Chapter 11

3.6K 80 1
                                    

Chapter 11

Nang makuha ang mga requirements ko sa bahay ay nagmadali rin akong bumalik sa School. Sa likod pa rin ako dumaan kasi baka magtaka ang guard kung sa harap ako dumaan at baka mapagalitan pa ako.

Medyo nahirapan akong akyatin ang pader papasok sa School compared 'nong palabas ako. May aapakan naman kasi ako kanina. But this time, iyong puno lang ang pag-asa ko.

Tiningala ko ang punong nasa harapan ko. Hindi ko abot iyong unang sangang pwede kong apakan. But I should just do whatever it takes para lang makaakyat sa pader. Again, dito nakasalalay ang pag-ibig at kinabukasan ko.

Kahit mahirap ay sinubukan ko pa ring iangat ang sarili ko just using the tree. It took me more than ten minutes. Ang sakit na ng mga palad ko dahil sa balat ng kahoy. It's not palm-friendly. Pulang-pula na ang palad ko and I could see the tree marks on my palms. Pero hindi ito ang oras para mag-inarte ako.

Nang sa wakas ay naabot ko na ang sanga ay medyo napadali na ang pag-akyat ko. I could pass as spiderwoman now, or as over-the-bakod girl or whatever.

"Lei! You're back!" Masayang sabi ni Angel na kakatayo lang mula sa pag-upo sa ilalim ng malagong puno.

Kakaakyat ko lang sa pader at nasa taas pa ako. Kailangan ko munang huminga kasi parang mauubusan na ako ng hangin dala ng rush at kaba.

"Pakikuha nga muna nitong dala ko," I asked Angel. Iniabot ko sa kanya ang envelope na bitbit ko. Agad niya naman iyong kinuha. "Salamat."

Dahan-dahan ko nang ibinaba ang paa ko. Pero matindi pa rin ang kapit ko sa pader sa takot na baka mahulog na lang bigla. Mahirap na. Hulog na hulog na nga ako kay Andrei, mahuhulog pa ako dito sa pader.

When I made sure I'm already stepping on the stable part of the arm chairs na inapakan ko rin kanina ay dahan-dahan na akong bumaba. Pigil-hininga pa rin ako sa stunt na ginawa ko but when I finally landed on the ground ay ganoon na lang ang laki ng ngiti ko.

"Just in time for the recess," nakangiting sabi ni Angel while looking at her wrist watch. "At least you get to erase mag-over the bakod sa School from your to-do list before leaving high school," natatawa niyang dagdag.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. But yeah, I do have that list. At isa-isa ko nang gagawin ang mga nakasulat doon.

With a huge smile ay bumalik na kami ni Angel sa classroom.

•●•

Nagsisilabasan na ang mga kaklase ko for recess nang dumating kami sa classroom. Kinailangan ko pang tumigil sa may pinto ng classroom to catch my breath. Tumakbo pa kasi kami papunta dito para hindi ako maiwan ni Andrei.

When I looked around the classroom ay nakita kong nag-aayos na ng mga gamit niya si Andrei. Mukhang paalis na ata kami.

"Oh my god. Do I look okay? 'Di ba haggard sa kakatakbo?" Tanong ko kay Angel, na nakayuko, her hands on her knees while also catching her breath. She looked at me from head to toe and just gave me a thumb up after.

That served as my cue to ran to my armchair and get the stuff I needed.

"Lei, are you ready?" Andrei queried nang makalapit sa akin. Medyo kinilig pa ako kasi nag-effort pa talaga siyang lumakad palapit sa akin. Fudge.

He was smiling at me kaya napangiti na rin ako. Nakakahawa talaga 'yang maganda niyang ngiti.

"Ah oo. Okay na ako. Alis na ba tayo?" I asked, trying to hide the nervousness and excitement I am feeling right now.

Andrei looked at his wrist watch and replied, "in a while. Text ko muna si Dad if he's already on his way."

I watched him search for his phone on his bag. Ang sarap niya talagang titigan! I could do this everyday.

"Well, yes. He's five minutes away," he mumbled. "Tara?"

Why does he has to smile like that?! May clue ba siya kung gaano nakakabaliw 'yang ngiti niyang 'yan?!

"S-sure," I said. Napatingin pa ako kay Angel na ngayon ay nakaupo na sa upuan niya, habang palabas kami ni Andrei ng classroom. She gave me a thumb up again and even smiled at me sheepishly. Napailing na lang ako habang lihim na napapangiti.

Nang makalabas kami ng classroom ay nanatili lang ako sa likod ni Andrei. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala na makakasama ko siya ngayong araw to apply for UPCAT. Dati ay hanggang tingin lang ako sa kanya eh. Ngayon ay makakasabay ko pa siya papuntang UP and take note, sasabay kami kay Daddy del Fuerto. This is a good sign, right?

Nakatingin lang ako sa batok niya habang naglalakad kami. Hindi ko maiwasang mapangiti while staring at his back. Ang linis ng gupit niya. And of course, gwapo! I could also smell his cologne. Shocks, I could smell him all day.

Ano kaya sa pakiramdam 'yong mayakap siya? Iyong tipong maisasandal ko ang ulo ko sa chest niya at maaamoy ang pabango niya? Isa 'yon sa mga nasa to-do list ko before leaving high school. I should experience that!

With that thought on my mind ay bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Holy cow. Ang halay ko na ba? Oh god.

Napayuko na lang ako as I tried fanning myself with my hand. Wow, ngayon pa talaga ako magkakaganito ha. Ngayon pa talaga ako mangtsa-tsansing sa utak ko. And shit, nakakahiya kung makita niya man akong nagba-blush dito dahil sa kanya.

Come on, Lei.

"Ay palaka!" Nasabi ko na lang nang bumangga ako sa medyo matigas na bagay. I was so busy looking down and trying to calm myself that I didn't notice...

Oh my gosh! Andrei stopped in front of me at sa kanya ako bumangga!

Biglang nanlaki ang mga mata ko and I wasn't able to move quickly. Holy freaking cow!!!

Nakasandal pa rin ang ulo ko sa dibdib ni Andrei and I could feel his hands on my back. Naaamoy ko rin siya. It was stupid of me but I think I just sniffed him. God! Nakakahiya ako!

"Are you okay?" Andrei asked. That's when I finally distanced myself from him.

Shit. Shit. Shit.

Napatingin ako sa kanya and he's now scowling. "O-oo. Okay lang ako. Sorry," mahinang sabi ko.

Truth is, I wanna scream. Okay, I'll admit. Kinikilig ako.

"No. Sorry. Hindi ka kasi sumasabay sa akin sa paglalakad so I figured I should stop and wait for you para magkasabay tayo," he explained. I suddenly want to tell him it's okay. Ginusto ko naman ang nangyari, but thank God I was able to stop myself.

"Bakit ka kasi sa likod ko naglalakad," he mumbled. And he smiled. Holy shit, that smile again!

"S-sorry," I managed to say.

"Sabay na tayo," he murmured.

And just like that ay sabay nga kaming naglakad, side by side.

And fudge! I can cross out Experience Andrei's hug from my list. That counts, right?

Just An Option (Completed)Where stories live. Discover now