Chapter 32

6.2K 165 16
                                    

Chapter 32

I don't want to feel anything. Parang gusto kong maging manhid kahit sandali lang. Ayaw kong mag-isip ng kung ano. Ayaw kong mamroblema.

Nakailang buntong-hininga ulit ako para pakalmahin ang sarili as I looked away. Everything's just too intense for me to handle.

"Anne Lei," rinig kong tawag ni Joseph, his eyes still on the road. "Gusto mong kumain? Nag-crave akong yum burger bigla," he added. I want to thank Joseph for his presence. Kasi kung ako lang mag-isa ngayon, baka nabaliw na ako.

"Okay," was all I said. Na-drain na lahat ng energy ko.

"Syempre drive thru lang tayo. Nakakahiya naman kung rarampa ka pa papasok ng Jollibee 'no?" He mumbled. Napatingin ako sa suot ko. Oo nga naman.

Nangingilid na ang luha ko dahil sa mga nangyari ngayong gabi pero natawa pa rin ako sa pagka-ewan ni Joseph. Nakakainis siya.

"Ganyan dapat," I heard him said. "Dapat tumatawa ka lang," he added. "Pero syempre kapag may nakakatawa lang. Mukha ka namang baliw kung tumatawa ka kahit walang nakakatawa diba?"

Alam kong ramdam ni Joseph na hindi ako okay that's why he's trying to make me laugh. He's like that. Ayaw niyang may nakasimangot sa amin. He always cracks a joke or two para lang mapangiti kami. Nakakainis siya most of the time dahil sa mga pang-aasar niya but I appreciate him a lot.

Ever since I met him, there was never a dull moment. Magaan kasi talaga siyang kasama. May pagka-ewan siya pero maaasahan pa rin siya. He's a good friend. And I'm so glad I have him as a friend.

"Joseph..."

"Hmm? Aamin ka na bang napopogian ka sa akin?" He asked smugly. Mahangin. Bwisit 'to.

"Gago," I muttered. "I just want to say thank you..."

"You're welcome," he hurriedly replied. "Para saan nga pala 'yang thank you na 'yan?" Pakshet.

"For tonight," I just answered. "If it weren't for you, baka nagmukha na akong tanga ngayong gabi."

"Asus," he said teasingly. "Sabi ko na eh. Thankful ka sa presence ko."

"Oo na, gago 'to," I muttered. I heard him chuckled.

"Binibiro lang kita," sabi niya. "Of course I'll help you, Lei. Isa ata 'yon sa purpose kung bakit nandito ako eh." He chuckled again. "Ayaw ko rin namang maipit ka sa isang sitwasyon na alam kong ayaw mo. Kaya ayun, to the rescue agad ako. At dahil diyan, libre mo na 'yong kain ngayon ah?"

I couldn't help but smile at him while shaking my head. "Sige. Since you kind of saved  me."

"Basta, Lei. Kung san ka masaya at hindi masasaktan, doon ako," he said, this time in serious tone.

•●•

"Ahhhhhhh samgyup!!!!" Masayang sigaw ni Ate Mika nang matapos ang trabaho namin for today. It's finally Friday and we planned for a dinner out together with the whole team. Para na rin pag-usapan ang team building namin na hindi matuloy-tuloy since last month sa dami ng workload. Feel ko naman this time matutuloy na talaga 'yon.

Malapit lang mula sa building ang kakainan namin kaya keri lang lakarin. Ang dami nga namin 'nong naglalakad kami. Mukha kaming nasa parade.

"Ako magluluto ah!" Agad na sigaw ni Ate Mika sabay dampot agad sa tongs. Natawa na lang ako sa pagka-energetic niya. Hindi ata siya nauubusan ng energy eh.

As we began eating, we also began discussing about the team building. Medyo bangag ako while they were talking kaya hindi na ako nakisali. Baka kung ano pang katangahan ang masabi ko. Sumasagot lang ako kapag may tinatanong sila sa akin.

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now