Chapter 8

3.7K 92 3
                                    

Chapter 8

"Oh? Talaga? Okay lang sa kanila? As in hindi sila nag-freak out?" Gulat na tanong ni Angel nang sabihin ko sa kanya ang napag-usapan namin ng parents ko.

"Medj. Pero sakto lang. Hindi naman 'yong freak out na nakakatakot," sagot ko. Natawa pa siya at nahampas ako nang mahina sa braso.

"Ang kwela talaga ng parents mo," natatawa niyang sabi. "So tuloy na talaga ang plano mong i-take ang UPCAT? As in wala nang atrasan?" She asked.

"Oo. Tuloy na talaga. Nasabi ko na rin kasi sa parents ko. Nasiyahan nga sila diba? Kasi may pangarap na daw ako sa buhay."

"Nako, for sure pag nalaman nilang ginawa mo lang 'yon dahil sa lalake at hindi dahil pangarap mo talaga ay madi-disappoint 'yong mga 'yon," she commented.

Oo. Naisip ko na iyon. Bago ko pa man sabihin sa parents ko, naisip ko na ang posibilidad na 'yon. Pero pakiramdam ko naman hindi talaga totally magagalit ang parents ko. Baka nga pasalamatan pa nila si Andrei kasi nang dahil sa kanya ay nagka-direksyon ang buhay ko. Kahit na ang direksyon na 'yon ay pilit kong nililiko papunta sa kanya.

'Nong nakita ko ang saya sa mukha ng parents ko nang sabihin ko sa kanila ang plano ko ay nasiyahan rin ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na dahil sa kahibangan ko kay Andrei ay mapapasaya ko sila. Never did I imagine it would go this way. Naks.

Alam kong sobra-sobra na itong ginagawa ko para kay Andrei. Ewan ko ba, tinamaan na talaga ata ako. Sapul na sapul ata talaga ni Kupido ang puso ko.

"Uy, Lei. Di mo naman sinabi sa aming close pala kayo ni Andrei," sabi ng isang classmate ko nang makapasok ako ng classroom. Nagtaka pa ako kasi hindi ko gets ang pinagsasabi niya.

"Ano raw?" Baling ko pa kay Angel pero nagkibit-balikat lang siya saka dumiretso na sa upuan niya.

Napatigil lang ako sandali sa kinatatayuan ko, trying to digest sa isip ko iyong sinabi ng kaklase ko.

Ha? Halata na ba ang closeness namin ni Andrei?

With that thought ay agad akong napangiti. Heto na naman iyong mga creatures sa tiyan ko na ang hilig mangiliti.

"Gets ko na," biglang sabi ni Angel nang makalapit ako sa upuan ko.

Sa ibabaw ng arm chair ko ay may mga books na nakapatong at may note pang nakalagay.

I was supposed to give this to you personally kaso we have a summit to attend to today kaya ipapatong ko na lang sa arm chair mo. These are some books na pwede mo gamitin for review. I hope this will help. -Andrei

Matapos mabasa ang note ay pakiramdam ko nag-form into hearts ang mga mata ko. Hindi ko nga namalayang hinalikan ko na pala iyong note na iniwan ni Andrei. Nakita iyon ng ilang classmates ko kaya agad akong nagkunwaring hinihipan iyon.

"Ba't naman ang dumi nito? Nahulog ba 'to?" Parang tangang sabi ko habang nagkukunwaring nililinisan ang note.

Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko.

"Gaga," narinig kong sabi ni Angel habang humahalakhak. "Uy ha, iba na 'yan."

"Shhhh, ano ka ba," agad na sagot ko.

Nakangiti akong umupo sa upuan ko habang iniingatang ilagay ang mga books sa loob ng bag ko. Buti na lang at naka-back pack ako ngayon.

"So baka naman sa susunod sabay na kayong mag-review," bulong ni Angel. Agad akong napatingin sa kanya at napangiti.

"Sana nga ano?"

Nagdadalawang-isip tuloy ako kung itutuloy ko 'yong review center na sabi ni Daddy. Eh kung si Andrei na lang kaya gawin kong tutor? It would be nice. Mas lalo kaming magiging close.

Syempre kapag magtu-tutor kailangan talaga magkasama kami. At syempre mapapadalas 'yon. Tapos sa sobrang dalas naming magkasama, magsisimula na siyang makaramdam ng something for me. At dahil doon ay magsisimula ang isang panibagong istorya ng dalawang taong nagmamahalan.

Para na akong tangang nag-iimagine dito. Kung saan-saan na nakarating iyong imagination ko. Kaso I need to stop imagining things kasi dumating na teacher namin.

Later ko na lang ipagpapatuloy ang pag-isip ko kay Andrei.

•●•

"Siguro gusto rin ni Andrei na makapasa ako sa UPCAT. Kasi kapag nakapasa ako ibig sabihin magkakasama kami sa isang University. Baka kaya niya ako binigyan ng books para sa pagri-review ko kasi gusto niyang magkasama kami sa UP kung sakali," puno ng pantasyang sabi ko kay Angel.

Lunch break ngayon at nandito kami sa cafeteria. Parang ayaw ko na ngang pumasok kasi wala si Andrei. Pero gustuhin ko mang um-absent ay hindi dapat kasi hindi na nga ako katalinuhan tapos aabsent pa ako. Mas lalo akong mawawalan ng chance na makapasa sa UPCAT.

And speaking of UPCAT ay nag-text sa akin si Daddy kanina lang saying he's already complying the requirements for my application. Hindi ko naman inasahang magiging ganoon sila ka-supportive sa akin. Siguro wala talagang ambisyon ang tingin nila sa akin kaya ganoon na lang sila kung sumuporta. Na kahit alam nilang napakaliit ng chance na makapasa ako ay todo-todo pa rin ang support nila.

"Wow naman. Nag-assume na agad," Angel mumbled.

"Kasi ibig naman sabihin 'non na gusto niya akong pumasa diba? Kaya binigyan niya ako ng books na magagamit sa review?"

"Oh baka gusto ka lang niyang tulungan kasi akala niya pangarap mo talaga ang mag-UP?" Sagot ni Angel. Medyo nalungkot ako kasi mukhang may point siya.

"Oo nga 'no? Ang assumera ko na pala."

"Pero at least he's caring for you diba? Maybe tinulungan ka niya kasi sa isip niya friends na kayo. Okay na 'yon, girl. Marami namang pag-iibigan na nagsimula sa pagiging magkaibigan," dagdag niya pa na nagpangiti sa akin.

This is why I love Angel. Kasi napaka-supportive niyang kaibigan. Alam ko naman na hindi pa clear kung magkaka-chance kami ni Andrei pero ayun siya at pinapagaan ang loob ko. She cheers me up when I needed someone to cheer on me. Dahil sa kanya nagkakaroon ulit ng pag-asa sa dibdib ko. She's pushy when she needs to be pero siya rin naman ang gumigising sa akin kapag nabubulag na ako.

"Pero wag lang masyadong umasa ha. Kasi alam mo naman, nasa healing stage ang puso niya. Baka gawin kang panakip-bukas, masaktan ka pa," she said. "I'm rooting for you and him pero alam mo namang marami pa rin ang may OTP kina Andrei at Kat. Hinay-hinay lang baka mahirapan kang umahon sa pagkakadapa kung sakali."

"Oo naman. Hindi ka naman nauubusan ng payo sa akin. Kaya rest assured na buo pa rin ako," I told her. Kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung kaya ko pa nga umahon. Pakiramdam ko kasi hulog na hulog na ako.

But of course I didn't tell her. So far hindi pa naman ganoin kasakit kaya siguro kaya ko pa.

Ipu-push ko pa hangga't kaya ko.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now