Chapter 7

3.7K 100 6
                                    

Chapter 7

"Gel, help," natatarantang sabi ko kay Angel. Nakwento ko sa kanya ang mga nangyari at pinag-usapan namin ni Andrei. At pinagtawanan niya lang ako.

"Gaga ka kasi," natatawang sabi niya. Mas lalong hindi ko na tuloy alam ano ang gagawin. Ang akala ko ay matutulungan ako ni Angel.

"Nadala lang sa emosyon," sagot ko. Pinagtawanan niya ulit ako. Wala naman akong ibang magawa kasi kasalanan ko rin naman at pinairal ko ang pagka-impulsive ko.

"Nagmumukha ka talagang tanga. Alam mo 'yon?" Tumatawang sabi niya. Now I feel hopeless. Wala na akong ibang magagawa kundi ituloy na lang ang application kahit na alam kong wala naman talaga akong pag-asa doon.

"Apply ka rin, please. Para dalawa tayo," pagmamakaawa ko. Para naman may masabi ako sa parents ko. Maybe they won't freak out if I tell them na dalawa kami ni Angel. Alam naman nila mga trip naming dalawa eh. Kesa naman sabihin ko mag-aapply ako dahil sa lalaki. Baka masinturon pa ako kahit hindi naman nangsisinturon si Daddy.

"At idadamay mo pa talaga ako sa kagagahan mo ha?" She mumbled.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na talaga akong choice. Ayaw ko namang ma-disappoint si Andrei.

"Aral ka na lang mabuti, girl. Panindigan mo. Kaya mo naman siguro."

Napatulala na lang ako. Ito na ata ang katapusan ko.

"Lei," someone said. Pagkarinig ko ng boses na 'yon ay agad nanlaki ang mga mata ko.

Shocks, hindi pa ako handa, Andrei!

"Andrei," agad na sagot ko. Naramdaman kong siniko ako ni Angel kaya siniko ko rin siya pabalik.

"Ipapaalala ko lang sayo na this Friday pupunta tayong UP para mag-submit ng requirements. Buti na lang talaga may kasama na ako," nakangiting sabi niya. "I'll go ahead."

"Sige," nakangiti ko ring sagot bago siya tuluyang umalis.

Nang lumingon ako kay Angel ay nakita ko siyang pulang-pula na dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Para kang natatae," I commented saka kinuha na ang bag ko na nasa ibabaw ng bench saka tinalikuran siya at nagsimula nang maglakad papuntang classroom.

"Halata kasing nataranta ka, girl," sagot niya. Nakahabol na siya sa akin kaya sabay na kaming naglalakad.

"So go ka na talaga?"

"Ano pa ba?"

•●•

"Mommy, may sasabihin po sana ako. Pero wag ka po sanang mabibigla," bungad ko. Nasa kitchen si Mommy at naghahanda para sa hapunan namin. Si Daddy naman ay pauwi pa lang kaya si Mommy muna kakausapin ko tungkol doon sa application.

"Ano 'yon?" She asked.

"Kasi po... gusto ko po sanang mag-apply for UPCAT," sabi ko nang nakapikit.

For the next few seconds ay wala akong narinig. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko saka ko nakita si Mommy na nakatingin sa akin at nanglalaki ang mga mata.

"Mommy? Okay ka lang po?" Tanong ko. Nabigla rin kasi ako kasi hindi man lang siya nag-react. This is new.

"UPCAT? As in yung sa UP?" Tanong niya. Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko.

Okay, ears, get ready.

Inaasahan ko nang magtatalak si Mommy kasi siya naman talaga iyong tipong mabunganga. Alam kong magugulat siya sa sinabi ko kasi ako rin naman iyong tipong hindi masyadong nagpa-plan, pwera na lang kung involved si Andrei.

Kaso ilang segundo na lang ang nagdaan at hindi man lang nagsalita si Mommy. Nang tingnan ko siya ay nakatingin lang siya sa akin, parehong nakakunot ang dalawang kilay.

"Hindi ka ba sinasapian, anak?" Tanong niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Mahaba-habang paliwanagan na naman kasi ito.

"Seryoso ako, Mommy," sagot ko naman.

Dahan-dahan akong hinila ni Mommy palapit sa dining table namin saka ako pinaupo sa upuan. Tumayo naman siya sa harapan ko at hinawakan ang mga balikat ko.

"Sino bang naka-impluwensya sayong mag-apply doon?" Tanong niya. Hindi ko naman pwedeng sabihing dahil sa isang lalaki kasi mapapagalitan lang ako at baka masabihang puro landi ako. Eh wala pa nga akong ginagawa. At saka ayaw nila 'non? Nagkapangarap ako nang dahil kay Andrei.

"Wala naman, Mommy. Naisipan ko lang subukan," sagot ko.

Ang akala ko ay papagalitan ako ni Mommy. Kaso ako ata ang nabigla dahil sa biglaang pagyakap niya sa akin.

"Masaya akong may pangarap ka na rin sa wakas, anak!" Masayang sabi niya.

Bigla na lang akong napangiti. Ang akala ko talaga machu-chugi ako at hindi ko magagawa ang plano ko dahil baka tutulan ako ng parents ko sa gagawin ko. But instead, I made her happy.

Narinig namin ang pagpasok ng isang kotse sa garahe and we know it's Dad.

"Sigurado akong masisiyahan ang Daddy mo, anak! Aba, hindi ka naman katalinuhan pero at least gusto mong subukan mag-apply sa UP! Okay na rin 'yon!" Masayang sabi niya saka dali-daling pinagbuksan ng pinto si Daddy.

"Mag-aapply sa UP ang anak natin, love!" Bungad ni Mommy kay Daddy. Bigla namang napakunot ang noo ni Daddy at saglit na hindi nagsalita.

Uh-oh.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Dad.

"Mag-aapply ang anak natin sa UP! Sa wakas ay bumubuo na siya ng pangarap!" Masiglang sabi ni Mommy.

And yes, she's like that.

"UP? Am I hearing it, right?" Tanong ni Dad sa akin na sinagot ko lang ng tango.

Napatanga si Daddy sa akin kaya nagsimula na naman akong kabahan. Baka kasi okay kay Mommy pero hindi naman pala okay kay Daddy.

Tumingin si Daddy kay Mommy saka sa akin ulit saka kay Mommy.

"Tama ba ang mga naririnig ko?" Tanong ulit ni Dad.

"Oo nga kasi! She'll try!" Sagot ni Mommy. "Mabuti na 'yon, diba? At least alam nating may pinaplano rin pala sa buhay itong si Anne Lei!"

Napa-face palm nalang ako sa mga sinasabi ng parents ko. Wala namang nakakarinig na iba pero parang nahihiya ako.

"Aba, asikasuhin mo na ang mga requirements! At may alam akong review center. Baka gusto mong mag-review center. Ipapasok kita!" Sabi ni Dad

Doon ay napatayo na ako at napalapit sa kanilang dalawa.

"Talaga, daddy?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo! Aba, hindi ka naman matalino kaya magri-review center ka!" Dagdag niya pa. Well, that hurts. Reality hurts.

Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng saya kasi susuportahan naman pala ako ng parents ko.

Aside sa kilig na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Andrei, may ibang magandang naidudulot naman pala siya sa buhay ko. And I guess it's a good thing.

Parang gusto ko na tuloy siyang mahalin nang todo.

Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon