiya.

Pero because of what he said, pantay na ang kilig at hiya na nararamdaman ko. Pakshet.

"Hey..." rinig kong sambit ni Andrei. "Lei..."

Nang tawagin niya ang pangalan ko ay dahan-dahan na akong lumingon sa kanya. Pero nakakakapit pa rin ako kay Angel, kung sakaling may masabi na naman akong katangahan.

And then I heard him chuckled.

Nagtago ulit ako sa braso ni Angel.

"Wag mo 'kong pagtawanan!" I said. Siguro ay para na kaming tanga ditong pinagtitinginan ng mga classmates namin. Para kaming may sariling teleserye dito na naging source of entertainment ng mga nandito sa classroom.

"Hindi kita pinagtatawanan," he said. But I could hear a hint of laughter in his voice. "Hey."

Umayos na ako nang upo, after pulling all the courage left in me. Ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko pero kinapalan ko na ang mukha ko.

Pwede na talaga akong bigyan ng award na Best in Paglaglag sa sarili.

"Ano?" I asked.

"Stop being so cute," he mumbled. And ladies and gentlemen, I think my heart is no longer inside my chest.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now