Chapter 33

6.3K 180 21
                                    

Chapter 33

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. I couldn't move. Shet, I don't even know what to do.

Alam ko namang dadating 'yong araw na kailangan ko na siyang harapin. But I never thought it to be this soon. Hindi ko alam kung paano siya haharapin o pakikitunguhan.

"Ooppss..." Narinig kong huminto sa pagtakbo sila Kuya Jeff at Kuya Rap just a few feet away from me. Nilingon ko sila and saw them looking at us teasingly. That's when I realized na nakahawak pa rin sa akin si Andrei. I quickly moved away.

"Sorry," mabilis na sabi ko kay Andrei, not looking at him. Itinuon ko ang atensyon ko sa shorts ko at pinagpag iyon nang makitang may mga buhangin.

"It's okay," he replied. Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan ko siyang sinilip para tingnan sana kung anong reaksyon niya. Pero nakatingin pala siya sa akin!

Fudge.

And he smiled at me.

He doesn't look shocked at all. Na para bang he's already expecting to see me. Or wala lang talaga siyang reaction kasi sino ba naman ako? Ex niya lang naman ako na ginawa niyang option when Kat left him.

I could feel my heart breaking again.

Hinarap ko na lang sina Kuya Jeff. "Kayo kasi eh!" Agad na bintang ko sa dalawang humabol sa akin.

"Hala, sinisi pa tayo," I heard Kuya Jeff scoffed. Pero agad ngumiti at tumingin kay Andrei na ngayon ay nasa likod ko na. "Sir Andrei! Jeff po, remember?" Kita mo 'to, ang kapal ng mukha.

"Ah, yeah. From the marketing team of AD," I heard him said. Naipakilala nga pala sila sa isa't-isa 'nong party.

"Sino po kasama niyo dito?" Kuya Jeff asked. Ang chismoso nito!

"Ako lang," he replied. He's alone? Why? Where's Kat?

But of course I didn't ask. Hindi ko kasing kapal ng mukha si Kuya Jeff.

"Hala, Sir! Ang sad naman 'non," I heard Kuya Jeff mumbled. I almost rolled my eyes.

But froze again when I heard Andrei chuckled.

"Nah. Andito lang naman ako to relax. Too much stress from school," he said. Sa dinami-dami ng pwede niyang puntahan, dito pa sa same resort na nakuha namin? Really? Hindi ba siya busy?

"Sali ka sa amin mamaya! Mag-iinuman kami." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya Jeff. Susuwayin ko pa sana siya but Andrei was quick to reply.

"Sure."

Gusto kong magpapadyak dahil sa asar. Gusto ko ring sisihin si Kuya Jeff pero alam ko namang wala siyang alam sa amin ni Andrei. Pero gusto ko pa rin siyang sisihin!

Matapos ang ayaan ay agad nang nagsitakbo pabalik sa dagat sina Kuya Jeff at Kuya Rap. Susunod na sana ako at maliligo na lang sana kahit ayaw ko, but I couldn't move when I heard him.

"Lei..."

Nanatili akong nakatalikod mula sa kanya. I kept breathing in and out heavily.

Face your fears, Lei. Face him. This will be over.

I slowly turned to look at him. At halos mahigit ko ang hininga ko kasi ang gwapo niya pa rin. Mas lalo siyang gumwapo kahit nakatayo lang siya doon at 'yong mga kamay niya ay nasa bulsa ng cargo shorts niya. Napansin ko tuloy na naka-plain black shirt lang siya. He always looks good in black.

Shet, self. Wag marupok. May Kat na 'yan. Iniwan ka niyan para kay Kat. Wag kang gaga.

I faced him with a straight face.

Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon