Chapter 29

5.6K 160 18
                                    

Chapter 29

"Hi po, Madam!"

"Good noon, Madam!"

Lahat ng mga kasabay kong empleyado ay bumati kay Madam Almonte when we passed by her. Samantalang ako ay bahagya lang nag-bow at nagtago pa sa likod ni Ate Mika. Good thing nakatalikod si Andrei kaya hindi niya kami nakikita.

"Hello! Lunch na kayo?" Mabait na tanong ni Madam Almonte. She was even smiling. Gusto ko ngang maiyak at lumapit sa kanya but I couldn't.

"Yes, Madam," halos sabay-sabay na sagot ng mga kasama ko. Sumilip ako para tingnan ulit si Madam but Andrei suddenly turned around to face us kaya mas lalo pa akong nagtago sa likod ni Ate Mika.

Pakshet.

"Okay. Have a great lunch," sabi naman ni Madam Almonte. Nagpaalam na ang mga kasama ko kaya nauna na akong naglakad nang mabilis. Mukhang hindi niya naman ako nakita kasi marami kami sa grupo tapos nasa pinakalikod pa ako.

"Okay ka lang, beh?" Tanong ni Ate Mika. I forced a smile and nodded.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Nagtatrabaho ba siya dito? But I thought he's going to med school. Did he change his mind?

"Huy beh! Dito lang tayo!" I heard Ate Mika shouted. Napahinto ako sa paglalakad and noticed I'm no longer with them. Lumagpas na pala ako at nagsipasok na sila sa canteen.

Pakshet.

Agad akong naglakad pabalik while biting my lower lip. Nakakahiya!

"Ang lalim ng iniisip ah?" Natatawang komento ni Ate Mika. I just pouted and she laughed at me. Grabe naman 'tong first day na to.

"Ate, 'yong kausap ni Madam Almonte kanina, empleyado rin ba 'yon?" I asked bravely when we started eating. Hindi kasi ako mapakali. I should know if he's working here so I can quit. I don't want to work here worrying he'll just appear anytime. Hindi pa ako ready na makita siya ulit.

"Si Mr. del Fuerto?" She queried. Mr. del Fuerto. Ugh. It feels like talking about his dad.

"Opo."

"Hindi. Anak 'yon ng business partner slash best friend ni Madam. Pumupunta 'yon dito occasionally. Pero hindi 'yon nagtatrabaho dito. Ang alam ko magdo-doktor 'yon eh. Susunod sa yapak ng daddy," she stated. "Bakit, Lei? Interesado ka?" She queried. Ngumiti pa siya na parang nang-aasar sa akin. Agad akong umiling.

"Hindi!" Napalakas pa ang boses ko dahilan para magsilingon ang mga nandito sa canteen sa akin. Shet naman 'to. Nakakahiya. "I mean, hindi, ate," I said, this time in a soft voice. Tinawanan niya 'ko ulit.

"Okay, Lei. Okay," natatawa niyang sabi.

Hindi naman kasi talaga.

I mean, hindi na.

•●•

Pakshet naman 'to. Nagbagong-buhay na ako eh. Nag-aral akong mabuti. I prepared well for my interview in AD. Tapos ngayon ginagawa ko ang lahat para maging mabuting empleyado. Naging mabuting anak at kaibigan rin ako.

Pero bakit ganito? Why do I have to face another nightmare? Ano 'to? Hindi ba pwedeng okay na lang all the way hanggang sa makahanap ako ng bagong love interest na hindi siya? Kailangan bang multuhin ako ng past ko?

"CONGRATULATIONS LEI!"

"AY PUTA!"

Agad akong napahawak sa dibdib ko after hearing a loud bang inside the house. May pa-confetti ang mga mababait kong kaibigan at may suot pang party hats. Ano 'to? Children's party?

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now