Chapter 16

3.4K 85 4
                                    

Chapter 16

Lumipas ang mga araw. Natapos namin ang project namin together and we got a high grade. Halos sabay rin kaming nag-review ni Andrei para sa UPCAT. He helped me study well. Feeling ko nga tumaas 'yong chance ko na makapasa sa UP.

Mas lalo ring lumalim ang samahan namin. Hindi pa naman kami. He hasn't asked me yet if he'll court me or what. Pero iba siya mag-care. Parang kami, pero hindi. In other words, wala kaming label. But despite that, nai-enjoy pa rin naman namin ang company ng isa't-isa. And I think that's fine.

'Nong araw ng UPCAT ay todo ang kaba ko. First time ko kasing mag-take ng exams na sobrang daming kasabay na hindi ko kilala. Pero pinagaan ni Andrei ang loob ko. He cheered me up in a way he can. That day, he hugged me. As in hug na intentional. Hindi ako nag-iilusyon. It was real. Hindi pa man ako nakakapag-exam 'non pero pakiramdam ko pasado na ako. Andrei made me happy. So much.

"Bakit parang di ka mapakali diyan?" Tanong ni Angel. Napansin niya sigurong aligaga ako. Wala namang teacher kaya puro chikahan lang kami. Si Andrei naman ay may seminar na pinuntahan. Sayang nga kasi hindi ko siya makakasabay ngayon na mag-abang sa results. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. Nasanay na kasi akong kasama si Andrei eh. Si Andrei na nagpapakalma sa akin sa tuwing para na akong maloloka.

"Anytime today daw lalabas 'yong results ng UPCAT eh. Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako nakapasa? Masasayang 'yong effort ni Andrei sa pagtuturo sa akin," I mumbled.

"Ano ka ba? 'Wag ka ngang nega diyan! Nakatulong naman sa 'yo si Andrei. Tumataas na nga grades mo eh," she replied. 

"Iba naman kasi 'yon eh," I murmured. "Parang dito na rin nakasalalay 'yong future ko."

"Future niyo ni Andrei kamo."

"Ayaw ko naman kasing ma-disappoint si Andrei. Lagi na nga kaming one on one para maturuan ako tapos ibabagsak ko pa?"

"Ang OA mo. Wala pa ngang result eh. Pinapangunahan mo naman."

"Feeling mo kaya kong ipasa 'yon?"

"Slight."

"Bastos ka," I said and Angel laughed at me.

"Malay mo may milagro diba," sabi niya. "Ipagdasal natin 'yan," she added.

That day ended with me feeling so uneasy and nervous the entire time. Panay refresh ako sa website ng results pero wala pa rin.

"Anak, dinner na," tawag sa akin ni Mommy. Nasa kwarto lang kasi ako, hinihintay pa rin ang results. At saka sabi rin ni Andrei ay sabay kaming maghihintay. Anytime now ay tatawag 'yon.

"Later na po ako. Hinihintay ko pa po ang results," sigaw ko mula sa kwarto.

"O sige. Sabihin mo agad sa amin ang result ha?" Mommy said. Todo rin ang suporta talaga ng parents ko kahit na hindi sila sure sa pinaggagawa ko. Pero nakikita ko namang nasisiyahan talaga sila na nagkakaroon na ako ng pangarap sa buhay.

I was just lying on my bed when my phone rang. Agad ko iyong sinagot nang makitang si Andrei na ang tumatawag.

"HI. Sorry ngayon lang ako nakatawag. Kumain pa kasi kami," he said from the other line. "Ikaw? Kumain ka na?"

"Di pa eh. Wala pa akong gana. Naghihintay pa ako sa results," I answered.

"Are you sure? Baka mamaya pa 'yon malipasan ka pa ng gutom."

"Hindi, okay lang. Hindi rin naman ako makakakain nang maayos sa paghihintay ng results."

We just talked on the phone while we waited for the results. Gaya ng nakasanayan ay pinag-usapan namin ang araw namin, ang mga nangyari and how we felt about it. Sa halos araw-araw  na magkausap kami ni Andrei ay parang kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now