Chapter 19

3.4K 84 5
                                    

Chapter 19

The following day, I asked Angel to come over. May mga bagay lang kaming dapat pag-usapan.

Example: Our plans for college.

Since hindi ko na makakasabay sa University si Andrei, gagawa na lang ako ng Plan B. Less than three months away pa naman ang graduation but I suddenly felt the rush.

"Ano bang iniisip mong course?" I asked Angel. Hindi ko pa kasi alam kung anong kukunin ko. Magba-bio na lang rin ata ko gaya ni Andrei. Papanindigan ko nang mag-Medicine.

"Baka English. Or Accountancy kung nakapasa. Pero most likely, English. Mahina ako sa math eh," Angel said. "Ikaw ba?"

"May bio ba sa gusto mong school?" I asked. Nakahanap na kasi siya ng College. Eh ako hindi pa. And I think it's better kung pareho kami ng School para kahit papaano ay may kasama na ako.

"Meron," she said. "Sasabay ka na sa akin?"

"Yes please," I murmured.

"Pero medyo malayo 'yon. Baka mag-apartment nga ako eh."

"Hala, malayo ba masyado from UP?" I asked. Napag-usapan kasi naming magkikita pa rin kami kahit magkaiba kami ng School. Sobrang saya ko nga kasi close na talaga kami ni Andrei. It was even him who suggested it.

"Mga 2 hrs away?" Angel replied, unsured. Napasimangot ako. Ayaw ko namang mahirapan si Andrei para lang makapagkita kami. "Ano ka ba? Kapag may gusto, may paraan. Kung talagang gusto ka ni Andrei, hahanap at gagawa 'yon ng paraan."

"Tingin mo?" I asked.

"Gaga, oo naman!" Napangiti ako. Sana nga. "So ano pala 'yong sabi mong chika from what happened yesterday?"

Yeah. The one where Katrina's best friend saw Andrei with me. Nakakaasar nga ang mukha niya eh. Parang may binabalak na masama.

"'Yong Sam na best friend ni Kat. Nakita kami sa coffee shop kahapon. Nabanggit pa niya si Kat. Tapos nag-aapply daw 'yon sa Harvard kaya busy."

"Ay, taray! Harvard talaga? Well, matalino naman siya. Pero feeling ko di papasa 'yon."

"Hoy! Wag kang mag-isip ng ganyan! Bad 'to."

"Feeling ko lang naman."

"Papasa 'yon. Matalino 'yon eh. Kaya nga nagustuhan ni Andrei diba?" I murmured. Di ko namalayang napayuko na ako. I suddenly felt sad upon realizing Katrina is really way better than me. Pakiramdam ko ang hirap talagang makipag-kompetensya.

Masasabi ko lang sigurong nanalo na ako kapag niligawan na ako ni Andrei.

I stifled a sigh. Wala na nga siya dito sa Pilipinas pero ang laki pa rin ng impact niya sa buhay ni Andrei.

"Grabe ka! Maganda at mabait ka naman! Importante rin naman na may mabuting kalooban, 'no! Hindi lang naman 'yan patalinuhan. Ang dapat sinusukat ay 'yong intensity ng love mo for Andrei!" She said in a loud voice. I shushed her, sa takot na marinig ng parents ko. Baka di pa ako pag-aralin ng college kapag nalaman nilang lumalandi na ako.

"Basta, I'm still rooting for you! Hinihintay ko lang na manligaw na sa 'yo si Andrei."

Alam ko namang maliit lang ang possibility na mangyari 'yon. But I, too, is waiting for that to happen.

•●•

"Hi," he greeted. Papasok na ako sa School when I saw Andrei. Saktong kakababa niya lang ng sasakyan nila.

"Hi," bati ko pabalik. Halos magkasabay kaming umapak sa gate. Pero pinauna niya ako since one line lang ang pagpasok sa gate for the checking of bags.

"Have you decided where to go to college?" Tanong niya. Nabanggit ko kasi sa kanya kahapon that Angel and I will talk about it. I'm glad he didn't forget. It means he's paying attention. Shet.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now