Chapter 3

5.9K 141 6
                                    

Chapter 3

"Jusko, anak ano bang nangyari sayo? Mapipilay ka na ba? Ano ba kasing ginawa mo?" My mom hurriedly asked the moment she entered the clinic. Nilapitan niya agad ako. She hugged me tight, and examined my whole body.

"Anong nangyari nurse? Anong kailangan naming gawin para wag lang mapilay ang anak namin? Jusko, hindi ko makakayang makitang pilay ang anak ko! Gagawin namin ang lahat maging okay lang siya!" My Mom added. Napakamot na lang ako ng ulo. Thank God at wala na dito si Andrei. Kasi nakakahiya si Mommy. She's paranoid. Ang layo-layo agad ng narating ng imagination niya.

"Mom, stop it. Nadapa lang po ako and I'm sure nothing's wrong. Wag ka na pong OA," I said. She frowned at me.

"Nadapa? Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sa pagkakadapa mo? Pwedeng may nasirang buto. At kapag hindi natin pinatingnan sa doktor, maaring lumala. That might cause bone cancer. Ayokong mangyari iyon sayo anak. Hindi mo ba naiintindihan na nag-aalala kami sayo?" She mumbled. Grabe talaga ang imagination nitong Mommy ko. Nakakatakot.

"Wag ka ngang mag-isip nang ganyan Leila! Walang bone cancer! Baka pilay lang," Dad butted in. The two continued bickering. Ako na ang nahihiya sa kanila eh. Kaya napatingin na lang ako sa nurse and mouthed sorry. She just smiled at me.

"Excuse me po," the nurse finally spoke which made my parents shut their mouths up.

"Hindi naman po ganun kalala ang nangyari sa anak niyo. Wala naman pong malalang nangyari. Papatingnan lang natin siya sa doktor para hindi na po kayo mag-alala," the nurse. Hindi na nagsalita sina Mommy and Daddy and just agreed na dalhin ako sa hospital. Excused raw muna ako sa klase ko today which is sad on my part kasi hindi ko na makikita si Andrei later. But somehow, I felt happy kasi nga for the first time in forever, napansin ako ng prince charming ko.

We hurriedly went to the hospital after it. Hindi kasi matahimik ang parents ko at ayaw na nilang ipagpabukas ko pa ang pagpapatingin sa doktor. Kaya wala na akong nagawa but to follow them.

As for the results, wala naman daw malalang nangyari. The doctor said nabugbog lang daw ang muscles sa may pwet ko at wala namang problema. Binigyan niya lang ako ng ilang gamot and ointment.

After the appointment with the doctor, we headed home. Gusto ko pa sanang bumalik ng school but they won't allow me. Magpahinga na lang daw ako sa bahay and besides, uwian na rin so what's the point? Hay, bukas ko pa makikita ulit si Andrei.

Andrei. Ahh, maisip ko lang siya, sumasaya na talaga ako. And what made me even happier is the fact that we're finally friends and that he finally knows me! Oh my Gods! Nai-excite tuloy akong pumasok bukas. At sa sobrang excited ko, natulog na agad ako. I just want this night to finally end para mag-umaga na at makita ko na ulit si Andrei!

•●•

"Hoy, bruha ka! Ang sabi mo okay ka lang? Eh bakit ang sabi ni Andrei na-clinic ka daw?" Angel hurriedly said the moment she saw me.

"Oh my gosh! He told you? Oh my gosh!" I happily uttered. Pero binatukan niya lang ako.

"Gaga ka! Alalang-alala ako sayo kahapon tapos heto ka at kilig na kilig?!" She grumbled. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko. Sabi na eh. Ito na talaga ang simula ng pag-iibigan namin ni Andrei!

"Hayaan mo na ako. First time akong pinansin ng crush ko eh. Alam mo 'yon? Ang sarap-sarap sa feeling!" I happily said. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na una akong napansin ni Andrei. That would be one of the most memorable days of my life!

"Ang saya mo 'no? Sa sobrang saya mo, ang sarap mong sapakin," Angel said sarcastically. "Pero dali, kwento ka kung anong nangyari kahapon!" She said. Bigla na rin siyang na-excite.

"Mamaya na after class. Baka hindi ko makayanan ang kilig!" I mumbled. Shet. Feeling ko puputok na sa sobrang kilig ang bituka ko.

"Shet ka, Lei! Ito na ba ang simula?"

"Kaya nga. Ito na ba ang simula?" I murmured and we both screamed.

"Shet bruha ka! Humaharot ka na!" Angel said.

"Gaga. Harot ka diyan! For real ito, for real!" I said.

"Tae ka. Humahaba na ang hair mo," she added with a grin on her face. Although mahaba naman na talaga ang hair ko.

That was when I saw Andrei coming.

"OMG, wait. Okay lang ba ang ayos ko?" I asked Angel. She scanned me from head to toe. Inayos niya rin ang buhok ko.

"Okay na. Maganda na girl. Lelevel na kay Katrina!" She said. I then frowned.

"Hindi talaga mawawala ang pangalan ni Katrina ano?" I murmured.

"Ay, hala. Sorry. Pero promise, maganda ka na," she said. I just shrugged it off my mind and smiled at her.

Ilang metro na lang ang layo ni Andrei mula sa amin that's why I prepared myself. I should catch his attention. Dapat ako ang una niyang pansinin sa araw na 'to.

And when he's already in front of me, I smiled.

"Hi Andrei!" I greeted energetically, with all the smiles and pa-cute gestures.

But he just passed by me na para bang walang nakita, na parang walang narinig, parang hangin na dinaanan niya lang.

My heart suddenly twitched in pain. Ang sikip ng dibdib ko. It hurts. It hurts like hell. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan.

"Girl, hindi ka talaga maririnig 'non kasi naka-headphones," I heard Angel said. I hurriedly looked up and looked at Andrei who's already a few meters away from me. He was indeed wearing headphones kaya hindi niya ako narinig. But he's not blind. Pero bakit hindi niya pa rin nakita?

"He can't hear me. But he can see me. And he chose not to notice me," I murmured. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Wala lang pala 'yong kahapon. False alarm lang. Umasa naman agad ako.

Hay, Lei.. Kailan ka kaya niya mabibigyan ng pansin? Iyong pansing naibuhos niya kay Katrina?

I heaved out a heavy sigh. Sige lang. Kaya pa. Laban lang.

Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon