Chapter 13

3.4K 83 0
                                    

Chapter 13

Medyo matagal-tagal rin kaming nakapila doon. Buti na lang bago mag-lunch break ay na-entertain na kami at natapos sa pagfa-file.

Lunch time na at gutom na rin kami ni Andrei kaya nag-decide kaming mag-lunch na lang muna bago magpasundo kay Daddy del Fuerto. Medyo marami na ring students ang nagla-lunch ngayon kaya hindi na kami nakisiksik at nagpasya na lang na pumunta sa kalapit na SM at doon kumain at magpasundo kay Daddy del Fuerto.

Unlike earlier ay medyo tahimik na ngayon si Andrei. Hindi siya dumadaldal unless daldalin ko. Feeling ko his mood changed and Kat not replying to his messages has something to do with it. Napabuntong-hininga na lang ako and continued eating. Kahit wala akong gana ay pinilit ko pa ring kumain kasi libre iyon ni Andrei. Nakakahiya naman kung mag-iinarte ako.

Gusto ko pa sanang manatili doon nang mas matagal at wag muna bumalik sa School kaso ay naghihintay na daw sa labas si Daddy del Fuerto kaya umalis na lang kami.

"How was the application?" Salubong na tanong ni Daddy del Fuerto.

"Okay po, Dad. Hintayin na lang raw namin 'yong Test Permit namin," sagot ni Andrei. Pinagbuksan niya ulit ako ng sasakyan and I was grateful for that. At least he's still trying to be a gentleman kahit nasira ang mood niya.

Di tulad ng byahe namin kanina na puno ng usapan, 'yong byahe namin ngayon ay medyo tahimik. Daddy del Fuerto tried to open up conversations but it ended quickly. Ramdam kong wala sa mood magsalita si Andrei. Nasasaktan tuloy ako kasi alam kong nasasaktan siya ngayon. I just can't get it why he still holds on kahit halata namang wala nang chance sila ni Kat.

Di naman kami ganoon ka-hopeless diba? Kaya okay pang mag-hold on ako diba?

Hay. If only I could take that pain away. Kung bakit di na lang kasi sa akin ilaan ni Andrei ang atensyon at pagmamahal niya? Edi sana walang aasa sa wala. Edi sana walang pagmamahal na nasasayang ngayon.

Nakarating kami ng School nang hindi nagsasalita si Andrei. Gusto kong maging cheerful kasi nakasama ko siya ngayon pero nangibabaw ang pagkadismaya ko nang matapos ang araw nang hindi kami nag-uusap ni Andrei.

"O, kumusta 'yong application mo?" Tanong ni Mommy pagkakita sa aking nakahiga sa kama. Malungkot ako but I still tried to hide it kasi ayokong tanungin ako ni Mommy.

"Okay naman po. Hintay na lang sa test permit," sagot ko.

"Alam mo bang masaya kami para sa 'yo," sabi ni Mommy saka naupo sa kama ko. Mukhang heto na naman siya at magdadrama. Kaya umupo na rin ako sa kama at humarap sa kanya. "Kahit imposibleng makapasa ka doon, anak, masaya kami kasi nakikita naming nagkakaroon ka na ng pangarap," she added. Paulit-ulit niya na lang 'yon na sinasabi.

Ang bad naman ni Mommy. Oo na, imposible nang pumasa ako sa UP. Hindi naman kasi talaga ako katalinuhan. Pero medyo nagi-guilty rin ako kasi akala nila ay pangarap ko talaga 'yon. Ang hindi nila alam ay sinusundan ko nga ang pangarap ko, 'yong pangarap kong lalaki.

Minsan naiisip ko rin kung ano kaya ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila 'yon? Will they get mad at me? Mapapalayas ba ako sa bahay?Kung mangyayari man 'yon, sana may magandang mangyari na sa amin ni Andrei. Para naman hindi mauwi sa wala itong mga ginagawa ko.

"O, sige, magpahinga ka muna diyan. O mag-review. Tatawagin ka na lang namin kung kakain na," dagdag ni Mommy bago tuluyang tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Sana talaga worth it lahat ng 'to.

•●•

Kinabukasan pagpasok ko sa School ay si Andrei agad ang hinanap ng mga mata ko. Nasa upuan na niya ang bag niya pero wala siya doon. Hindi naman siguro masamang hanapin siya.

Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon