Chapter 12

3.5K 80 2
                                    

Chapter 12

"Hindi naman ba nakakahiya sa Daddy mo na sasabay ako?" I asked Andrei. Ilang metro na lang ay nasa gate na kami. At kinakabahan na talaga ako. Hindi na ako mapakali habang papalapit kami nang papalapit sa gate.

And I could see the guard's face! Baka mamukhaan niya ako't harangin! Baka magtaka siya bakit may hawak na akong brown envelope gayung kanina lang ay nagmamakaawa pa kaming palabasin niya para kunin ang requirements ko. Patay talaga ako.

"Hey. Bakit nagtatago ka na naman sa likod ko?" Natatawang tanong ni Andrei. Nanlaki ang mga mata ko. Kung ano-ano ang pumasok sa isip ko na hindi ko namalayang nagtatago na pala ako sa likod ni Andrei. At nakakapit pa ako sa polo niya at nagugusot ko na ito.

"Oh my god! Sorry!" I hurriedly said. Medyo napalakas pa ang boses ko kaya pinagtinginan kami ng mga dumadaan.

Huminto sa paglalakad si Andrei at hinarap ako. I even tensed up when he put his hands on my shoulder.

"Come on. My Dad doesn't bite," nakangiti niyang sabi. I couldn't help but stare. Shit, that adorable smile.

Tinanggal niya ang mga kamay niya sa balikat ko at parang gusto kong hawakan 'yon at ibalik sa balikat ko. But of course hindi ko magagawa 'yon.

"Breathe," I heard him murmured. Shet. Pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. Nakakabaliw.

"Sorry," I mumbled. Napayuko ako. I could feel my face heating up. For sure ay namumula ako.

Pero mas lalo ata akong namula when I felt him touch my chin to look at him. "Don't be sorry," he said and he even smiled at me again.

Iyong puso ko hindi na mapakali sa loob ng katawan ko. Parang gusto na niyang magtatalon sa saya at kilig. Fudge naman. I wasn't ready for this!

Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa akin saka iginiya na akong maglakad. Naramdaman ko ang paghawak niya sa likod ko habang sinasabayan siya sa paglalakad.

Lord, thank you! Alam kong puro pahiya ang ginagawa ko sa buhay ko pero biniyayaan niyo pa rin ako ng moments with Andrei!

Nakarating kami ng gate while I'm trying my very best to hide my face from the guard. Kinausap siya ni Andrei at ipinakita ang permit from the Principal na pwede kaming lumabas at bumalik later.

Nanatili ako sa likod ni Andrei nang nakayuko. When I looked up ay nakita kong napatingin sa akin ang guard nang nakakunot ang kilay kaya dali-dali akong naglakad palabas. Buti na lang hindi niya ako sinita.

When we were finally outside the School ay doon lang ako muling nakahinga nang maayos. I didn't even know I was holding my breath.

Ilang segundo lang kami tumayo sa waiting shed when a car stopped in front of us. Napatitig ako doon kasabay ang pagbilis muli ng tibok ng puso ko.

Bumaba ang salamin ng bintana and there I saw Daddy del Fuerto. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit ang gwapo ni Andrei. Ang gaganda ng genes ng parents niya! His Mom, who I saw last time has a timeless beauty; parang hindi tumatanda! Ang Daddy niya naman ay kamukhang-kamukha niya! As in carbon copy! At ang tikas pa rin! I wonder how old his parents were when he was born.

"Dad," bati ni Andrei sa Dad niya. I saw his Dad smile.

"Hop in," he said. Kung hindi lang ako hinawakan ni Andrei sa likod para igiya palapit sa sasakyan ay baka walang katapusan na akong tumitig sa Daddy niya. Not that I'm fantasizing his Dad or what. Na-amaze lang talaga ako sa pagkakahawig nila ni Andrei.

Andrei opened the door to the back seat for me and I shyly thanked him as I slid myself. Nagmadali naman siyang umikot sa harapan para tabihan ang Dad niya sa front.

"So you must be Lei," I heard Daddy del Fuerto murmured. He was looking at me through the rearview mirror. Shocks! He knows me! He knows me!

Holy cow.

"O-opo. Hello po," nahihiyang bati ko. Shocks! Na-meet ko na talaga parents ni Andrei. Sa susunod dapat mga kapatid niya naman.

Nakapasok na si Andrei sa loob ng sasakyan kaya pinaandar na muli ni Daddy del Fuerto ang car.

I still can't believe I'm in the same car with my future father-in-law and of course, my future husband. This is such a dream come true! Pakiramdam ko konting steps na lang at makakamit ko na talaga ang pinaka-goal ko: ang magkaroon ng kami.

Siguro masyado akong ilusyonada para mangarap ng ganoon. Pero wala naman atang masama. People do anything for love. Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang kayang magpakatanga for the person I really want.

Nag-uusap ang mag-ama sa harap while I remain quiet and just listening. Madalas rin nila akong sinasama sa usapan nila and I felt glad that they're trying not to make me feel left out. Ramdam ko rin ang bait ni Daddy del Fuerto. Ang sarap niya ring maging Daddy! But of course I love my Dad and I don't want Andrei to be my brother (it will be incest, ew. No, thanks). So magsi-settle na lang ako sa Daddy-in-law.

I was enjoying listening to them that I didn't notice we already arrived. Agad kaming nagpaalam ni Andrei sa Dad niya para magmadaling bumaba. Naghabilin naman ito na i-text siya ni Andrei if we're done para masundo niya kami ulit. See? Daddy del Fuerto is so kind! So Daddy-in-law material.

Hindi ko mapigilang mapangiti while we were walking going to the Admin office. Hindi naman kami nag-uusap pero natutuwa pa rin ako. Sinasadya ko ngang magtama ang mga braso namin (which he didn't mind). Iyon lang, masaya na ako.

Nang makarating kami sa Admin building ay agad kaming pumila. Nagpaka-gentleman pa si Andrei at pinauna ako, which obviously brought a huge smile to my face.

Medyo mahaba-haba ang pila sa dami ng nagpa-file ng application, but I didn't mind. Kasama ko si Andrei at kahit pa abutin kami ng ilang oras na nakatayo dito ay okay lang sa akin. At least I know he's just behind me. At naaamoy ko pa ang pabango niya! I really should find that scent para mabili ko at magawa kong air freshener sa kwarto.

Habang nasa pila at kahit medyo masakit na ang mga paa ko ay pilit pa ring tumatakas sa labi ko 'yong ngiti. Shet, ang hirap talaga magtago ng kilig.

Kating-kati akong kausapin siya but I don't have any idea for a conversation opener. Nag-isip ako nang nag-isip. Anything. Kahit sobrang random. Para naman may mapag-usapan kami at hindi niya maisip na boring ako.

And when I finally thought of something ay nilingon ko na siya. Only to find him looking at his phone.

I tried to peek.

Na pinagsisihan ko.

Because I saw him chatting Kat again. Puro blue, which means he's chatting her non-stop, at hindi siya nirereplyan.

Biglang kumirot amg dibdib ko. Kaya ibinalik ko na ang atensyon sa harap ko, and tried to heave deep breath because I could feel my tears threatening to fall.

When will you get over her, Andrei?

•●•

I'm on Twitter @EessaArkisha. :-)

Just An Option (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang