Chapter 25

4.7K 117 12
                                    

Chapter 25

"Tagal naman 'non. Kanina pa 'yon on the way," bulong ko sa sarili ko. Nasa waiting shed na ako outside our subdivision waiting for Andrei. Date time daw namin eh kasi katatapos lang ng finals. He already texted me na malapit na daw siya. Mag-iisang oras na akong naghihintay dito.

I sat back again after standing up to check the highway. Wala pa ring bakas ni Andrei. Nagmumukha na akong haggard dito.

I took my phone again and texted Andrei. I also tried calling him pero itong boyfriend ko, ayaw pa rin talaga sumagot. Mamaya 'to sa 'kin!

My phone suddenly rang. Akala ko ay si Andrei na ang tumatawag pero napasimangot na lang ako when I saw it was Angel.

"Oh?" Bungad ko.

"Ay? Galit?" Sagot niya. "Papabili lang sana akong extra refill ng pen ko. Bayaran ko lang pag-uwi mo," dagdag niya. Mas lalo akong napasimangot.

"Di pa nga ako nakakaalis eh."

"What?! Kanina ka pa kaya umalis!"

"Dito pa 'ko sa entrance ng subdivision. Di pa dumadating si Andrei," I said. I could hear the sadness in my voice.

"Uwi ka na lang muna dito! Masyado ka kasing excited eh. Di tuloy natuloy," Angel mumbled from the other line. "Itext mo si Andrei na dito ka na sa apartment maghihintay. Magmumukha ka lang tanga diyan eh."

I expelled a heavy breath and just did what Angel said. Mukha nga akong tanga kung mananatili pa ako dito.

Nang makauwi ako ay nanatili lang ako sa kwarto. I just stayed on my bed with my phone just beside me, in case mag-contact si Andrei. He still has a lot of explaining to do. Lagi na lang ganito eh. He would ask to date me tapos hindi naman natutuloy. Although bumabawi naman siya. Pero kasi, ang hirap na siya 'yong mag-aaya tapos siya rin 'yong hindi tutupad. Sobrang understanding ko naman. Minsan gusto ko batukan sarili ko. Maybe it's time I should confront Andrei na hindi na ako natutuwa. Tama. I should do that. Hindi naman pwedeng ako lagi nadedehado 'no. Mahal ko 'yon pero nakakatampo na rin.

Sa sobrang dami nang iniisip ko ay nakatulog na lang ako. Hapon na nga nang magising ako. I'm still wearing my supposed outfit for our date at nang makita ko 'yon ay naasar lang ako.

When I opened my phone ay agad tumaas ang kilay ko. Ang daming missed calls at texts from Andrei using a different number. I rolled my eyes. Mang-aaway ako ngayon!

Nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto. I went straight to the kitchen to get me a glass of water. Nakita ko pa ang sticky note ni Angel doon saying she went out to buy stuff. Naiwan na naman akong mag-isa dito. Dapat kasi may date ako ngayon eh!

Para akong batang nagmamaktol na bumalik sa sala at naupo sa sofa. Bitbit ko pa ang baso kong may tubig at phone ko.

"San mo po nilagay si Andrei ngayon, Lord?" Mukhang tangang tanong ko sa sarili ko. "Paki-warningan siyang galit girlfriend niya at aawayin siya!" At mukhang sinagot ni Lord ang tanong ko kasi may unregistered number na tumatawag. Kinabahan ako. Baka si Lord talaga 'to.

"H-hello?"

"Lei," sabi sa kabilang linya. Medyo kinabahan ako kanina when I saw the unregistered number but it was gone now. Napataas na lang ang isang kilay ko nang marinig ang boses ni Andrei.

"Sino 'to?" I asked kahit na alam kong si Andrei naman talaga 'yon.

"Lei, it's me. I'm sorry hindi kita napuntahan agad kanina. Our papers were returned earlier and we did some revisions. Due agad today kaya I wasn't able to tell you. Tapos nawala pa phone ko. I might've dropped it around the school," mahabang sabi niya. "Nakitawag lang ako. I'm sorry. I'll go there after passing the papers. Let's have dinner together, okay? Sunduin kita."

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now