Chapter 6

4K 108 3
                                    

Chapter 6

"Shall we start?" Tanong niya kaya sinagot ko lang siya ng tango at ngiti.

Hindi pa rin nawala sa isip ko ang paulit-ulit na paghingi niya ng chance kay Kat. Nakakaawa siya. Parang ako, nakakaawa rin kasi umaasang mapansin niya.

Ayaw kong ma-bad vibes kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa namin. Ayaw ko ring ma-disappoint siya sa performance ko.

He instructed me what to do first kaya todo effort ako na ipasok lahat 'yon sa utak ko. Maliit pa naman ang capacity ng utak ko. Nakakahiya pumalpak.

We were asked to do a portfolio containing all the stuff we learn this quarter. Kailangan presentable at maganda kaya kailangan talaga mag-effort. Medyo may talent ako sa arts kaya nag-volunteer akong gumawa ng designs. Iyon nga lang, after an hour ay naalala kong ang girly ng ginawa ko. Puro flowers and hearts.

"Uhh Andrei," tawag ko sa kanya. Nahiya tuloy ako. Baka ayawan niya yung ginawa ko. Nakakapagod pa naman magtupi at mag-gunting. "Kailangan ko ata magsimula ulit. Too girly eh. May naisip ka bang pwedeng design? Sorry ha," I said. Tiningnan niya naman ang ginawa ko, then looked at me and smiled. Shet, ngumiti siya! Ngumiti siya!

"That's fine. Cute nga eh," he replied while smiling. Hulog na hulog na tuloy ako.

"Sure ka? Masyadong pambabae eh."

"Nah. It's fine. Hindi naman siguro 'yan nakakabawas sa pagkalalaki?" He said tapos tumawa pa siya. "And besides, pinaghirapan mo 'yan kaya okay na."

Ang saya tuloy ng puso ko. Nirecognize niya 'yong effort ko. Nakakataba ng puso at nakaka-in love lalo.

Nagpatuloy lang kami sa ginagawa namin. And when lunch came ay tumigil muna kami para kumain. Syempre, nakikain ako sa kanila. Nakakahiya nga. Gutom na ako pero syempre pinigilan ko ang sarili kong lumamon kaya ayun at dinahan-dahan ko ang pagkain. Nakakakilig na rin kasi magkasabay kami ni Andrei at kami lang talaga sa dining table. May work kasi Daddy niya at umalis Mommy niya. Yung mga kapatid niya naman daw ay nasa bahay ng Lolo niya.

"Do you have any siblings?" Biglang tanong ni Andrei habang kumakain kami. Nabigla tuloy ako kasi this time siya ang nag-initiate ng usapan. Ito na ba 'yon?

"Wala. Only child," sagot ko.

"Isn't it sad?"

"Medyo. Kasi wala akong nakakakulitan sa bahay. Pero okay lang naman kasi madalas tambay sa bahay namin 'yong best friend ko kaya para na rin akong may kapatid," I replied. And it got me thinking, interesado ba siya sa akin? Why is he asking stuff like this? Ito na ba talaga 'yon?

With that thought ay sobra akong kinilig.

"How come hindi talaga kita napansin sa klase? I mean, you're charming, you're pretty," he murmured. Kasi puro si Kat pinapansin mo, gusto ko sanang sabihin. Pero syempre di na kasi baka masaktan ko pa siya.

Pero tama ba narinig ko? Nagagandahan siya sa akin? Ibig ba sabihin 'non type niya ako? Shet, wala nang paglagyan yung kilig ko!

Andrei naman eh.

"Di ko alam," sagot ko na lang habang nagpipigil ng ngiti.

"I'm sorry ha," he said.

"Okay lang 'yon. Walang problema," I replied with a smile.

"So what are your plans for college?" Tanong niya. Napaisip ako saglit. Noon kasi ang plano ko ay kung saan magka-college si Andrei ay doon rin ako. Di ko naman pwedeng sabihin 'yon sa kanya. Edi ang creepy ko na.

"Wala pa eh. Ikaw ba?" Tanong ko, nagbabakasakali na rin na malaman plano niya para mapagplanuhan ko na rin.

"I'm planning to go to UP. But of course I have to pass the exam first," sagot niya.

Agad akong napaisip. UP daw. Eh balita ko mahirap makapasok doon. 'Yong pinsan ko nga na Salutatorian ng batch nila ay hindi nakapasa sa entrance exam, ako pa kaya na hindi gaanong nabiyayaan ng talino? Pero kung doon nga siya, dapat ay magsimula na akong mag-aral nang mabuti. Kailangan ko ring mag-take ng entrance exam doon para may pag-asa pa kaming magkasama ni Andrei ng School. I still have time to prepare. Marami naman siguro review centers diyan.

With that thought ay nagkaroon ako ng hope.

"Alam mo pangarap ko rin sa UP mag-aral," I said. Pero syempre hindi totoo 'yon. Wala naman talaga kasi akong pangarap, si Andrei lang.

"Really? So you're going to take UPCAT too?" Tanong niya. Agad naman akong sumagot ng tango.

"Paniwalang-paniwala kasi parents ko na kaya ko." Another lie. Alam naman kasi ng parents ko na hindi ako katalinuhan. They're not pushing me to study here or anywhere. Ang sabi nila ay sa kung saan raw kaya ng utak ko. Wala kasi talaga silang bilib sa talino kong di ko pa nailalabas eh.

"Kaya mo naman. Review lang," sabi niya. "What course are you planning to take up?"

"Course?" Tanong ko. Di pa kasi pumapasok sa isip ko 'yon. Wala pa talaga akong plano. "Ikaw? Anong course kukunin mo?"

"I'm going to study med. So probably Bio," sagot niya.

"As in? Plano ko rin mag-bio eh. Doctor kasi Tita ko. Idol ko 'yon kaya gusto ko rin mag-med." Another lie again. Ang totoo niyan eh takot ako sa dugo. But my Tita's really a doctor. She's a surgeon.

Sorry talaga Lord sa lahat ng kasinungalingan ko. Desperada lang po.

"Really? What a coincidence," he commented. Natawa ako nang mapakla. Naging instant sinungaling ata ako ah.

But not bad, at least ngayon may plano na ako. And I should start telling it to my parents nang hindi sila mabigla.

"Gusto mo sabay na tayo mag-file ng application?" He suddenly asked. Humaygad, ito na ba talaga 'yon? As in gusto niya sabay kami?

"Ha? Sigurado ka? Nakakahiya naman sayo," I said. Syempre kailangan ko magpakipot, ano.

"No, it's okay. Besides wala naman akong kasama," sagot niya.

"Okay, sige," sagot ko na lang. Baka magbago pa isip niya.

"Nice. So you should start preparing your requirements tonight. Next week na deadline ng filing," he suddenly said at muntik akong hindi makahinga sa sinabi niya.

"Next week?"

"Yes. So maybe by Friday punta tayo UP to submit our requirements."

Holy cow. Akala ko may isang buwan pa. July pa ngayon ah? Bakit minamadali na nila?

Fudge. Paano ko ngayon sasabihin 'yon sa parents ko?! For sure iisipin nilang nababaliw na ako.

Pero hindi naman masamang sundan ang pangarap ko diba?

"Sige," I replied. Alam kong pag sinabi ko 'yon ay wala nang atrasan.

Kaya wala na talaga.

Bahala na si Batman.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now